Chapter 18

40.8K 1.4K 203
                                    

Aria's POV

Para akong napako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang ako kina Ciero. Ano raw ang sabi nila? Tatay ko ang muntik na pumatay kay Valgemon?

"Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit ako lang ang kinausap niya. Besides, ako lang ba ang nakakarinig sa kaniya?" I asked all of them. Nakakaloka lang talaga ang mga happenings dito sa elemental world. Ano naman daw ang kinalaman ko kung 'yong tatay ko ang muntik na pumatay kay Valgemon, 'di ba? Bakit sa akin? Ano'ng trip ng Diyos ng Kadiliman na 'yon?

"He is after you, Aria. Sa lahat ng Gods and Goddesses, kay Aire siya pinakagalit. At dahil anak ka ni Aire, sigurado ako na sa iyo niya uumpisahan ang pagganti sa tatay mo," explained by Heiro. Ay ang taray! May revenge na nagaganap?!

"E bakit ang sabi niya sa akin ay sabay daw kaming maghahari sa elemental world?" O 'di ba? Mukha akong interested sa mga sinabi ni Valgemon kanina. Parang ang sakit kasi sa lungs na isipin na gusto akong patayin ni Valgemon para lang makaganti sa tatay ko. Bakit kailangan pa akong idamay?

"He is just trying to deceive you, Aria. Pasalamat na lang tayo at hindi ka niya nalinlang." Sumasakit na ang ulo ko sa mga sinasabi nila. Wala man lang bang araw na pwede akong mabuhay ng tahimik dito? Kailangan ba laging may mga ganitong nangyayari?

"Pwede po ba na bukas na lang tayo ulit mag-usap? Pagod na po kasi ako," I said at agad namang lumapit sa akin si Kai. Nako naman. To the rescue lagi ang isang 'to! Kaloka!

"Aalis na muna kami, Heiro," he said bago niya ako inalalayan palabas ng Elemental Head's office. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako kailangang alalayan. Hindi naman ako pilay. Sows, Kai! 'Wag kang ganyan. Baka mainlove ka sa akin! Nako po! Mamamatay tayo niyan.

"Aria!" Someone shouted. Paglingon ko, it's Tyrone. Tumatakbo siya palapit sa akin tapos niyakap ako. Ay ano ba 'yan! Bakit ba kayo ganyan? Kinikilig ako!

"Are you okay? My god, Aria! Nag-alala ako sa'yo!" Tyrone said and then he hugged me again. Napabitaw lang siya sa pagkakayakap niya sa akin noong may umubo sa likuran ko. Paglingon ko, si Fire pala 'yon na ang sama ng tingin sa akin. Inirapan ko lang siya bago ako humarap ulit kay Tyrone.

"Fire!" Sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng sumisigaw habang papalapit siya sa amin. Si Nuraya? Aba! Bakit niya tinawag si Fire?

"Nuraya, bakit mo ako--" Hindi na natapos ni Fire ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang niyakap ni Nuraya. Lahat kami ay nagulat. Aba! Biruin ninyo na si Nuraya, ang babaeng walang emosyon ay bigla na lang niyakap si Fire? Anyare? Kailan pa sila naging close ni Fire?

"Kai!" Paglingon ko naman kay Kai, niyakap din siya ni Ela. Aray ha? Hindi na maganda ang eksena na 'to. Bakit parang nagkakaroon na ng loveteam dito? Si Thea na lang ang --- Ay bongga! Akala ko pa naman walang kaloveteam si Thea pero meron pala. Si Laydon.

"Aria, okay ka lang ba?" Tyrone asked. Gusto ko nang umalis sa lugar na 'to. Gusto ko nang matulog. Hindi ko alam pero naiinis ako sa nakikita ko. At bakit ka naman naiinis, Aria? Kaartehan mo!

"Samahan mo na lang ako Tyrone sa dorm namin," I said and he nodded his head. Hindi na ako nagpaalam kina Thea. Bakit pa ako magpapaalam e busy silang lahat?

"Gusto ko sanang sumama kina Kai noong pumunta sila sa maze kaya lang ay hindi raw pwede. Buti na lang at okay ka lang." Napangiti ako kasi ramdam na ramdam ko ang pag-aalala ni Tyrone sa akin.

"Ang seryoso mo naman. Hindi naman ako agad mamamatay doon," I told him pero ang totoo ay grabe ang takot ko noong nasa maze kami. 'Yong pakiramdam na gusto ko nang magsulat ng Last will and testament ko kasi akala ko ay katapusan ko na.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon