Chapter 57

21.9K 753 41
                                    

Fire's POV

I usually do advance thinking. Para sa akin kasi, mahalaga na iniisip mo na agad 'yong mga posibleng mangyari kapag ginawa mo ang isang bagay. Dapat ay iniisip mo na kung ano ba ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga taong nakapaligid sa'yo.

Pero hindi ko kailanman naisip na aabot kami sa ganito ni Aria. I never thought that she'll say those words: We need to die. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya. How can she manage to say those words?! Para saan pa ang mga pinlano namin kung mauuwi lang din naman pala sa ganito ang iniisip niya?!

"Aria, calm down. You are just being consumed with so much thoughts. 'Wag ka namang magsalita nang ganiyan," I said. Patuloy siya sa pag-iyak kaya naman niyakap ko na siya.

"Kasalanan natin 'to Fire. Tama si Thea, we deserve to die," she muttered. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Aria. I oftentimes saw her funny side pero iba na ang nakikita ko sa kaniya ngayon. She's currently on her weakest point at hindi ito maganda.

"Aria, please, you have to calm down. Walang mamamatay. We can make it, 'di ba? Napag-usapan na natin na lalaban tayo kaya tahan na. You have to be strong," I said while rubbing her back. Noong tumingin ako kina Thea ay halata sa kanila ang pagkagulat sa reaksyon at mga nasabi ni Aria.

"'Yon na nga ang problema, Fire! Hindi mo ba nakikita kung saan tayo dinadala ng pagiging matapang natin?! Not all the time, we have to be brave lalo na kung nadadamay na ang iba! Hindi mo ba nakikita 'yon?!" I gawked as I looked at the mad image of Aria. This is the first time na nakita ko siyang nagalit aside from those moments na una kaming nagkakilala dito sa Yoso.

"Sino ba ang lumabag sa batas? Hindi ba, tayo?! We should face its consequence now! We should die!" she said and I nearly shout at her that we don't have to die! Ano ba ang nangyayari sa kaniya?!

"Aria, look at me." I cupped her face and I looked at her eyes. Confusion, pain and sadness are visible in her eyes at mahirap para sa akin na wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi 'yon lang.

"Aria," I called her name and she looked at me. Her tears started to fall.

"Fire," she said. She held my hand and suddenly hugged me.

"I'm sorry. I was just--"

"Sshhhh... It's okay. I understand. For now, you have to calm down." I rubbed her back as I hugged her so tight.

"Aria, magiging okay din ang lahat," Zep said while walking towards us.

"Bukas din kami kokontra sa kung ano man ang sasabihin ng Elemental Ministry. May posibilidad na bukas ay baka makita na natin sina Papa," he added. Kumalas si Aria sa pagkakayakap ko sa kaniya at saka niya pinunasan ang luha niya.

Right then, I smiled when I heard her say,

"Sasama rin kami. Oras na para harapin sila."

Buong magdamag kaming nagplano kung ano ba ang mga dapat naming gawin sa oras ng pagpupulong. Mahahati sa apat ang elemental people kasama na ang mga galing sa Elemental Kingdoms. Isang Elemental Kingdom ay isang grupo ang katumbas.

"Aria, hindi ka pa ba matutulog?" I asked. Tulog na kasi sina Thea at kami na lang dalawa ang gising. I don't want to sleep if Aria will not sleep.

"Hindi ako inaantok," she replied softly. Tabi-tabi na kaming lahat dito sa higaan na inilatag ni Zep kanina.

"Minsan, parang mas gusto ko yata na sa akin na lang napunta ang soul innate power ni Kai para naman nababasa ko kung ano ba ang iniisip mo ngayon," I said before I held her hand. Hindi yata alam ni Aria na hindi ko gustong nakikita siyang ganito na para bang nalilito at hindi alam kung ano'ng gagawin. Para sa akin kasi, mas gusto kong makita ang pagiging makulit niya at oblivious sa lahat ng bagay. Unlike tonight na halatang sobrang lalim ng iniisip niya at ang nakakainis doon ay hindi ko man lang alam kung ano na ba ang tumatakbo sa utak niya.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon