Chapter 42

30.7K 949 180
                                    

Third Person's POV

Halos magplanking kay Nagi si Aria dahil sa nakakalokang litanya ni Fire. Isantabi na muna natin ang halik na naganap dahil hindi iyon ang focus ng chapter na 'to. Langya! Ano raw? Tutuparin namin ang propesiya?! Magkaka-anak kami?! Iyon ang mga naiisip ni Aria noong mga oras na 'yon.

"Fire, niloloko mo ba ako?" tanong niya habang pinaniningkitan niya ng mga mata ang gwapong nilalang na si Fire. Isang matamis at makapagpasabog uterus na ngiti naman ang iginanti ni Fire sa nagmamasungit na si Aria.

"Nakakaloka! 'Wag kang nagsasabi ng mga ganyang bagay, okay?! Jusko! Halos tumambling ang baby bangs ko sa sinabi mo e!" pag-iinarte ni Aria na talagang halata ang pagkagulantang sa mga pasabog ni Fire. Si Fire naman ay aliw na aliw sa reaksyon ni Aria at talagang halos mapunit na ang mukha niya dahil sa kanyang pag-ngiti. Hindi niya rin alam kung bakit iba ang sayang dulot sa kaniya kapag ganito na mukhang shunga si Aria. Ang bongga lang talaga ng eksena na 'to. Bigla kong kukunin ang cell phone ko at saka ko patutugtugin ang kantang I can't smile without you bilang back ground music para sa nakakalokang eksena na ito.

"Ngiti ka nang ngiti diyan! Nakakainis! At saka ano ka ba, Fire?! Ang bata pa natin para magkaanak! Ni hindi pa nga tayo kasal!" sabi ng OA na si Aria. Medyo natawa na si Fire dahil sa pagka-OA ng ating nagmamagandang bida.

"Sinasabi ko na nga ba, pinagnanasaan mo ang maganda kong katawan!" Okay? Ano ba ang pinaglalaban ng bida natin? Bigla akong kukuha ng tubo at saka ko hahambalusin ang nag-iinarte na si Aria pero siyempre joke lang. Balik tayo sa eksena na kung saan, napahagalpak na sa tawa si Fire. Hindi ko siya masisisi kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang naging reaksyon dahil nakakatawa naman talaga ang sinabi ni Aria.

"Grabe, Fire. Galak na galak ka talaga?! Wala akong laban sa'yo. Utang na loob naman, maawa ka sa akin!" Itinakip ni Aria ang kaniyang dalawang kamay sa katawan niya na akala mo naman ay interesado si Fire pero wala namang malisya na nararamdaman si Fire. Galak na galak lang talaga siya dahil sa pagiging OA ni Aria. Other than that ay wala na siyang ibang dahilan dahil isa siyang lalaki na hindi nagtetake advantage kahit pa maghubad si Aria sa harapan niya. Syempre joke lang ulit.

"Aria, ano ba 'yang ginagawa mo? Wala naman akong balak na masama sa'yo," sabi ni Fire na nagpipigil ng kaniyang tawa. Bigla namang nadisappoint si Aria. Gano'n? Wala man lang epekto sa'yo ang katawan ko?! Sabi ng kaniyang puro air particles na neurons na sinagot naman ni Fire ng isang ngiti.

"Hindi naman kita pipilitin na gawin ang isang bagay na ayaw mong gawin," he said. At dito na nagtatapos ang kwentong ito dahil bigla kong papatayin si Aria para sa akin na mapunta si Fire at kami ang tutupad sa propesiya chuchu na sinasabi ni Owlesus pero siyempre, for the third time in this chapter, nagbibiro lang ako.

Bigla ko na namang kukunin ang cell phone ko at patutugtugin ko ang kantang Bahay Kubo para pang-asar lang sa napakasweet na moment nina Aria at Fire. Ngunit, dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay matitigil ako sa pag-play ng kanta dahil biglang may narinig sina Aria na sigawan na nagmumula sa battlefield.

"Fire, ano 'yon?! Bakit may sumisigaw?! Mukhang galing sa battle field!" Nagkahalo-halo na ang pagkagulat at pagkatakot sa itsura ni Aria. Panandalian nilang nakalimutan ang matamis na moment nila dahil sa nakakawindang na sigawan na 'yon.

Inutusan ni Fire si Nagi na bumalik sa battle field at agad namang sumunod si Nagi. Pagdating nila doon ay bumungad sa kanila ang mga nagkakagulong estudyante.

"Aria! Fire!" sigaw ni Thea. Tumakbo sina Kai at Thea papunta kina Fire na hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.

"Ano'ng nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga tao?" tanong ni Fire kay Thea. Hindi agad sumagot si Thea dahil nasense niya na kanina pa magkasama sina Aria at Fire at mukhang may nangyari sa kanilang dalawa na hindi aayon sa batas ng Elemental World.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon