Chapter 12

37.1K 1.3K 71
                                    

Aria's POV

Kanina pa kami tumatakbo ni Fire. 'Yong totoo? Athlete ba ang isang ito sa marathon at bakit ang bilis niyang tumakbo?

"Sandali lang Fire!" I said and I stopped from running. Kaya lang, hindi niya yata inexpect na bigla akong hihinto kaya ayon, nahila niya ako sa pagtakbo niya.

At ayon na nga, nadapa ako.

"Aray ko!" I screamed.

"Aria! Are you okay?" Ay naknangtutcha naman! Nadapa na ako't lahat, are you okay pa rin ang tanong niya?

"May sugat ka!" he worriedly exclaimed and he kneeled down to level with me.

"Masakit?" he asked and I arched my eyebrow at him. Hindi niya naman siguro iniisip na nakainom ako ng sampung galon ng anesthesia 'di ba para isipin niya na hindi ako nasaktan? Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kasalanan mo 'to e! Bakit ba kasi tayo tumatakbo?! Wala namang humahabol sa atin e. Nasugatan pa tuloy ako!" Kainis! Ang ganda-ganda ng kutis ko tapos masusugatan lang?

"Gusto ko lang na makalayo tayo sa patibong ni Valgemon. Can you walk?" he asked and believe me, gusto ko siyang upakan. Seryoso? Sa laki ng sugat ko sa tuhod, tinatanong pa talaga niya kung kaya kong maglakad? May tubo ba kayo diyan? Pahiram nga at nang mahampas ko ang bwisit na 'to!

"Bakit ba ang sama ng mga tingin mo?" he retorded pero lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin.

"Okay. I am sorry. Hindi ko kasi alam na hihinto ka e. Sorry talaga." And I can tell that he's really sorry about what happened to me.

"Oo na. Apology accepted," I said at kahit sinubukan niyang itago ang ngiti niya ay nahuli ko pa rin. Sus! Nahiya pa ang loko!

"Tara na." Langya na 'yan! Hindi niya ba ako bubuhatin?! Talagang paglalakarin niya ako sa lagay ko na 'to?!

"Hoy, tara na. Ano 'yan? Diyan ka nalang?" Bwisit! Wala talagang ni katiting na pagkagentleman ang ugok na 'to!

"Oo na!" I tried to stand. Grabe ang sakit ng sugat ko! Kaasar! Kinuha ko 'yong bottled water ko at hinugasan ko ang sugat ko tapos kinuha ko 'yong panyo ko at tinalian ko 'yong tuhod ko. Pagtingin ko kay Fire, nakatitig lang siya sa akin.

"O bakit? Naiinggit ka sa sugat ko? Gusto mong itulak din kita at nang masugatan ka para mafeel mo rin kung ano'ng----" I stopped from talking no'ng bigla siyang tumalikod sa akin at umupo while patting his back. Ano'ng meron?

"Ano 'yan? Ano'ng ginagawa mo?" I asked.

"I'll carry you. Baka abutin na tayo ng taon kapag hinayaan pa kitang maglakad sa lagay mo na 'yan," he said. Say what?! Sasakay ako sa likod niya?! Naka-shorts lang ako! Ang awkward naman yata kung kakargahin nya ako. Aria, wag ka nang mag inarte pa diyan! Kanina lang ay pinaglalaban mo na buhatin ka niya tapos ngayon na ayan na, ayaw mo na?! Baliw lang?!

"Hey, ano na? Ba't ang tagal mo?!" Ayan. Nainis na ang kulugo na 'to.

"E kasi, ano, ahmm." Bigla siyang tumayo at humarap sa akin. Sorry ka na lang, Aria. Maglalakad ka na ngayon.

Pero nagulat ako no'ng hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tumalikod siya sa akin at siya mismo ang naglagay ng kamay ko paikot sa leeg niya then he kneeled down tapos hinawakan niya ang dalawa kong binti at kinarga niya ako.

Define awkward.

"Fire, ano ka--"

"Wag ka nang magsalita kundi ibabagsak kita at dadagdagan ko 'yang sugat mo," he said. Ang taray! Hindi naman obvious na gustong-gusto niya akong saktan diba?!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon