Chapter 45

28.5K 900 98
                                    

Third Person's POV

Bakit ba lagi na lang ako ang nagkwekwento? Aba! Busy kaya ako. Nakakaloka!

"Dadalhin natin sila sa mundo ng mga tao? Pero paano kapag nalaman ito ng iba?" tanong ni Shebah na talagang halata ang pagtataka sa sinabi ni Heiro sa kaniya. Iniisip niya rin na baka nabibigla lang si Heiro kaya siya nakakapagdesisyon nang ganito.

"Walang dapat makaalam. Kailangan din nating sabihan sina Kai at Thea. Sigurado ako na ang elemental stones ang pinakadahilan ni Valgemon kung bakit siya kumikilos dito sa Yoso kaya hindi rin ligtas sina Thea at Kai. We have to talk to them," sabi ni Heiro na kitang-kita ang determinasyon sa kaniyang mga mata. Para sa kaniya ay mainam nang gawin ang maaari nilang gawin para lang mailigtas sina Fire sa posibleng kamatayan nila.

"We have to plan it now bago pa mahuli ang lahat. Kapag hindi ko naidala sina Aria sa Elemental Hall bukas, ang Elemental Ministry na mismo ang pupunta dito sa Yoso Academy," dagdag pa ni Heiro kaya naman tumango na lang si Shebah.

Meanwhile, sa loob ng silid nina Thea, kasalukuyan silang nag-uusap ni Kai.

"Thea, ano ba ang nangyayari sa'yo?" tanong ni Kai. Umiiyak kasi si Thea simula noong pumasok siya dito sa loob ng silid nila at hindi alam ni Kai kung ano ba ang nangyayari. Subukan niya man basahin ang isip ni Thea ay hindi niya rin magawa dahil nga magulo ang isipan ni Thea sa mga oras na 'to.

"Dahil naiinis ako!" sigaw ni Thea. Si Thea kasi ang tipo ng tao na idinadaan sa iyak ang galit at pagkainis niya. It is either she will tell what she feels or she will cry it out.

"Naiinis ako sa sarili ko. I didn't mean to be rude pero mukhang gano'n na ang ginagawa ko. Kai, I don't want them to die. I love them both and the merefact that they'll die soon will also kill me," she said while crying. Agad siyang nilapitan ni Kai at niyakap. Maski naman kasi si Kai ay hindi hinangad na mamatay sina Aria at Fire at naiintindihan niya rin naman si Thea. Alam niyang hindi gusto ni Thea na sabihin ang mga salitang both of you deserve to die kina Fire. Nadala lang talaga siya ng galit noong mga oras na 'yon dahil hindi niya matanggap na marami ang namatay na elemental people.

"Sssshhh... 'Wag ka nang umiyak. Alam nilang dalawa kung saan hahantong ang ginagawa nila. All we have to do now is to trust them and to pray na malampasan nila 'to," sagot naman ni Kai. Tama nga si Aria. Nag-uumapaw sa encouragement itong isang 'to.

Biglang napahiwalay sa pagkakayakap sina Kai at Thea dahil sa pagsulpot nina Shebah at Heiro sa silid nila.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ni Shebah kay Thea na umiiyak pa rin hanggang ngayon.

"Natatakot po kasi ako. Natatakot ako para kina Aria. Paano na po kapag nagdesisyon na ang Elemental Ministry na patayin sila?" sabi ni Thea.

"Nagdesisyon na sila, Thea. Papatayin na sina Fire at Aria." Sa sinabing 'yon ni Heiro ay biglang napahawak si Thea sa kamay ni Kai dahil pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa kaniyang nalaman.

"Po?! Papatayin sina Fire?! No! Hindi 'yon pwede!" natatarantang sigaw niya. Agad naman siyang niyakap ni Kai para pakalmahin.

"Heiro, 'wag niyong hayaan na mamatay sina Aria. Hindi pwede! Gumawa tayo nang paraan!" sigaw niya ulit habang umiiyak.

"Hindi rin kami papayag na mamatay sina Aria kaya may plano na kaming naisip," sabi ni Heiro. Agad namang kumalma si Thea at pinunasan niya ang mga luha niya.

"Ano po 'yon? Sabihin ninyo at tutulong kami," she said. Umupo muna silang apat sa sofa dahil nakakaloka naman kung nakatayo lang sila habang nag-uusap sa buong chapter na 'to.

"Napagplanuhan namin na dadalhin namin kayo sa mundo ng mga tao," sabi ni Shebah. Hindi agad nakapagsalita sina Thea dahil sa narinig nila. Nagkatitigan pa sila ni Kai bago nila sabay na sinabing,

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon