Chapter 37

31.9K 1.1K 175
                                    

Fire's POV

Nakilala ko si Aria bilang isang babae na lampa who suddenly bumped into me during our first day here in Yoso Academy. Para sa akin, siya ang tipo ng babae na hindi seryoso at madalas ay dinadaan ang lahat sa biro. Kaya naman hindi ko maiwasan na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Sino ka ba?" I wanted to laugh. I wanted to hug her again. Gusto kong sabihin na 'wag siyang magbibiro nang ganito na hindi niya ako kilala. Bukod kasi sa hindi nakakatawa, masakit.

"Aria, stop this game. I am sorry if I have hurt you last night," I said. I tried to trace on her face the sign that she's just really joking about asking me if who I am but then, all I can see on her reaction is confusion. She's confused about what I am talking about.

"Nako pogi, nakakaloka na talaga ito. Hindi talaga kita kilala. Nagkita na ba tayo sa mundo ng mga tao, ha?" she asked. Hindi ako sumagot. Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko ay gusto kong sumabog sa mga oras na 'to.

"Aria, anong klaseng joke 'yan?" Thea asked. Lumapit sa akin si Thea at hinawakan ang kamay ko. I want to shout right now.

"Ay ang bongga! Don't tell me, boy friend mo siya, Thea?! Omygahd! Di ba nga, bawal 'yon?!" Aria exclaimed. Tumingin ako kay Shebah na kasalukuyang nakatitig kay Aria. Katulad ko at ng iba pang nandito sa loob ng classroom ay halata rin ang pagtataka sa mukha niya.

"Miss Shebah, mag-uusap lang muna kami ni Aria," I said before I held Aria's hand and dragged her with me. Nagteleport ako sa lugar kung saan kami napunta noong hinabol siya ng palaso ni Nuraya.

"Wow! Ang ganda naman sa lugar na 'to! Pero teka, parte pa ba ng Yoso 'to?! Ang weird naman. Bakit pakiramdam ko ay nakapunta na ako sa lugar na 'to?" she said while looking at the entire place. Till now, gusto kong isipin na galit lang siya sa akin kaya siya nagkukunwari na hindi niya ako kilala. Iniisip ko na baka sobra ko siyang nasaktan kagabi kaya naman she came up with this, pretending that she never knew me.

Lumapit ako sa kaniya at iniharap ko siya sa akin. Napatitig siya sa mga mata ko at halata ang pagtataka sa mukha niya.

"Bakit? Teka nga lang, ano ba'ng ginagawa natin dito? Tayo lang yata ang nandito e. May binabalak ka bang masama sa akin?! Papatayi---"

"Ngayon, pwede mo na akong sampalin. Suntukin mo ako kung gusto mo. Do whatever you want to do just to ease your pain but please, stop acting as if you don't know who I am!" I shouted. Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya. Nanatiling nakatayo si Aria sa harapan ko at halatang gulat na gulat siya sa pagsigaw ko.

"Aria, 'wag naman ganito. Alam kong nasaktan kita kagabi sa pagpayag ko sa gusto ni Heiro pero 'wag mo namang gawin sa'kin 'to. This is too much," I said before I kneeled down in front of her and cry.

"I am sorry. I am sorry for letting you feel that I played with your feelings. Sorry for letting you feel that I don't care. Sorry because after every pain that I've caused you, saying sorry is the only thing that I can do. I am really sorry, Aria. Please, stop pretending that you don't know me," I muttered while crying.

"Jusko! Ano ba namang eksena 'to?!" Lumuhod si Aria to level with me. She cupped my face and wiped my tears away. Napatitig ako sa kaniya habang ginagawa niya 'yon. Pakiramdam ko, kung totoo man na hindi niya na ako maalala, naniniwala ako na nararamdaman ng puso niya kung gaano niya ako kamahal.

"Hindi kita kilala pero nasasaktan ako na makita kang nasasaktan. Tama na ang pag-iyak, pogi. Baka ibang Aria ang tinutukoy mo," she said. Lalong tumulo ang luha ko. I held her right hand that's cupping my face and I closed my eyes while feeling her left thumb that's wiping my tears. This can't be happening.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon