Chapter 58

19.2K 736 16
                                    


Aria's POV

Hindi ako magagalitin na tao. Madalas akong mainis pero bihira akong makaramdam ng sobrang galit para sa isang tao.

Pero nagbago na ang lahat noong makilala ko ang bwisit na makulay na Hera na 'to na dinaig pa ang itim na damit ni Shebah sa itim ng budhi niya! Hayop!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Aria?" she asked while grinning at talagang lalo akong nakaramdam ng pagkainis.

"Ano sa tingin mo, Hera? Hindi pa ba obvious na gusto kitang patayin? Hayop ka!" I said bago ko pinasunod ang hangin sa akin.

"Humanda kang hayop ka! Papatayin kita! Leche kang rainbow ka!" sigaw ko bago nag-unahan ang mga bato na kanina lang ay lumulutang sa tabi ko na ngayon ay sumusugod na ng mabilis papunta sa pwesto ni Hera. Hindi ko rin alam na kaya kong gawin ito pero sa oras na 'to, isa lang ang nasisiguro ko. Galit ako at gusto kong patayin si Hera!

Biglang naglabas ng hangin si Hera para kontrahin ang pagsalubong ng mga bato sa kaniya. Pucha! Nakalimutan kong mahangin este air person din pala itong bahag-hari na 'to. Lechugas!

"Sa tingin mo ba ay ganoon mo ako kadaling mapapatay, Aria?" she said. Biglang may itim na hangin na pumalibot sa kaniya habang nakangisi siya.

"Pero ako, kayang-kaya kitang patayin!" Halos nagulat kaming lahat noong naglabas ng apoy si Hera sa kamay niya. Teka, anong ibig sabihin nito?! Bakit siya may apoy?! Air person lang siya 'di ba?!

"Goodbye, Aria." Inihagis niya 'yong bolang apoy sa akin pero bago pa 'yon mapunta sa pwesto ko ay nawala na ako at napunta sa likuran niya.

"Try harder, Hera." Sinakal ko si Hera at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ko para sakalin siya nang ganito. Nag-apoy ulit ang kamay ni Hera pero namatay agad 'yon noong biglang umulan. Pagtingin ko kay Thea, she's smiling at me.

"Say hi to your death, Hera." Noong naibuka ni Hera ang bibig niya dahil sa pagkakasakal ko sa kaniya ay inisip ko lang na gusto kong higupin lahat ng hangin na meron sa katawan niya.

"Walang hiya ka!" sigaw ko habang tinititigan ko siya at para bang unti-unti ay nawawalan na siya ng hangin pero natigil ako sa ginagawa ko noong biglang naglaho si Hera. Teka, saan na siya napunta?!

"Hulihin ninyo ang batang 'yan!" sigaw ng isang lalaking nakabalot sa pulang harang habang itinuturo niya ako. Isa ba 'to sa Elemental Ministry?

"Ano pa ang hinihintay ninyo?! Hulihin siya at patayin!" sigaw niya ulit. Alam kong sina Fire ay hindi pa rin nakikita ng Elemental Ministry pero bigla na lang lumapit sa akin si Fire.

"Bakit ka pumunta dito?!" singhal ko sa kaniya. Mas ligtas na siya doon e!

"Mabuti naman at nagpakita ka na rin," sabi ulit no'ng lalaking 'yon. Sino ba 'yon? Bakit pakiramdam ko ay hindi siya mabuting tao?

"Bago niyo sila mapatay, Brizto, kami muna ang patayin ninyo." Sabay kaming napalingon sa likuran namin ni Fire at halos umiyak ako noong nakita ko doon sina Heiro, Ciero, Zeira at Ferno.

"Gano'n ba? Masusunod," sagot naman no'ng Brizto raw. Bwisit! Akala naman nila ay papayag akong basta na lang na mamatay sina Heiro?!

Sinamaan ko ng tingin ang Elemental Ministry at saka umihip ang napakalakas na hangin. Nagsisiliparan na ang mga dahon sa loob ng bulwagan at halos magsitumbahan na ang mga puno. Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ng mga tao dito pero nanatili akong nakatingin sa Elemental Ministry.

"Iyan na ba ang itim na kapangyarihan ng hangin?" Narinig ko ang bulungan ng ibang tao sa paligid ko pero hindi ko sila pinansin. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng bulwagan at pilit na inilalabas ang galit ko sa isipan ko. Inisip ko na liparin ang mga puno at ganoon nga ang nangyari. Tumama ang mga puno sa mga kawal na nakapalibot sa bulwagan.

"Aria, kumalma ka!" sigaw ni Fire.

"Lumayo ka muna, Fire." Tiningnan ko ang mga kawal na sumusugod papunta sa akin pero naglabas ako ng hangin sa kamay ko. I made a sphere of wind on my hand. Noong una ay maliit lang na bilog ng hangin ang nagagawa ko pero habang tumatagal ay palaki ito nang palaki.

Nahinto ang mga kawal sa pagsugod sa akin pero hindi ako tumigil. Inilagay ko ang buong pwersa ko sa sphere of wind na ginawa ko at saka ko 'yon buong lakas na ibinato sa mga kawal na gulat na gulat sa nasasaksihan nilang nagagawa ko. Inilipad sila sa kahit saang direksyon ng bulwagan at hindi nagtagal ay sumuka na sila ng dugo.

"Dapat kang mamatay!" sigaw ng isang babae. Paglingon ko ay naglabas siya ng apoy sa kamay niya at ibinato 'yon sa pwesto ko pero bago pa man iyon makarating sa akin ay ginantihan ko 'yon ng isang napakalakas na hangin kaya lalong lumakas ang apoy na 'yon pero nagawa ko 'yong ibalik sa babaeng nagbato no'n sa akin. Doon ko lang napagtanto na kaya rin palang makasugat ng hangin.

"Nagawa niyang gamitin ang aerial blades?!" narinig kong sabi ng ibang tao dahil 'yong babaeng tinamaan ng apoy na 'yon na may nakabalot na hangin mula sa akin ay nagkaroon ng sugat sa iba't-ibang parte ng katawan niya.

"Aria! Itigil mo na 'yan! Hindi sila ang kalaban natin!" sigaw ni Heiro pero hindi ko sila pinakinggan. Agad akong lumutang sa hangin at mabilis na pumunta sa pwesto ng Elemental Ministry.

"Gusto niyo kaming patayin?! Mga hangal! Hindi kami ang kalaban ninyo kundi sina Hera!" Pagkasabi ko no'n ay narinig namin ang paghalakhak ni Hera kasabay ang paglabas ng sandamukal na ahas sa iba't-ibang bahagi ng bulwagan. Ilang minuto pa ang lumipas at nagsilabasan na rin ang soul eaters.

Agad na nagtakbuhan ang ibang estudyante at hindi na nila alam kung saan ba sila pupunta. May iba na tinutuklaw ng ahas. Ang lahat ng natutuklaw ay nagmistulang bato na biglang nadudurog. Pucha! Anong meron sa mga ahas na 'to?!

"Aria!" Narinig ko ang pagsigaw ni Fire. Nakita ko ang ahas na palapit sa kaniya at hindi niya iyon nakita dahil nasa likod niya 'to. Leche!

"Fire, dapa!" sigaw ko. Pagkadapa ni Fire ay agad kong pinana ang ahas na muntik ng tumuklaw kay Fire at bigla na lamang itong naglaho na parang itim na hangin.

"Are you okay?!" tanong sa akin ni Fire. Wow ha? Siya itong muntik na matuklaw 'di ba? Ano'ng pinaglalaban nito?

"Anong ibig sabihin nito?!" Napalingon kami sa pwesto ng Elemental Ministry na ngayon ay nakalutang na sa ere.

"Detero, nagkakamali kayo kung iniisip ninyo na kami ang rebelde sa elemental world. Si Hera, siya ang traydor," sabi ni Heiro.

"At bakit ka namin paniniwalaan?!" sigaw naman ni Brizto. Itong isang 'to, ginagalit talaga ako nito e. Pareho lang sila ni Hera!

"Kung ayaw mong maniwala, hindi ka namin pinipilit!" Pagkasigaw ko no'n ay kasabay naman ng isang malakas na sigaw mula sa mga estudyante sa labas ng bulwagan.

Nagkatinginan pa kami nina Heiro bago kami sabay-sabay na lumabas sa bulwagan at halos mahimatay ako sa nakikita ko.

Maraming ahas ang patuloy na nagkalat sa palibot ng Yoso. Parang halos lahat ay mala-sawa o anaconda ang laki. Hanep! Ano ba 'to? Saan nanggagaling 'to?!

Narinig kong sumipol si Fire at ilang saglit lang ay dumating na si Nagi. Pero bago pa man kami makasakay ay nakita namin na lumiwanag ang harang na nakabalot sa Black Forest.

Halos hindi ako makagalaw at napahawak lang ako sa kamay ni Fire dahil kitang-kita ko kung paano nasisira ang harang na 'yon.

"Fire," I whispered at hindi naglaon, lumabas na ang mas maraming soul eaters, mas maraming ahas at may iba't-ibang hayop na talagang hindi na normal ang laki. Lahat sila ay nagmula sa iisang lugar.



Sa Black Forest.

Miss Ai

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon