Chapter 4

47.5K 1.6K 152
                                    

Kai's POV

Kanina pa ako nandito sa loob ng kwarto ko. Pinapagalitan ko ang sarili ko kasi nasabi ko kay Aria ang bagay na dapat hindi ko sinabi. Malamang, Kai, iniisip na ni Aria na nagsisinungaling ka kasi ngayon pa lang kayo nagkita tapos kung ano-ano na ang mga sinasabi mo.

Matagal ko nang sinusubaybayan si Aria. Simula noong 8 years old kami, sinabihan na kami na umpisa na ng training namin na anak ng mga Gods and Goddesses. Pagdating namin sa Elemental Field, tatlo lang kami nina Thea at Fire. Pareho kaming tatlo na nagtataka kung nasaan si Aria. 'Yon pala, sa mundo ng mga tao siya ipinanganak.

Simula no'n, una kong pinag-aralan ang pagkontrol sa kalikasan. I am able to talk with nature primarily the plants and animals. Sila ang nagrereport sa akin ng mga updates about Aria.

Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya lumabas ako para kumuha ng tubig. Kaya lang, hindi ko inaasahan na nando'n pa rin si Aria sa labas.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" I asked her. Maaga kaming gigising bukas para sa orientation at tour dito sa Yoso Academy kaya as much as possible gusto ko nang matulog pero hindi ko alam kung bakit gising na gising pa rin ang diwa ko ngayon.

"Hindi ako makatulog e," she answered. Akala ko maiilang na siya sa akin pagkatapos no'ng mga sinabi ko sa kaniya kanina. Buti na lang hindi.

"Bakit? May problema ka ba?" Ngumiti siya sa akin. Oh come on, Aria! Don't smile!

"Namimiss ko lang kasi si Mama. Bago kasi ako matulog, nagkwekwentuhan muna kami. Tinatanong niya ako kung anong nangyari sa buong araw ko. Gano'n si Mama. Tapos ipagtitimpla niya ako ng gatas. Pero ngayon, wala nang gano'n 'di ba? Kasi wala na ako sa mundo na kinalakihan ko. You know what, I am still thinking na panaginip ko lang lahat ng 'to. I miss my mom so much. Kahit na parang nakalunok 'yon ng megaphone, still, I miss her." Kung ayaw kong makita si Aria na ngumingiti kasi parang gusto ko siyang yakapin na lang bigla, mas lalo naman na ayaw ko siyang makitang umiiyak at nalulungkot.

"That's normal, Aria. You'll get used to this kind of situation. Sanayan lang naman ang buhay. Namimiss mo ang mama mo kasi ngayon lang kayo nagkalayo."

"Ayaw kong masanay na wala si Mama, Kai. Dati, tanong ako nang tanong kay Mama kung sino ang tatay ko. Hindi niya kasi sinasabi. Minsan nga naisip ko pa na ampon ako e. Tapos, ito pala. Ganito pala ako," she said. Tumabi ako sa kaniya sa sofa.

"'Wag ka nang umiyak. Babawiin ko na 'yong sinabi ko na ikaw ang pinakamaganda sa elemental people." I tried to tease her and she smiled.

"Buti ka pa mabait. Hindi kagaya ni Fire na akala mo e laging may PMS," sabi niya na medyo natawa pa. Napangiti naman ako sa pagtawa niya. Halakhak kung halakhak e.

"Sino'ng may PMS?"

Aria's POV

OMYGOD! SI FIRE! Lagot ka, Aria! Magiging toasted ka na ngayon!

Hindi ako lumingon sa likod ko. Akala ko ba tulog na 'to? Nako talaga! Unang araw ko palang dito, mukhang mamamatay na ako!

Nagulat ako no'ng umupo si Fire sa gitna namin ni Kai. Napaisod tuloy ako. May pagkabastos din pala ang isang 'to.

"Fire, akala ko tulog ka na e," sabi ni Kai. Kung ikukumpara ko ang mukha nilang dalawa, si Kai mukhang relaxed. Ang refreshing ng aura. Samantalang si Fire, gwapo nga pero mukha namang sagana sa problema.

"Hindi ako makatulog hangga't may isa diyan na iyak nang iyak." Anodaw? Ako ba ang tinutukoy niya?! Aba!

"Sorry naman ha?! Palibhasa kayo alam niyo nang mangyayari 'to sa inyo kaya tanggap niyo na agad!" I said tapos padabog akong pumasok sa kwarto ko. Lokong Fire 'yon! Upakan ko kaya 'yon nang malaman niya. Kainis! Hindi na ba ako pwedeng mag-inarte?! Kailangan ba, okay na lang sa akin ang lahat?!

I looked at the necklace na binigay sa akin ni Mama.

"Ma..." I wiped my tears. Bwisit! Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko na dito!

"Miss na kita, ma. Pwede ba na sabihin ko sa kanila na ayaw ko nang maging elemental person? Pwede ba 'yon, Ma? Mas prefer ko po na kasama kita."

"Hindi 'yon pwede."

"Ay butiki! Fire?! Ano'ng ginagawa mo dito?! Paano ka nakapasok?!" Hala! Multo ba 'to na tumatagos sa pinto?!

"Fire teleportation," he said. Aba! Nagteleport?! Matteo Doo lang ang peg?!

"Niloloko mo ba ako?" I asked. Hibang na yata 'to e. Kunwari pang nagteleport. Hindi na lang aminin na bigla na lang siyang pumasok sa kwarto ko. Nakasandal pa siya sa pinto. At talagang feel na feel pa niya ang pagsandal sa pinto ko!

Pero nilock ko 'di ba ang pinto? May duplicate ba siya ng kwarto ko?

"Hindi ako si Kai kaya hindi ko nababasa ang iniisip mo. Hindi rin naman kita pipilitin na maniwala sa akin kung ayaw mo," he said. Ang taray talaga ng isang 'to! Nakakaloka!

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko. Pagkatapos niya akong inisin, pupunta-punta siya dito? Sige, Aria. Mag-inarte ka pa!

"'Di ba sabi ko sa'yo, hindi ako nakakatulog kapag may umiiyak? Kaya nandito ako para sabihin sa'yo na kung ayaw mong matulog, magpatulog ka. Maaga pa ang pasok natin bukas." Aba! Ang sungit talaga! Palulunin ko kaya 'to ng granada?!

"Okay. Pasensya na." Nagtalukbong ako ng kumot ko pero patuloy pa rin 'yong luha ko. Maaa! May nang-aaway po sa akin!

"Aria, pwede ba? Umiiyak ka pa rin e." Ha?! Paano niya naman nalaman?! Don't tell me tumatagos ang paningin niya sa kumot ko?!

"Paano mo naman nasabi na umiiyak ako? Umalis ka na nga! Matutulog na ako." Kainis na lalaki 'to. Hindi man lang marunong makiramdam. Pati ba naman pag-iyak ko, bawal pa rin?!

"Wag ka nang magsinungaling, Aria. I can feel what you are feeling. Kung si Kai, kayang basahin ang isip ng tao, ako kaya kong maramdaman ang nararamdaman mo. Kaya nadadamay ako diyan sa pag iyak at hindi mo pagtulog." Anodaw? Aba! Ang galing naman ng powers nila!

"Edi kayo na ang may powers." I murmured.

"Hindi lang naman ikaw ang umalis sa mundo ng mga tao. Marami kayo kaya 'wag mo nang masyadong isipin 'yong lungkot," he said. Sus! Madali lang para sa kaniya na sabihin 'yan. Palibhasa alam na niya na pupunta siya dito sa Yoso Academy!

"Oo na uma---- Fire?!" Aba at bigla na lang nawala ang loko! Ang bastos talaga.

Biglang may kumatok sa kwarto ko. Pagbukas ko, it's Fire. May dala siyang isang baso ng gatas. Ano namang pakulo 'to?

"Akala ko ba, nagteteleport ka? Bakit ka pa kumatok?" Sinasabi ko na nga ba, niloloko lang ako ng isang 'to.

"Nagteleport ako kanina kasi naramdaman ko na hindi mo bubuksan ang pinto. Here, drink this para makatulog ka na." Wow. Talagang may ganito? Ano na naman Aria? Kinikilig ka na naman?! Nako!

"Salamat." Kinuha ko ang gatas sa kamay niya pero malamig na 'yong gatas. Hindi ako umiinom ng gatas kapag hindi mainit.

"Bakit malamig?"

"Ayaw mo nang malamig?" Umiling ako sa kanya.

"Akin na." Kinuha niya 'yong gatas sa kamay ko. Akala ko babalik siya sa kusina para magtimpla ulit ng gatas pero inabot niya uli sa akin 'yong baso.

"Here." Sinamaan ko siya ng tingin. Loko talaga 'to. Tinanong pa ako kung ayaw ko nang malamig. Bwisit.

"Sabi ko 'di ba hindi ako umiinom ng gatas kapag hindi mainit?" Napansin ko na medyo naiinis na siya sa akin. E bakit ba kasi? Ayaw nga sabi e. Tsk.

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilagay ang baso.

"I hope that after you drink this, you can now sleep." Pumasok na siya sa kwarto niya. Bigla kong nailapag 'yong baso sa side table ko kasi ang init. Humanda ka sa'kin bukas, FIRE!

Miss Ai

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon