Chapter 33

35.5K 1K 116
                                    

Aria's POV

May mga bagay lang talaga sa mundo na ang hirap intindihin. Mas mahirap pa kaysa sa mano-mano na paghahanap ng sine at cosine sa Trigonometry. 'Yong mga eksena na talagang gusto mo na lang iuntog ang ulo mo sa pader.

"Aria, are you listening?" Bigla akong natigil sa pag-momonologue ko noong tinawag ako ni Heiro. Nandito kami ngayon sa battle field kasi gagamitin na ng iba ang weapons nila. Napatingin ako kay Fire na kasalukuyang ang sama ng tingin sa akin habang hawak niya ang fire bomb niya. Ay teka, ano 'yan? Sa akin niya ba ibabato 'yan?! Paano na ang magandang lahi ko?!

"Aria, you only have a week to make your own weapon. Ikaw na lang ang walang nagagawa sa inyong walo." Ang taray! Pati ba naman dito sa Elemental World ay may ganito? Leche naman kasi si Tyrone e! Pagkatapos niya kasi akong halikan kagabi, binato ko sa kaniya 'yong cabinet ko at inuntog ko ang ulo niya sa semento. Ang bongga! Ang lakas mo mag-imagine Aria! Joke lang 'yon. Hindi ko na siya pinansin simula nang mangyari 'yon. E 'di ba nga ang chika niya ay tutulungan niya ako sa paggawa ng weapon? E paano na 'to ngayon?! Badtrip naman oh! Wrong timing ka naman kasing maging leche, Tyrone!

"Kapag wala ka pang weapon sa susunod na linggo, hindi ka makakasali sa battle ng first year at ang chance mo na makabalik sa human world para makitang muli ang nanay mo ay hindi mangyayari ngayong taon," Heiro said. Biglang sumanib sa akin ang kaluluwang ligaw ni Bedgeta, Friza, Zel, Gohan at Spongebob! At paanong biglang nasingit si Spongebob, Aria? Baka si Picollo pwede pa! Pero teka, ano raw? Hindi ako makakasali sa battle?! Hindi ko makikita si Mama ngayong taon?! Aba! Hindi na makatarungan ito. Kaya nga kumilos ka na Aria! Mag-isip ka na ng weapon mo! 'Wag puro si Fire ang iniisip mo, okay?!

"Aria," I looked back and I saw Tyrone. Mukhang nahihiya pa siya na kausapin ako. Nako! 'Yan kasi e. Dapat kasi pinigilan mo ang damdamin mo, Tyrone. Dapat hindi mo ako minolestiya. Seryoso, Aria? Anong molestiya?! Hinalikan ka lang niya akala mo naman ginahasa ka na! Pero naiinis pa rin talaga ako! Ninakawan niya ako ng halik. Pakiramdam ko nawala ang puri, dignidad at lahat na sa akin. Grabe ka sa pagka-OA Aria.

"Bakit?" I asked. Halata sa boses ko na galit pa rin ako sa kaniya

Hawak-hawak niya ngayon ang pamaypay na ginawa niya na magbubuga ng super lakas na hangin. Ay teka sandali Aria, mag-ingat ka dahil baka sa'yo niya pa itry yan! Isipin mo ang kagandahan mo.

"Can we talk?" he asked back. Talk? Hindi pa ba pag-uusap na matatawag ang ganito? Hindi ba pinag-aralan 'yon sa speech ang oral communication subject noong college na kung saan may iba't-ibang uri ng komunikasyon? Sandali lang Aria, bakit ka naglelecture diyan?

"Tungkol saan? Busy ako. Mag-iisip pa ako ng weapon na gagawin ko," I replied. Kunwari mataray ako ngayon.

"I'll help you with your weapon. 'Di ba pinangako ko 'yon sa'yo?" Oo pinangako mo nga! Kaya nga nakakaleche ka kasi kung ano-ano yata ang sinisinghot mo para maisipan mo na biglang magteleport sa kwarto ko at bigla na lang akong halikan sa harapan pa ng lalaking mahal ko! Leche!

"Aria, I won't say sorry about kissing you but I'll say sorry because I have stolen it from you." Wala namang englisan Tyrone! Ang daya naman e! Nagmalfunction na kaya ang brain cells ko.

"Kung galit ka pa rin sa akin, maiintindihan ko pero sana hayaan mo ako na tulungan ka sa paggawa mo ng weapon mo." Ansabe ng pagiging persistent ni Tyrone?! O ano na Aria? Mag-iinarte ka pa ba?

"Okay. Tutal naman ay mapilit ka. Kahit na ayaw ko ay papayag na lang ako," I replied. Kaloka! Ano'ng kahit ayaw mo? Ano'ng pinaglalaban mo, Aria?

Nakita ko na ngumiti si Tyrone. Mukhang galak na galak yata siya sa pagpayag ko na tulungan niya ako. Ang totoo niyan ay naiinis ako sa kaniya pero hindi ko naman magawang magalit sa kaniya nang tuluyan. Oo nga at nag-iinarte ako kasi ninakawan niya ako ng halik e pwede naman niyang sabihin sa akin ng maayos 'yon di ba? Ay ang landi! Siyempre joke lang ulit. Naiinis ako sa kanya kasi exclusive for Fire lang ang mga labi ko. Isa pang paglandi mo Aria at ipapalamon na kita kay Valgemon! Masyado yatang active ang landi hormones ko ngayon. Leche!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon