Chapter 9

42.7K 1.3K 151
                                    

Kai's POV

Mukhang malabo na yatang magkasundo sina Fire at Aria. To be honest, hindi namin sila maintindihan ni Thea. Fire is a serious type of guy. Bihira mo makitang ngumiti. Tipid kung magsalita. Pero kahit napakaseryoso niya, hindi siya pumapatol sa babae. Hindi siya naiinis kapag inaasar siya ni Thea. Hindi siya nagagalit sa akin kapag maingay kaming dalawa ni Thea.

But he became different since we've been here in Yoso. Or should I say, since he met Aria.

"That girl is really getting into my nerves! Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng kauri natin, baka kanina ko pa siya sinunog!" he said while gritting his teeth. Tinitingnan ko lang siya habang tahimik akong umiinom ng kape ko.

Kung tinatanong ninyo kung nasaan si Aria, inilibot na muna siya ni Thea sa Yoso para na rin kumalma siya.

Pagkatapos kasing sabihin ni Fire kagabi that he'll make Aria to say sorry for what she did, binato siya ni Aria ng plato. Oo, plato talaga. Kaya nasugatan si Fire pero syempre, ginamot din siya ni Thea.

"Bakit ba galit na galit ka kay Aria?" I asked. I need to know. Baka kasi kapag wala na kami ni Thea, magpatayan na silang dalawa.

"Ano ka ba naman Kai?! Hindi mo ba nahahalata sa ugali niya? Nakakagalit naman talaga siya e. She's different from Thea! Kahit kailan hindi ko siya makakasundo!" he angrily replied. Halata talaga na galit na galit siya.

"Tingnan mo ha, siya lang ang may lakas ng loob na batuhin ako nang plato sa mukha! As in sa mukha, Kai! Bwisit!" Hindi ko na napigilan ang matawa. Natatawa ako sa reaksyon niya e. Kahit kagabi pa nangyari 'yon ay parang hindi pa rin makalimutan ni Fire. Hanggang ngayon, galit pa rin siya at gano'n din si Aria.

"Sige lang, Kai. Tawanan mo ako. I am serious here. I hate her." Aba. Hate na agad?!

"Mukhang nakahanap ka na nang katapat mo, Fire. Pero mabait naman si Aria e. Inaasar mo kasi kaya gano'n ang reaksyon niya sa'yo," I explained. Totoo naman e. Mabait si Aria. Hindi niya lang siguro masakyan ang kasungitan ni Fire kaya gano'n.

"Mabait? Baka sa inyo lang. Tsk. Tara na nga at baka ma-late pa tayo," he said. Papasok na naman kasi kami ngayon sa Yoso. Ngayon na ang umpisa ng klase namin.

"Tara. Pigilan mo 'yang sarili mo sa pagkainis mo kay Aria ha? Baka naman ipamukha niyo pa kay Ciero na hindi kayo magkasundo? Alam mo naman kung ano'ng gagawin sa magkagrupo na hindi magkasundo, 'di ba?" I told him.

"Oo na. Tara na."

----

Gale's POV

"Langya talaga siya! Akala mo kung sinong gwapo?! Mas gwapo pa rin si Jonathan ko! Bwisit na lalaki 'yon!" Kanina pa sigaw nang sigaw si Aria. Kanina kasi, naglalakad sila ni Thea nang magkasalubong kami kaya sinabi niya kay Thea na mauna na itong pumasok at mag-uusap daw muna kami. Hindi naman ako na-inform na magsasabog pala siya ng sama ng loob niya tungkol kay Fire.

"Biruin mo 'yon, Gale?! Siya ang dahilan kung bakit ako napunta sa lecheng black road na 'yon tapos siya pa ang may ganang magalit?! He's really getting into my nerves! O kitams, napapa-english ako nang wala sa oras! Walang hiya talaga ang hinayupak na 'yon! Ano ba, Gale?! Magsalita ka nga diyan!" Paano naman daw ako magsasalita e tuloy-tuloy ang pagdada niya. Loka-loka talaga 'to.

"Ano ba'ng gusto mong sabihin ko?" She glared at me.

"Zana kita! Dapat dinadamayan mo ako sa pagka-inis ko sa lalaking 'yon!" Ayan na naman. Highblood na naman ang prinsesa ng mga hangin.

"E kasi naman, bakit ba ang bilis mong mainis kay Fire? Alam mo bang sandamukal ang nagkakagusto do'n sa Ka Kingdom?"

"Ano naman ang pake ko? For sure naman mukha lang ng lalaki na 'yon ang basehan nila para magustuhan nila 'yon. Sa itsura pa lang no'n halatang hindi mo makakausap nang matino e!" she said. Kanina niya pa nga gustong bunutin ang mga damo pero sinabihan ko siya na magagalit ang Earth Kingdom kapag ginawa niya 'yon. Kaya sa pagsigaw na lang niya inilabas ang inis niya.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon