Chapter 17

35.2K 1.3K 75
                                    

Aria's POV

Sabi nga nila, ang asado, kinakain. Hindi inuugali. Akala ko, noong hinila ako ni Fire palayo kay Kai, akala ko nagseselos siya. O ano? 'Di ba expected naman na talaga na gano'n ang iisipin ko?

Kaso, isa lang pala akong magandang assumera.

"Fire, ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Loko na 'to. Feel na feel akong kaladkarin.

"Manahimik ka!" Bigla naman akong natakot. Bakit ba 'to sumisigaw? Ano na naman ang kasalanan ko?

"Fire, can you please tell me kung ano na naman ang kasalanan ko sa'yo ngayon para magalit ka nang ganyan?" I calmly replied. Kalma lang, Aria. Don't get mad.

Hindi agad sumagot si Fire pero tumigil siya sa paglalakad. Tapos galit na galit siyang humarap sa akin. Okay, Aria. Say goodbye to earth na.

"Hindi mo alam kung bakit ako nagagalit sa'yo?!" he angrily asked. Aray ko po. Humigpit pa ang pagkakahawak niya sa wrist ko. Sira ulo yata ang isang 'to! Magtatanong ba ako kung alam ko na?! Upakan ko kaya 'to sa bagang!

"Hindi," I replied. Nakipagtitigan ako sa mata niya. Susmarya! Parang liliyab din ang mata ko na nakatitig sa mata niya e.

"Seriously?! I am mad at you because you are such a clumsy girl! Lahat nalang ng ginagawa mo, palpak! And worst thing is, sa lahat ng kapalpakan mo, may nadadamay! First, ako. Kaya tayo napunta dito dahil kasalanan mo! And then sino pa?! Si Kai? Idadamay mo pa si Kai sa kapalpakan mo? Tapos sino'ng susunod? Si Thea?!" Ouch. Para niya naman akong sinampal nang paulit-ulit. I can feel that my eyes started to water up pero pinigilan ko 'yon. I blinked my eyes just not to let my tears fall. Kalma lang, Aria. 'Wag kang iiyak sa harapan ng hinayupak na gwapo na 'yan!

"'Yon ba? Sorry. Hindi na mauulit," I said with a fake smile. Oo nga naman. Masyado akong palpak. Nadadamay ko pa sina Kai sa pagiging clumsy ko.

"Bitiwan mo na ako. Hindi na ako gagawa ng kahit anong ikakapahamak ng sino man sa inyo. Pasensya na talaga." Inalis ko 'yong kamay ko sa mula sa pagkakahawak niya. Hindi na siya nagsalita pa pero kitang-kita sa mata niya na galit siya sa akin. Sana nakikita mo rin na nasasaktan ako sa mga sinabi mong leche ka! Isa kang peste!

"Aria, Fire!" Paglingon ko, nandoon na sina Thea at Kai. Lumapit silang dalawa sa amin and I smiled at them.

"Okay lang ba kayo?" tanong ni Thea. I nodded my head para alam niyang okay lang kami ni Fire. Ngumiti ako sa kanila ni Kai para mas convincing. I don't know kung nababasa ni Kai ang iniisip ko na gusto kong umiyak ngayon pero ayaw kong makita 'yon ni Fire.

"Okay lang kami. Pwede bang magpahinga muna tayo? Gusto ko sana munang maligo sa ilog," I told them. Obvious sa mukha ni Thea na alam na niyang hindi kami okay ni Fire pero ngumiti pa rin siya sa akin at tumango.

Kumuha agad ako ng damit ko sa backpack ko.

"Gusto mo bang samahan kita?" Asked by Thea but I shook my head. Just this once, gusto kong mapag-isa at malayo sa kanilang tatlo.

"I'll be fine. Babalik agad ako," I said before I headed to the river. Inilubog ko agad ang sarili ko sa tubig. Kahit medyo humahangin, hindi ko maramdaman na giniginaw ako. Tapos lalo akong naiiyak sa hangin. Pakiramdam ko, nakikisimpatya sila sa pagka-emo ko ngayon. Jusko, Aria! Ang drama mo! Hindi ka naman ganyan ah!

Langya na Fire 'yon! Lampa na agad kapag nadapa? Hindi ba siya nadapa sa buong buhay niya?! Bwisit! Worried siya na madamay at masaktan sina Kai at Thea pero sa akin hindi siya worried? Ay ano 'yan Aria? Asa ka pa na mag alala 'yon sayo! Ano ka ba sa kaniya? Tsk. Akala ko pa man din, magkaibigan na kami. 'Yon pala, member lang ako ng Assuming Club.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon