Chapter 31

36.6K 1.1K 125
                                    

Aria's POV

Para akong tuod na pumasok sa classroom namin ngayon. Hindi man lang ako pinansin ni Fire kaninang umaga. Umalis agad siya at hindi man lang sumabay sa amin na kumain. Jusko! Parang nanaginip lang ako kagabi. Nakakaloka! Ito na talaga. Totohanan na ito.

"Aria," Nilingon ko 'yong lalaking tumawag sa akin.

"O Tyrone, ikaw pala," walang kagana-gana kong sagot sa kaniya. Napansin ko na may pasa rin siya sa mukha niya. Si Fire kanina, hindi man lang nagamot ni Thea kasi umalis agad siya. Hindi pa nga siya dumarating dito e.

"Anyare diyan sa mukha mo?" I asked him. He is currently seating in front of me.

"Wala naman." Ang taray! Anong wala? 'Wag mong sabihin na namamalikmata lang ako sa pasa na nakikita ko sa mukha mo, Ty? Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Sorry. Nagkaroon lang kami nang konting away ni Fire kagabi," he admitted. Aamin din pala kailangan pang samaan ng tingin. Susme!

"Bakit ba kasi kayo nag-away ha?" I asked. Aba matindi naman na yata ang galit nila sa isa't-isa para umabot sa punto na magsasapakan na silang dalawa. Hindi niyo man lang inisip ang pagmumukha niyo! Paano na ang kagwapuhan niyo kung ganyan?!

Sasagot na sana si Tyrone kaya lang biglang umeksena ang kaluluwang ligaw ni Shebah.

"Morning!" she said. Jusme naman! Hindi man lang nagsabi ng good e. Sabagay wala namang good sa kaniya.

"Oh, I haven't seen Miss Nuraya and Fire. Where are they?" Biglang tumingin sa akin si Shebah. Ay ang bongga! Ako pa yata ang tatanungin ng matanda na 'to.

"Miss Aria, have you seen them?" Sabi na e! Ano ba'ng pinaglalaban ng isang 'to? Hanapan ba ako ng dalawang taong mag-jowa?!

"I've seen Fire this morning since we are groupmates and we do live in the same dorm but after he went out, I didn't see him again. About Nuraya, I haven't seen her since this morning." O 'di ba?! Ang taray kong mag-english! I need blood transfusion! Feeling ko naging anemic ako nang wala sa oras.

"So, does it mean that they are together?" Aba malay ko sa'yo, Shebah! Bakit kami ang tinatanong mo? At aba naman, hindi naman ako na-inform na may pagkatsismosa ka rin pala, Shebah.

"Good morning, Miss Shebah. Sorry, we're late," Someone said and when I looked at the door of our classroom, Fire is there with Nuraya. Nako heart, 'wag kang masasaktan. Kalma ka lang. Magmove-on ka na.

"Do you mind if I'll ask you why you are late?" asked by Shebah. Sa kaniya ko na lang tinuon ang buong atensyon ko at hindi ko na tiningnan sina Fire. Malamang nag-date sila, Shebah! Hindi pa ba obvious?!

"Hindi po kasi namin namalayan ang oras. Nasa library po kasi kami kanina," sagot ni Nuraya. Ang taray! Pati ba naman library, ginawang dating place?! Mga lapastangan!

"I see. Take your seats now and next time that you'll be late, you will never be welcome to my class again. Do I make myself clear to the hottest fire loveteam of this generation?" Psh! Hottest Fire Loveteam?! Baka gusto mong palunukin kita ng granada, Shebah o kaya naman ay buhusan ng kumukulong tubig para mafeel mo ang hottest na pinaglalaban mo! May nasasaktan dito!

"Sorry, Miss," Fire replied bago sila pumasok. Nasa left side ko nga pala naka-upo si Fire. E ano naman? As if naman affected ka. 'Di ba nga, wala kang pake? 'Di ba?

"Alright! Are you ready to visit the past of Ka Kingdom?" Shebah asked. Parang may choice naman kami e talaga namang bibisitahin namin lahat ng past ng bawat Kingdom. Papansin ang bwisit!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon