Chapter 48

24.7K 785 75
                                    


Third Person's POV

Samantala, sa Yoso Academy ay hindi na magkamayaw sina Tyrone, Nuraya, Ela at Laydon dahil sa biglaan na pagkawala nina Aria.

"May hindi magandang nangyayari," sabi ni Tyrone. Kasalukuyan silang nasa kanilang silid at masinsinang nag-uusap dahil nga wala sina Fire kanina sa klase.

"Kailangan siguro nating makausap sina Heiro. Baka may alam sila sa biglaang pagkawala nina Aria," Ela suggested. Halata sa kanilang apat ang pag-aalala. E sino ba naman kasi ang hindi mag-aalala kapag bigla na lang nawala ang apat na kaklase ninyo, 'di ba? Sinubukan na nilang puntahan sina Aria sa dorm house nila pero wala sila doon kaya lalo silang kinabahan.

"Mabuti pa nga siguro," sagot naman ni Laydon. Sabay-sabay silang lumabas sa kanilang silid para pumunta sa Elemental Head's Office at balak nila ang kausapin sina Heiro tungkol sa bagay na 'to.

Pagkalabas nila ay siya namang pagkagulat nila dahil biglang nagkatipon-tipon ang mga estudyante sa Yoso. Nasa labas silang lahat at tila may hinihintay na dumating. Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na nga ang Elemental Ministry. Silang apat ay nababalot ng bilog na harang. Si Detero ay kulay abo na harang ang nakapalibot sa kaniya, kulay pula naman ang kay Brizto, asul ang kay Cassandra at kulay berde naman ang kay Alne. Agad na yumuko ang mga estudyante bilang pagbibigay galang sa Elemental Ministry.

Isa itong nakabibiglang pagkakataon dahil kahit kailan ay hindi pa pumunta sa Yoso ang Elemental Ministry. Ngayon pa lang at 'yon ay dahil sa kaguluhan na kailangan na nilang aksyunan.

"Nasaan sina Heiro?" tanong ni Detero sa mga estudyante. Walang sino man ang sumagot ngunit ilang sandali pa ay lumabas si Heiro at agad na nagpakita sa kanila kasama sina Ferno, Ciero at Zeira. Si Hera ay bigla ring lumitaw at tumabi kina Heiro. Uy umeeksena si Hera!

"Ano'ng ginagawa ninyo dito?" tanong ni Heiro. Biglang sumama ang tingin ni Brizto sa kaniya at kung hindi nga lang niya nakokontrol ang katawan niya ay baka kanina pa lumiyab si Heiro.

"Nasaan na ang dalawang bata na sumira sa balanse ng Elemental World? Bakit hindi mo sila inihatid sa Elemental Hall?" kalmadong tanong ni Detero. Hindi agad nakapagsalita sina Heiro dahil sa tinuran nito. Sina Tyrone ay biglang nadoble ang kabang nararamdaman at lalo silang nagtataka sa mga nasasaksihan nila.

"Papatayin na ba sina Aria at Fire?" tanong ni Nuraya kay Tyrone pero nagkibit-balikat lamang si Tyrone bilang sagot sa tanong ni Nuraya dahil maging siya ay walang alam sa mga nangyayari.

"Wala na rito sa Yoso sina Fire at hindi namin alam kung saan sila pumunta," sagot ni Heiro pero bigla siyang napaluhod at napahawak sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ay sinusunog ang kaniyang kaloob-looban at talagang nahihirapan na siyang huminga.

"Mamamatay ka kapag hindi mo sinabi kung ano ang totoo, Heiro." Agad na nag-apoy ang mga mata ni Brizto at napasigaw na sa sobrang sakit si Heiro.

"Brizto, tama na!" sigaw ni Alne. Agad na inihinto ni Brizto ang kaniyang ginagawa kay Heiro. Isa ito sa kaniyang kakayahan na kinatatakutan ng lahat dahil kapag hindi niya ito naitigil agad ay maaari kang mamatay.

Agad na nilapitan nina Zeira si Heiro na ngayon ay halos hindi na makahinga at may sakit pa rin na nararamdaman sa kaniyang puso.

"Nasaan sina Fire?" tanong ulit ni Brizto. Walang sino man ang sumubok na sumagot dahil alam nilang maaari silang mapahamak. Maging sina Tyrone ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Hindi nila naisip na maaari palang humantong sa ganito ang sitwasyon.

"Alne, gawin mo na," utos ni Detero. Tumango si Alne bago siya naglabas ng sanga ng puno mula sa bilog na harang na nakapalibot sa kaniya at iniangat nito si Heiro.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon