Chapter 41

34.7K 1K 94
                                    

Aria's POV

Nasisiraan na ba ako? Nag-iimagine pa rin ba ako? Oo, aaminin ko, madalas maglakbay ang kaluluwa ko sa iba't-ibang dimensyon pero 'yong sinabi ni Fire?!

Totoo kaya 'yon?! Jusme Aria! 'Wag mo na munang isipin pa 'yan! Pumunta ka na sa battle field!

Ilang araw na ang nakalipas mula noong sinabi sa akin ni Fire ang mga kagimbal-gimbal niyang confession. Hindi ko na nga siya pinansin pagkatapos ng mga sinabi niya e. Pakiramdam ko ay sobra ang pagka-ilang ko sa kaniya. Sino ba naman ang hindi maiilang kapag 'yong lalaki na hindi mo naman kilala ay sasabihin na mahal ka niya? Na gagawin niya ang lahat para maalala mo siya at lalaban kayong dalawa?! Us against the world?! Ganoon?

Ikaw naman kasi, Aria. Masyado yata siyang natouch sa mga pinagsasabi mo sa kaniya kaya ayan, naloka ka tuloy sa sinabi niya! Ikaw naman ang nagsabi na dapat niyang ipaglaban ang pagmamahal niya 'di ba?! Kasalanan mo 'yan! Nakakaloka naman kasi si Fire! Malay ko ba na ako pala ang tinutukoy niya. Jusko!

Handa na ako sa training namin ni Zep. Simula no'n, ginawa ko nang abala ang sarili ko. Para lang makaiwas kay Fire ay naging puno ang schedule ko sa training namin ni Zep. May improvement na rin sa akin kahit paano. Kaya ko nang gamitin ang aerokinetic flight o 'yong lulutang ako sa hangin at saka ang aerokinetic invisibility. Ang bongga nga e. Biruin niyo 'yon, nagiging invisible ako?! 'Di ba ang taray?! Oo na. Ikaw na ang masaya, Aria. Chura nito!

Paglabas ko ng kwarto ko ay halos mapatalon ako noong nakita ko si Fire na nakatayo sa tapat ng pinto ko. Ano ka ba naman, Fire?! Guard ka ba o ano?!

"Hi!" I said. Medyo awkward pa nga ako na ngumiti sa kaniya. Kinakabahan ako kasi baka napapansin na niya ang pag-iwas ko sa kaniya. Nako naman kasi, Aria! Dapat ay inaayos mo ang pag-iwas mo kay Fire!

"Iniiwasan mo ba ako, Aria?" he asked. Bigla namang nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Parang ang seryoso pa niya habang nagtatanong. Baka mamaya niyan, matusta ka na agad Aria!

"Ha? Anong iniiwasan? Ano ka ba?! Walang gano'n! Ikaw talaga," sabi ko at saka ko siya kunwari hinampas. Maniwala ka please! Hindi man lang ba bumenta sa kaniya ang mga iwas effect na ginagawa ko? Sina Kai nga, walang napapansin e.

"Sumama ka sa akin," he said before he grabbed my hand. Ay hala! Saan kami pupunta?!

"Fire, teka lang! May training kasi kami ni Zep kaya hindi ako pwedeng pumunta sa ibang lugar ngayon. Pasensya ka na. Siguro, sa susunod na lang ako sa----"

"Aria, ano ba?!" Bigla akong nagulat sa pagsigaw ni Fire kaya napanganga na lang ako na nakatitig sa kaniya. Hala bakit? Ano ang kasalanan ko para sumigaw siya?

"You've been avoiding me after that night that we'd talked! Hindi mo na ako kinausap pagkatapos no'n. Ano ba ang problema? Akala ko ba, lalaban tayo?!" he muttered. Nakita ko sa mga mata niya na medyo nasasaktan ko siya dahil sa pag-iwas na ginagawa ko. I can see his frustrations. Paano naman ako lalaban kasama ka ni hindi ko nga alam kung ano ba tayong dalawa? Ano'ng meron sa atin? Boyfriend ba kita?! Gusto ko sanang itanong kay Fire 'yon pero hindi ko ginawa. Pakiramdam ko, kailangan kong mag-ingat sa mga sasabihin ko sa kaniya.

"I'm sorry. Hindi lang kasi ako makapaniwala doon sa mga sinabi mo na... ano ba 'to? Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko, Fire. Hindi naman tayo magkakilala, 'di ba?" I asked him. Ilang minuto ko siyang tinitigan at parang sinasabi ng mga mata niya na magkakilala kami. Na may koneksyon kaming dalawa. Ayan ka na naman sa mga koneksyon chorvaness mo, Aria. Assuming ka na naman!

"Naloloka kasi ako sa mga sinabi mo sa akin noong gabi na 'yon. Ano'ng ibig sabihin no'n Fire? Ako ang mahal mo? Ako 'yong babaeng nakalimot sa'yo? Gano'n ba? Pero bakit? Paano? Boyfriend ba kita? Tayo ba?" I calmy asked. Gusto kong malaman ang sagot mula sa kaniya. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag hindi nabigyan ng kasagutan ang mga tanong ko tungkol sa aming dalawa.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon