Chapter 22

36.4K 1.2K 81
                                    

Aria's POV

Halos magkahiwalay na ang cerebrum at cerebellum ko pati na rin ang mga lamang loob ko ay halos magkapalit-palit na ng pwesto noong paikot kaming napunta sa Water World. Jusko! Kahit gaano ko ka-favorite ang mga fantasy movies ay iba pa rin pala kapag mararanasan ko na! Nakakaloka!

"Welcome to the water world," Miss Shebah said. Ang taray ng lola mo. Ang sungit ng mukha. Akala mo ay mangkukulam na isinumpa sa sama ng loob. Pagtripan ba naman ang suot kong damit? Hindi naman ako nainform na may dress code pala kami dito sa Yoso.

"Remember that everything you are going to witness here was really happened in the history of Sui Kingdom. Before we go back to the time when the Sui Kingdom had been built, let me tell you one thing. You are not allowed to talk with anyone from the past of the Sui Kingdom. Kung nakikita ninyo sila, gano'n din sila sa atin. And when they talk to you, you should ignore them and focus to the event that we are into." Seryoso ba si Shebah sa sinabi niya? Talagang babalik kami sa time kung kailan naitayo ang Sui Kingdom? Time machine lang ang peg? At bakit hindi pwedeng makipag-usap sa kanila?

"Miss Shebah, what will happen if ever we talk to them?" Nabasa yata ni Kai ang iniisip ko kaya siya na mismo ang nagtanong kay Shebah nang gusto kong itanong. Ayaw kong kausapin si Shebah. Natatakot ako sa katarayan niya. Dinaig pa niya 'yong terror teacher namin sa Physics noong nasa mundo pa ako ng mga tao.

"Well, if you talk to them, you have to stay here. You will no longer be able to go out. Tandaan ninyo na sa ibang estudyante dito sa Yoso, kayo lang ang makakakita ng mga nangyari sa nakaraan." Hanu?! Ay grabe! Aria, tandaan mo 'yan ha? 'Wag na 'wag mong kakausapin ang kahit na sino dito sa Sui Kingdom! At ang bongga! Kami lang ang makakakita ng mga ganito? E paano 'yong iba?

"The other students will only see what is inside the book. Ang mga picture na nasa libro ay hindi katulad ng makikita ninyo dito. Those pictures in the books serve as a representation of what happened in the past but what you are going to witness here was the real thing." Jusko! Nagsapakan na ang brain cells ko sa mga sinasabi mo, Shebah!

"Miss Thea," Shebah called Thea who's currently spacing out. Anyare kay Thea? Parang kinakabahan yata siya?

"Yes, Miss Shebah?" Thea asked.

"If you are thinking if you will see your mother, yes. You will see her." Noong tiningnan ko si Thea, nagulat siya sa sinabi ni Shebah. Akala ko ba, walang pwedeng makakita sa mga Gods and Goddesses?

"But I thought---"

"I'll explain it to you later," Shebah said and then she looked at us.

"So, if you don't have any question, maybe we can go now?" Biglang may tatlong malalaking ibon na pumunta sa amin. Gawa silang lahat sa tubig. Hindi kaya kami mabasa diyan?

"Apat ang pwedeng sumakay sa isang ibon pero kay Beaky, ako lang ang sasakay," sabi ni Shebah at sumakay na siya kay Beaky. Edi ikaw lang! Loner lang ang drama mo, Shebah? Ano ba namang pangalan 'yon? Ang weird.

"Sumakay na kayo. We only have three hours here. Kapag sumobra tayo sa oras, the door going back to the elemental world will be closed." Pagkasabi ni Shebah no'n, agad-agad kaming sumakay sa ibon. So kami nina Kai, Thea, at Fire sa isang ibon at sa kabila naman ay sina Tyrone, Nuraya, Ela at Laydon.

Si Thea ang nasa unahan, sumunod naman si Fire at ako, tapos nasa likod ko si Kai. Sabi ko nga kay Kai, ako na lang sa dulo but he insisted na siya nalang para raw masigurado niya na safe ako. Kikiligin na sana ako kaya lang ay bigla kong naalala na nasa harapan ko si Fire! Leche talaga!

"Okay, hold on," Shebah said at nauna nang lumipad si Beaky. Sumunod ang mga ibon na sinasakyan namin. Sa sobrang bilis ng paglipad ng ibon ay wala sa ulirat akong napayakap kay Fire. Langya ka, Shebah! Kasalanan mo 'to! Aalisin ko na sana ang pagkakayakap ko kay Fire pero hinawakan niya ang kamay ko.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon