Chapter 8

41.2K 1.3K 116
                                    


Fire's POV

Saka ko na ipapaliwanag kung paano ako nakapunta sa black road. Sa ngayon ay nandito ako at nakikipag-laban sa mga gagamba na 'to.

Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yong mga gagamba na may lason ang sapot nila. Masyado akong nag-aalala para kay Aria.

Paano na lang kung nahuli ka ng dating, Fire?! Baka patay na si Aria.

Palapit na sa akin 'yong dalawang gagamba no'ng naglabas ako ng apoy sa kamay ko. I can make red fire balls. At 'yon ang pinagbabato ko sa mga gagamba. Black road is composed of different kinds of animals that are far different to what actually they are in human world in terms of size. 'Di hamak na mas malalaki pa sa tao ang mga hayop dito kumpara sa mundo ng mga tao. Alam namin 'yon dahil sa mga Zana na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa elemental person na binabantayan nila sa mundo ng mga tao.

Ang weakest point ng mga ganitong gagamba ay ang bunganga nila kaya kailangan na 'yon ang matamaan ko. Nag-iingat ako kasi baka mamaya, madamay si Aria. Ano ba naman kasi ang babaeng 'yan? Masyadong nakikipagclose sa kapahamakan.

Hindi ko na pinatagal pa ang pagpatay sa mga gagamba na 'to kasi kailangan na naming lumabas ni Aria dito sa black road dahil kung hindi ay mananatili na kami dito.

No'ng napatay ko na ang mga gagamba, lumapit agad ako kay Aria.

"Aria! Gising!" Ang hirap kaya kung bubuhatin ko pa siya.

"Aria, ano ba? Gumising ka na!" Hindi pa rin gumigising si Aria. Kailangan ko na siyang dalhin kay Ciero.

Nagteleport ako kasama si Aria. Limited lang ang may kakayahang makapagteleport nang may kasama. Pati kasi 'yon ay nangangailangan ng maraming training.

"Fire!" sigaw ni Thea.

"Omygod! Anong nangyari kay Aria?! Bakit siya may sugat?!" Ha?! Sugat?! Wala naman akong napansin na sugat niya kanina ah!

"Nasaan ang sugat niya? Wala akong napansin kanina," I told them. Biglang lumapit sa amin si Tyrone. Eeksena pa e. Parang may magagawa naman siya kay Aria.

"May tubig ba dito?" Thea asked. Nag-abot ng tubig si Kai kaya kinuha 'yon ni Thea. She has a power to heal. Yes. Kaya niyang pagalingin ang ano mang uri ng sugat gamit ang tubig.

Biglang nawala ang sugat ni Aria sa ulo niya. I assume na nabangga siya kasi ang laki ng sugat niya e.

"Fire, bring her to her room," Thea said kaya dinala ko na si Aria sa kwarto niya.

Grabe ka talaga, puro ka problema. Tinakot mo pa talaga kami. Umupo ako sa kama niya.

"I'm sorry kung medyo late ang dating ko. Siguradong takot na takot ka kanina. Ang tanga mo kasi e. Ang impulsive pa. Anak ka ba talaga ni Aire? Hindi ka kasi marunong makinig," I said. Tulog naman siya e kaya hindi niya ako maririnig at hindi niya ako masasapak.

"Bukod pala sa pang-iinis, may talent ka rin pala na pag-alalahin kaming lahat sa'yo. Kakaiba ka, Aria," I muttered before I went out of her room.

----

Tyrone's POV

Kanina ko pa hinihintay na lumabas si Fire mula sa kwarto ni Aria. Kanina ko pa kasi siya gustong makausap.

"Fire," I called him and he looked at me with a blank expression. Parang natetempt naman ako na suntukin siya sa bagang.

"Bakit?" he asked.

"Let's talk."

"About?"

"About Aria." Natahimik siya sa sinabi ko pero umupo siya sa sofa na kaharap ng sofa na inuupuan ko.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon