Chapter 46

26.3K 922 166
                                    

Aria's POV

"Ariaaaa!" Ay lechugas naman oh! Halos mapabalikwas ako sa higaan ko dahil sa sigaw na 'yon. Si Mama na ba 'yon?

"Ay talaga nga naman oh! Hahampasin kita ng kawali kapag hindi ka pa bumangon diyan, Aria!" Bigla akong napa-upo sa kama ko pero hindi ko pa rin iminumulat ang mga mata ko. Jusko naman! Kagabi lang ay galak na galak akong makauwi dito sa mundo ng mga tao pero ngayon ay naloloka na naman ako sa nanay ko na sinapian ng espiritu ng alarm clock. Ano ba naman ito?

"Aria, ano ba?! Aba nakakaloka kang bata ka! Nandito na ang mga kasama mo sa baba tapos ikaw ay nandiyan pa rin?!" sigaw ulit ni Mama. Welcome back to the human world talaga, Aria.

"Opo! Bababa na po!" Bumangon na ako sa kama ko at parang tuod akong naglakad papunta sa banyo ko. In fairness, halatang hindi binago at hindi pinabayaan ng butihin kong nanay ang kwarto ko. Magaling! Napatitig pa ako sa mukha kong maganda bago ako nag-umpisang maghilamos. Itong si Mama talaga, napaka-organize sa gamit. Siya ang laging nag-aayos ng kwarto ko kasi alam niya na kapag ako lang ang aasahan niya ay tama na sa akin ang kunwari nagwalis ako at nagpunas ng mga gamit ko tapos voila! Malinis na para sa akin. Pero kapag si Mama na ang pumasok at nag-ayos ng kwarto ko, kahit wala namang nababago sa itsura at ayos ay pakiramdam ko maraming nawawala sa gamit ko. Gano'n ako kapraning kapag siya na ang naglinis. Jusme!

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako at nakita ko sina Fire na nakaupo sa sofa namin.

"Good morning," he said. Pakiramdam ko ay bigla akong nagblush noong ngumiti siya sa akin at feeling ko talaga ay naging slow-motion ang pangyayari tapos biglang magpiplay ang kantang, Forevermore tapos sisigaw si Mama nang Walang Forever at masisira ang moment ko. Ay ano ba 'yan, Aria?! Ang aga-aga pa para lumandi!

"Good morning din," I replied as I continued to walk downstairs. Bigla naman akong napatalon noong sumigaw na naman si Mama. Sabi na e. Panira talaga ang nanay ko na 'to. Hay nako!

"Ikaw talaga, hindi ka na nagbago! Ganiyan ka rin ba sa Yoso, ha?" Nakapameywang pa si Mama habang hawak niya ang sandok tapos ay bigla siyang humarap kay Fire.

"Hoy ikaw lalaking bilasa ang mata, kumusta ang anak ko sa Yoso?" Teka, ano raw? Lalaking bilasa ang mata?! Seryoso?! Halos nakanganga ako na humarap kay mama dahil sa hindi makatarungan niyang pagdescribe sa Firebabes ko.

"Ma namaaaan! 'Wag mo naman tawagin na lalaking bilasa ang mata 'yang boyfriend ko! Nasasaktan ang kidney ko sa sinasabi mo," I said pero bigla akong binatukan ni Mama. Aray ha? Ang brutal lang e, ano?

"Boyfriend?! Itong lalaki na 'to?!" Mukhang galit si mama sa sinabi ko. Hala! Hindi pa rin ba ako pwedeng magboyfriend?! Pero dalaga na ako! Karapatan ng kagandahan ko ang magkaroon ng boyfriend! Sige, ipaglaban mo ang iyong karapatan, Aria!

"Opo, nobyo niya po ako. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Ginang Arianne," sagot ni Fire. Ay hala! Bakit naman bigla na lang sumingit ang isang 'to sa usapan? At matindi, nobyo talaga ang sinabi. At ansabe ng Ginang?! Nakaka-stress naman ng bangs itong lalaki na 'to!

Humarang kaagad ako sa harapan ni Fire at saka ko siya tinitigan na para bang sinasabi kong, 'Wag ka nang magsalita pa, utang na loob lang! Humarap ako kay Mama at talagang hindi na maganda ang itsura ng mukha niya. Para siyang si Miss Minchin na nagagalit dahil hindi niya ako nakitang nagbabalat ng patatas. Ang taray! Naisingit pa talaga ang Princess Sarah?!

Ilang minutong nakatitig sa akin si Mama bago niya inilipat ang tingin niya kay Fire na nasa likuran ko. Jusme! Don't tell me, palalayasin ni Mama si Fire?!

"Talaga? Boyfriend ka ni Aria? Nagpauto ka sa kabaliwan ng anak ko na 'yan? Nauto ka ni Aria? Jusko! Ang pogi mong bata kahit mukha kang may sore eyes tapos..." Tiningnan ako ni Mama na para bang hindi na niya alam kung paano niya dudugtungan ang sinasabi niya. Bakit pakiramdam ko ay iniinsulto ako ni Mama? 'Yong totoo?

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon