Chapter 20

35.5K 1.3K 124
                                    

Aria's POV

Minsan, hindi ko madetermine kung ano ba ang totoong nangyayari sa kung ano ang mga bagay na resulta lang ng imagination ko. The best way to be hurt is when he's hurt just to save me? Totoo ba ang narinig ko?!

Literal akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Putek ka, Fire! Ang galing mo talagang mang-trip! I calmed myself first. Ayaw ko kasi siyang kausapin ng hindi ako kalmado kasi baka maihampas ko sa kaniya ang upuan sa tabi ng kama niya.

Aria, joke lang ni Fire 'yon. 'Wag kang kikiligin. 'Wag mong seseryosohin 'yon. Isaksak mo sa kasuluk-sulukan ng hypothalamus mo na joke lang 'yon!

Pagharap ko kay Fire, tulog na siya. Ay bwisit! Matapos niyang guluhin ang lamang loob ko ay bigla na lang niya akong tutulugan?! What if hindi naman talaga niya sinabi 'yon? What if isa ka lang palang babae na mahilig maghallucinate, Aria?!

I look intently at him. Bumalik ako sa upuan na malapit sa kama ni Fire. Since the time that I met this guy, it will be the first time para titigan ko ng mabuti ang mukha niya ng malapitan.

"Putspa! Ang haba ng pilikmata mo, Fire! Ang tangos ng ilong mo. Ang kilay mo na medyo makapal, 'yan ang nagpapadagdag ng kasungitan sa mukha mo. Astig ka na sana tingnan e. Kaya lang, sablay ka sa ugali." Wala akong pake kung naririnig niya ako o kung nagkukunwari lang siyang tulog. But then, I suddenly gulped when my eyes settled on his lips.

"Shemay! Bakit ganyan ang labi mo? Parang kay Lee Min Ho lang! Ang pink! Nainggit naman ang labi ko sa labi mo Fire!" Ano kaya ang feeling na mahalikan ka Fire? Ay ang landi mo, Aria! 'Wag mong pagnasaan ang lalaking walang malay!

Since tulog naman si Fire, may naisip na naman akong kalokohan.

"Ano'ng sabi mo? Maganda ako? Sus! Matagal ko nang alam 'yon Fire! No need to state the obvious!" Medyo natawa ako sa ginagawa ko pero walang may pake. No response pa rin ang walang hiya na 'to.

"Talaga? Kaya ka masungit sa akin ay dahil insecure ka sa beauty ko? Ay nako, Fire! Sana inamin mo agad sa akin edi sana inintindi kita! Kaloka ka talaga!" Humagikhik na naman ako sa ginagawa ko. Grabe. Walang alam ang damuho na 'to sa kabaliwan ko. Dito man lang, Aria ay makaganti ka sa lalaking 'yan.

"What the heck?! Bakla ka?! Omygod! Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan? Kaya pala ang init ng dugo mo sa akin kasi akala mo ay karibal mo ako kay Kai? Ano ka ba naman, Fire. You should have at least informed me. Kaya pala ang taray-taray mo sa akin. Ikaw talaga, sis!" I said while playfully hitting him. Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa. Hanep!

"Ano 'yon? Ahhh, gusto mo 'yong mga damit ko? Oh sure! Hiramin mo lang. Hindi naman ako madamot e lalo na kung pareho tayo ng uri ng puso. May pink ako na dress. O talaga? Gusto mo 'yon? Oo nam-----"

"Ang ingay mo, Aria." Putspa! Gising na ba 'to? Dahan-dahan kong iniisod ang upuan ko kasi balak ko nang umalis agad dito pero hinawakan niya ang kamay ko. Lagot ka Aria! Kung ano-ano kasing kabaliwan ang ginagawa mo!

"At saan ka pupunta?" he asked. This time, he opened his eyes. I gulped when I stare at his red eyes. Hindi ko man lang mabasa kung naiinis ba siya, galit ba siya o baka naman gusto na niya akong sunugin sa mga oras na 'to?

"Babalik na ako sa dorm natin. Gabi na e," I answered shyly. Next time, Aria, ilugar mo 'yang kabaliwan mo ha!

"Iiwan mo akong mag-isa dito?" tanong niya. Aba! Parang bigla yatang umamo ang isang 'to? Anmeron? Nakalunok ba ito ng kung anong insecticide kaya parang naging bata ang attitude niya?

"At ano'ng gusto mo? Bantayan kita magdamag?!" I irritably mumbled. Aba! E gawin mo akong gwardiya! Leche!

"Kasalanan mo kung bakit ako nandito tapos iiwanan mo lang ako? Is that your way of paying me back?" Aba ayos mangonsensya ang gago na 'to ah! Sinabi ko ba na yakapin niya ako? Pinilit ko ba siya? Ako ba ang naglagay ng kamay niya sa palibot ng katawan ko? Ako ba?! Kapal ng mukha!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon