Chapter 27

35K 1.2K 166
                                    


Fire's POV

Natatawa ako sa reaksyon ni Aria habang lumalapit ako sa kaniya. Alam ko na dapat ay magtaka ako kung paano at bakit siya napunta dito sa kwarto ko pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako.

"Jusko! Tukso layuan mo ako! Utang na loob!" she said while she's covering her face by her bare hands. Buti na lang at wala sina Thea ngayon dito dahil baka kanina pa nila narinig si Aria.

Lalo pa akong lumapit sa kaniya at patuloy din siya sa paglalakad paatras hanggang sa hindi niya namalayan na kama ko na ang nasa likuran niya kaya naman doon siya bumagsak.

"Ay pucha! Ano 'to?!" That's the time na tinanggal niya ang kamay niya sa mukha niya at tiningnan ang paligid ng kama ko. Biglang lumaki ang mata niya noong makita niya na papalapit ako sa kaniya. Ewan ko ba pero natutuwa ako sa reaksyon niya.

"Ay susme! Fire! Ano ba'ng ginagawa mo?! 'Wag kang lalapit sa akin!" Kinuha niya 'yong unan sa tabi niya at hinampas sa akin pero tinabig ko lang 'yon at hinawakan ko ang mga kamay niya at inilagay ko iyon sa taas ng ulo niya. I am on top of her but there's a big space between us.

"Bakit ka nandito sa kwarto ko, Aria?" I asked. She gulped when I looked at her. Pinikit niya agad ang mata niya at hindi ko napigilan ang mapangiti sa reaksyon niya. She's cute.

"Langya ka, Fire! Virgin pa ako! Lubayan mo ako!" Doon na ako natawa noong sinabi niyang virgin siya. Iniisip niya ba na may gagawin akong masama sa kaniya? Baliw na yata ang babae na 'to.

"Fire, natatakot na ako," she said kaya naman umalis na ako sa ibabaw niya at dumeretso ako sa cabinet ko. I heard her sigh in relief.

"Ang lambot naman ng kama mo. At aba! Ang linis ng kwarto mo. Nahiya naman ang kwarto ko," she said. Hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng jogging pants ko at black na t-shirt bago ako pumasok sa loob ng banyo.

Habang nagbibihis ako ay naririnig ko pa na kumakanta si Aria. Maganda rin pala ang boses ng babae na 'yon.

Pagkalabas ko ay nakahiga na siya sa kama ko habang yakap pa niya ang unan ko. Napailing na lang ako. Kanina lang, halos sumigaw na siya na nandito siya sa kwarto ko tapos ngayon, mukhang tuwang-tuwa na siya.

"Alis diyan," I said. Agad naman siyang umupo at tinabihan ko siya sa kama ko.

"Bakit di ka pa umaalis?" I asked. Kinuha ko 'yong isa kong unan at humiga ako.

"E kasi, magsosorry sana ako. Hindi ko naman ginusto na mapunta dito e."

"Ginusto mo 'yon. Hindi ka naman dadalhin ng teleportation mo sa lugar na hindi mo iniisip. So ano 'yon? Habang nagtratraining kayo ni Zep ay iniisip mo ako?" I grinned at her and I almost laugh when I saw her face turned into color red.

"Langya! Kapal ng mukha mo! Epic fail lang talaga ang pagteleport ko. Hindi na mauulit. As if naman gusto kong makita 'yang katawan mo!" Nagtaka naman ako. Bakit biglang nasingit 'yong katawan ko sa usapan?

"Don't tell me, tiningnan mo nang maigi ang katawan ko kanina? Wow, Aria! I should have known you better. Hindi mo naman kailangan ang pumalpak pa sa teleportation para lang makita mo ang katawan ko," I said and that makes her to hit me.

"Aray ko!"

"Pucha! Ang kapal kapal ng mukha mo! Nahiya naman daw ang Elemental Book sa kakapalan mo. Leche! Makaalis na nga!" Tatayo na sana siya pero hinila ko siya pahiga sa tabi ko.

"Ano na naman Fire?! Kung balak mong kunin ang innocense ko, utang na loob! Pakasalan mo naman muna ako!" That statement of hers makes me to stare at her. I look at her ash colored eyes. If only I could, Aria. If only I could.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon