Chapter 21

35.5K 1.2K 128
                                    

Kai's POV

Isang linggo na noong mabalian ng buto si Fire and he is okay now. Magaling talagang manggagamot si Sylvia. Pero sa buong isang linggo na 'yon ay marami akong napansin na kakaiba.

Sina Fire at Aria, they are not talking with each other. Aria has been avoiding Fire. Hindi nga siya sumama sa amin nina Thea sa pagbisita kay Fire for the whole week. Hindi rin siya sumasabay sa amin kumain kapag kasabay si Fire. She always has an excuse whenever I am trying to talk to her about him and I don't even know kung ano'ng nangyari sa kanila.

Nandito kami sa library ngayon since we will be having a recitation about the history of Elemental World. Thea is just scanning the Elemental World History Book na sobrang kapal since she's been reading it all along when we were at the Elemental Kingdoms before.

"Fire," I called his name. He's reading a book about Ka Kingdom's History. Whenever he's bored about reading, he'll make a fire inside the book and the fire will be the one to tell him the history of Ka Kingdom. Ako naman, whenever I open the book about Chi Kingdom, buhay na buhay ang mga puno, ibon at hayop. Though they are not the same as their real size, they are still real and the words will be in the form of voice that will tell me the history of my Kingdom.

"Bakit?" he asked.

"Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Aria?" Tiningnan muna ni Fire si Aria na kasalukuyang namamangha sa nakikita niya sa bawat pagbukas niya ng Kaze History Book. Hindi siya makapaniwala na parang totoo ang mga nasa libro. Gumagalaw ang mga ito at talagang may buhay.

"Hindi ko alam," Fire replied. I tried to read his mind and he doesn't really have an idea why Aria is avoiding him.

"I am just worried. Parang mas gusto ko pa na makita kayong nag-aaway instead of not talking all of a sudden. I was thinking na baka may nagawa kang masama na ikinagalit niya sa'yo?" I asked. Seriously, ayaw ko nang nangyayari sa kanila. Thea is just quiet about it but I know that she doesn't like it, too.

"No. I didn't do anything to her. Why don't you ask her, Kai? Maybe she'll tell you."

"I tried. I've been trying to talk to her about the two of you but she'll just excuse herself whenever I am about to mention your name," I muttered. I also tried to read what's on her mind but I can't read it accurately. Kaya ko lang basahin ang iniisip ng isang tao kapag maayos ito at kapag nakafocus lang sa isang bagay ang iniisip niya. With Aria's case, this week, she's been thinking alot. Sa dami ng iniisip niya at sa gulo ng isip niya, I am not able to read her mind.

"Hayaan na lang natin siya. Ayaw mo ba 'yon? Wala nang maingay," Fire said. Noon, akala ko nagkakagusto na siya kay Aria but I shrugged off that idea kasi sa aming apat, si Fire ang determinado sa pagsunod sa lahat ng rules dito sa Elemental World.

"Basta Fire, kung may nagawa ka sa kaniya na hindi maganda, talk to her and apologize," I said before I focused myself to the book that I am holding.

Fire's POV

Pagkatapos ng break time namin na inubos lang naman namin sa loob ng library, dumeretso kaming lahat sa cafeteria. It is not a typical building that everyone knows. Puno ang bumubuo sa Cafeteria na 'to. Ang mga dahon ng sampung puno ang nagsisilbing bubong. Ang mga nagseserve dito ng pagkain ay mga elves. Mayroong sampung malalaking puno sa palibot ng cafeteria. Iyon ang nagsisilbing upuan at lamesa dito. Noong napalingon ako kay Aria, she's opening her mouth out of amazement.

"Ang taray talaga! Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Seems like it's just a dream! Grabe!" she exclaimed while we are entering inside. May isang puno dito na 'yong itaas na parte na lang ang bakante.

"Doon tayo," Kai said while pointing the top of the tree.

"Teka, paano tayo makakaakyat doon? Wala namang hagdan dito e," Aria asked. She looked puzzled about what she's seeing but she suddenly gulped noong isa-isa kaming pinuluputan ng apat na sanga ng puno and brought us on its top. 'Yong sanga ay biglang nagmistulang upuan and we seated properly. May part ng puno ang biglang umangat sa gitna namin and it became our table.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon