Chapter 23

37.3K 1.3K 174
                                    

Aria's POV

Bakit pakiramdam ko, panaginip ko lang ang lahat ng nangyayari sa akin? Aaminin ko na noong nasa mundo pa ako ng mga tao ay talagang madalas akong mag-imagine na may ibang mundo na kung saan may mga hindi karaniwan na nangyayari. Tinatawanan pa nga ako ng mga kaibigan ko na sina Janna, Lei at Hannah noon kapag sinasabi ko sa kanila na baka totoong may ibang mundo. They always tease me na masyado raw akong imaginative. Masyado daw akong na-hook kina Inuyasha at Harry Potter. Feeling ko tuloy ay nag-iimagine pa rin ako hanggang ngayon.

"Tandaan ninyo, dalawa lang ang paraan para makuha ni Valgemon ang elemental stone na meron kayo. It is either he'll make a way for you to give it to him or he'll kill you," Shebah said. Bigla naman akong natakot. Papatayin kami ni Valgemon?

Minsan naisip ko na rin kung paano ako mamamatay. Gusto ko sana 'yong parang natulog lang ako tapos hindi na magigising. Ayaw ko 'yong masasagasaan pa ako ng isang dambuhalang truck tapos ay magkakabali-bali ang buto ko at sugatan na ang maganda kong katawan tapos ang ending ay patay din naman ako. Ayaw ko ng gano'n. Hindi 'yon kinakaya ng kidney ko.

"Now that the water stone has shown up, asahan natin ang pagkilos ni Valgemon." Isa na lang Shebah at uupakan na kita. Ang lakas mong manakot! History ang subject mo sa amin at hindi horror! Langya na 'to!

"Fire and Kai, you have to protect Miss Thea. Kayo ang madalas niyang kasama kaya naman you are expected to be with her always. And you, Miss Aria, sana ay maglaan ka ng extra time for you to enhance your power para hindi ka na isa sa aalalahanin nina Fire." Aba, bruha ka! Kasalanan ko ba na hindi ko alam ang mga kapangyarihan ko? 'Wag kang mag-alala Shebah, kapag alam ko nang gamitin ang kapangyarihan ko, asahan mo na sa'yo ko agad iaapply! Leche ka!

"You can go back to your dorm now. Let's meet again next week to visit the past of Chi Kingdom," she said before she left. Kung may ikinagagalak man ang kaluluwa ko, 'yon ay ang katotohanan na once a week lang ang bawat klase namin sa bawat subject. Atleast, isang beses lang masisira ang araw ko dahil kay Shebah, 'di ba? Ewan ko ba kay Shebah kung bakit parang ang init ng ulo niya sa akin. Pareho sila ni Fire na mukhang pinaglihi sa init ng ulo at sama ng loob.

"Tara na, Aria," someone said. Paglingon ko, it's Kai. Wala na sina Fire at Thea. Umalis na rin sina Tyrone.

"Okay," I said and smiled at him.

"Are you excited for next week? Kingdom niyo na ang pupuntahan natin. Makikita na natin ang nanay mo," I muttered pero hindi sumagot si Kai. He just smiled at me.

"Ako, excited na akong makita ang tatay ko. I've been thinking how does he look like for the past 18 years. Siguro kung may magandang nangyari sa akin dito, 'yon ay ang makita ang tatay ko," I told him. May maganda rin palang dulot ang Elemental World. At least, I've got the chance to see my father. Though I said before na enough na sa akin si Mama, iba pa rin sa pakiramdam kapag alam mong makikita mo na ang tatay mo na hindi mo nakita since the day that you were born.

"I am also excited to see my mother, Aria. Kaya lang, kinakabahan ako," he said.

"Bakit ka kinakabahan? Dahil ba yan sa sinabi ni Shebah? Nako, 'wag ka ngang nagpapa-apekto sa kaniya," I muttered firmly. We are now walking along the hallway of Yoso going back to our dorm.

"Hindi naman 'yon ang kinakatakot ko. Natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na kausapin ang nanay ko."

Bigla akong napahinto sa paglalakad. Parang naramdaman ko nalang 'yong lungkot na nararamdaman ni Kai. Ay ang taray! Ano 'yan, Aria? Ikaw na si Fire? Nakakaramdam lang ang peg?

"Actually, pareho tayo, Kai. I am also worried na baka pagkakita ko sa tatay ko ay agad akong tumambling papunta sa kaniya. Even my mom. Hindi ba makikita ko rin siya?" Yes. I am also worried na baka kapag 'yong Kaze Kingdom na ang pag-aaralan namin ay bigla na lang mag-evaporate 'yong mga sinabi ni Shebah about going back to past. Nakakaloka talaga.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon