Chapter 36

32.8K 1.1K 117
                                    

Aria's POV

"Ty, she'll be fine." Gusto kong imulat ang mga mata ko dahil sa naririnig ko na nag-uusap sa paligid ko. Si Thea ba 'yong nagsasalita?

"Bakit hindi pa siya nagigising?! Paano kung may ibang nangyari sa kaniya sa loob ng green forest?! Tawagin na natin ang Elemental Heads para malaman nila ang nangyari kay Aria. Paano kung kagagawan pala ito ni Valgemon?!" Narinig ko ang boses ni Tyrone. Ang taray! Parang nakikinig lang ako ng isang drama-rama sa hapon sa isang radyo. Ano'ng meron? May shooting ba? Kasama ba ako sa eksena? Ano'ng role ko? Matulog lang? Jusko! Napakahirap naman ng role ko.

"Hintayin na muna natin siyang magising. Base sa itsura niya, mukhang wala namang masamang nangyari sa kaniya." Kilala ko ang boses na iyon. Ang boses na siyang nagpapatumbling sa kaluluwang ligaw ko. Ang boses na dahilan ng hindi mapigilang sapakan ng mga lamang loob ko. Ang boses ni Kai at kumekerengkeng ka na naman Aria!

Dahil nga hindi na makayanan ng kagandahan ko ang pagtatalo ng mga taong nakapaligid sa akin, unti-unti at dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Ngunit, dapatwat, subalit, bigla akong napapikit ulit dahil sa liwanag na nakikita ko dito sa loob ng kwarto ko. O ano? Akala mo nasa langit ka na, Aria kaya umeechos ka ng liwanag chorvaness diyan? Asa ka 'te!

"Aria?!" Bigla kong naramdaman ang paghawak ni Tyrone sa kamay ko. Noong nilingon ko siya ay talagang halata sa napakagwapo niyang mukha ang pag-aalala. Anyare? Dapat ba akong umarte na natouch ako sa pag-aalala ni Tyrone? May camera ba somewhere?

"Are you okay? May masakit ba sa iyo? May gusto ka bang kainin?" Sunod-sunod na tanong niya. 'Yong totoo Ty, ano'ng pinaglalaban mo?

"Okay lang ako. Nakatulog lang naman ako kaya bakit kayo nag-aalala?" Napunta kay Kai ang mga tingin ko. Kasalukuyan siyang nakatitig sa akin. 'Yong mga tingin na para bang ayaw niyang mawala ako. Ang sweet sana kung gano'n e pero biglang kumunot ang noo ni Kai. Ay ang taray! Mukhang binabasa mo yata ang iniisip ko, Kai? Totoo ang sinasabi ko.

"Nag-aalala lang ako," Kai said. O 'di ba? Kahit wala akong sinabi ay nagreply ang gwapong nilalang na ito? Parang gusto ko tuloy magplanking o kaya mag-sirko dahil kinikilig ako na binabasa niya ang isip ko. Pakiramdam ko ay may kakaiba kaming koneksyon. Ay ang bongga! Anong klaseng koneksyon? Data connection? Landi mo talaga, Aria!

"What exactly happened, Aria?" Thea asked. Oo nga, ano ba talaga ang nangyari?

"Teka, 'di ba ako dapat ang nagtatanong niyan sa inyo? Anyare ba kasi at nandito kayong tatlo sa kwarto ko at mukha pa kayong nag-aalala sa kalagayan ko? Anmeron?" I asked while looking at them. Si Tyrone, hindi na binitawan ang kamay ko. Ay jusme! Anong eksena naman ito? Humuholding hands lang, Ty?

"Nakita ka ni Tyrone kagabi sa Green Forest na walang malay kaya nag-aalala kami," Thea replied. Hanudaw? Paano naman ako napunta sa Green Forest kagabi? Ang alam ko lang ay nakatulog ako somewhere. Hindi ko alam na sa Green Forest pala ako inantok.

"Nako, pasensya na. Nakatulog kasi talaga ako," I said. Nakakahiya naman kasi sa kanila na nag-alala nang todo sa akin e nakatulog lang naman ako. Baka mamaya, hindi pa sila natutulog. Nako naman talaga!

"Are you sure that you're okay? Gusto mo, puntahan natin si Heiro?" Tyrone asked. Napatitig ako sa kaniya bago ako ngumiti. Makuha ka sa ngiti, please!

"Okay lang ako, Ty. Ano ba yan. Heto nga at nakakausap niyo na ako. Paano naman daw na hindi ako magiging okay, 'di ba?" Nakakakulot tuloy ng tuwid na bangs ang mga kinikilos nilang tatlo. Jusko!

"We're glad that you're okay, Aria. Maghanda ka na at kakain na tayo," Thea said. Aba naman. Bakit parang may kakaiba yata sa kanila? May nangyari ba na hindi ko alam?

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon