Chapter 38

31.7K 1K 144
                                    


Kai's POV

Nandito kami sa loob ng kwarto ni Aria. Hindi pa rin siya nagigising simula noong mawalan siya ng malay sa Elemental Head's Office.

Lahat kami ay nag-aalala sa kanilang dalawa. Oo, hindi kami sang-ayon sa pagmamahalan nila pero ni minsan ay hindi namin hinangad na umabot sa ganito ang sitwasyon.

"Fire," Thea called Fire. Simula kanina ay hindi na umalis si Fire sa tabi ni Aria. Hawak-hawak niya ang kamay ni Aria na para bang ayaw niya itong pakawalan. Gustuhin man namin na palayuin siya kay Aria ay hindi namin magawa. Alam namin na nahihirapan siya sa nangyayari ngayon sa kanilang dalawa.

"Fire," Inulit ni Thea ang pagtawag sa pangalan niya. Lumingon si Fire pero agad din niyang ibinalik ang tingin kay Aria.

"Bakit nangyayari ang ganito?" he asked. Hinalikan niya ang kamay ni Aria at wala kaming masabi ni Thea. Gusto kong sabihin na magiging maayos din ang lahat pero alam naman namin na hindi ganun ang nangyayari. Mas lalo nang lumalala ang sitwasyon ngayon.

"Fire, do you need anything?" tanong ni Thea. Lumapit siya kay Fire at saka niya hinawakan ang balikat nito.

"Thea, tulungan mo akong maghanap ng paraan para maibalik ang alaala ni Aria," he said. Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Fire. Kung itutuloy niya na naman ang kagustuhan niyang maibalik ang alaala ni Aria, babalik lang sa dati ang problema nila.

"Fire, it would be better na hindi ka na maalala ni Aria. Look, kung sakaling bumalik ang alaala niya, what will happen? Wala namang magbabago, hindi ba? Hindi pa rin pwede na maging kayo," I said. Hindi ko 'to sinasabi para dagdagan ang sakit na nararamdaman ni Fire pero kailangan ko itong sabihin sa kanya kasi somehow, may maganda rin naman na maidudulot ang nangyayari ngayon.

"Pero Kai, hindi ko kakayanin na makalimutan na lang ako ni Aria ng gano'n na lang!" Kitang-kita ko kung paano nasasaktan si Fire. We want to help him pero paano?

"Fire, calm down. Tama naman si Kai e. Wala namang magbabago kung babalik ang alaala ni Aria. Lalo lang siyang masasaktan. Kung talagang mahal mo siya, hahayaan mo na lang na hindi ka niya maalala and you will endure the pain for the two of you. 'Di ba, ayaw mong nasasaktan si Aria?" sagot ni Thea. Biglang natahimik si Fire at napaupo na lang ulit siya sa upuan na nasa tabi ng kama ni Aria.

"Aalis na muna kami. Bibili kami ng pagkain sa Cafeteria," sabi ni Thea at hinila na niya ako palabas sa kwarto ni Aria.

Habang naglalakad kami, pareho kaming tahimik. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Apektado rin kami sa nakikita naming nangyayari kina Fire at Aria.

"Kai," Nilingon ko si Thea. Huminto siya sa paglalakad saka siya matamlay na tumingin sa akin.

"Bakit kailangan nilang maranasan ang ganito? Nagmahal lang naman sila, Kai. Nagmahal lang naman sina Aria at Fire. Bakit kailangan nilang mahirapan nang ganito? I want to help them. I want to ease the pain that they are feeling pero paano? Hindi ko alam kung paano ko sila tutulungan!" she said before she cried. Lumapit ako sa kaniya bago ko siya niyakap. Nararamdaman ko na nahihirapan na ang loob niya sa nangyayari kina Fire.

Tinuturing namin ang isa't-isa bilang magkakapatid. Noong nasa Elemental Kingdoms kami, ayaw na ayaw ni Thea na nasasaktan kami ni Fire tuwing nasa training kami kaya nga pinag-aralan niya kaagad kung paano ang manggamot gamit ang tubig. Kapag nasasaktan kami ni Fire, siya pa ang unang umiiyak. Ganun ang ugali ni Thea. She looks so strong but she's weak inside. Weakness niya ang mga taong mahalaga sa kaniya.

"Everything will be fine, Thea. 'Wag ka nang umiyak," I said while rubbing her back. Ako rin naman, nahihirapan at nasasaktan para kina Fire. Pero hindi naman magbabago ang katotohanan na wala kaming magagawa sa sitwasyon nila.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon