Chapter 2

71K 1.9K 306
                                    

Aria's POV

I blinked my eyes. Hindi ko na nga alam kung ilang ulit kong pinikit at minulat ang mata ko.

Naglagay ba ako ng contact lense? May pagkakataon ba talaga na nag-iiba ang kulay ng mata ko kapag umaga?

This is crazy! Hindi na kapani-paniwala ang nangyayari sa akin. Happy 18th birthday talaga sa'yo, Aria. Ang daming surprises.

Gusto kong sumigaw at tumakbo papunta kay Mama. Jusko naman! Bakit po ba nangyayari ang ganito sa akin? May nagawa ba akong karumal-dumal para maparusahan ng ganito katinding chorvaness?!

Dali-dali kong binuksan ang pinto at paglabas ko ng bathroom, may isang malaking bag na ang nakalagay sa ibabaw ng kama ko habang isa-isang nilalagay ni Mama 'yong mga damit ko sa bag. Biglang naunsyami ang balak kong mag-inarte kay Mama at napalitan ng pagtataka ang kaluluwa ko. Teka? Ano'ng meron?

"Ma, ano 'yan? Aalis tayo?" I asked her. Si Gale, ayun, biglang lumipad palapit sa akin.

"Lahat ng nasa Kaze Kingdom, kulay abo ang mata. But your eyes are perfectly beautiful, Aria," she said.

"Tigilan mo ako, Gale." Lumapit ako kay Mama na patuloy pa rin sa paglagay ng mga damit ko sa loob ng bag.

"Ma, ano ba'ng ginagawa mo? Saan tayo pupunta?" tanong ko. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Alam kong nagpipigil lang si Mama sa pag-iyak kasi halata naman sa mukha niya. Maputi si Mama at talagang namumula ang ilong niya kapag gusto na niyang umiyak.

"Ikaw lang ang aalis, Anak." Ano raw?! Bakit ako lang?!

"Ma, may nagawa ba akong mali kaya pinapalayas mo na ako? Hindi ako magboboyfriend, Ma! Babastedin ko na si Jonathan. You don't have to make me leave, Ma. Ano ba?!" Halos maglupasay ako sa semento noong sinabi ko 'yon kay Mama. Nakakainis lang kasi. All my life, kami lang ni Mama ang magkasama. Hindi kami mayaman. Nasa middle class lang ang buhay namin pero ni minsan hindi ko naramdaman na may kulang. Laging enough sa akin si Mama. Tapos biglang ganito?!

"Aria,makinig ka sa akin." Iniupo ako ni Mama sa kama ko at niyakap niya ako.

"Kailangan mong umalis. Hindi ka pwedeng manatili dito, Anak." Ano ba'ng sinasabi ni Mama?! Bakit hindi ako pwedeng mag-stay?!

"Aria, kailangan nating umalis dahil baka malaman pa ni Valgemon na nandito ka," sabi ni Gale. Valgemon? Sino naman 'yon?!

"Hindi ko iiwan si Mama," I firmly said.

"Aria, Anak, kailangan mo akong iwan. Babalik ka pa naman e. Pwede mo naman akong bisitahin. Pero sa ngayon, kailangan mo nang umalis. Baka ikaw na lang ang hinihintay sa Yoso Academy," sabi ni Mama.

"Yoso?" Ano ba 'yon? School?

"Aria, 'yon ang pupuntahan natin. Doon mo pag-aaralan kung paano mo gagamitin ang kapangyarihan mo," Gale said. Ano ba 'to? Ni hindi ko nga matanggap na anak ako ng Diyos ng Hangin tapos aalis ako at dadalhin sa Yoso or whatsoever na 'yon?! Nahihibang na ba sila?

"Saan 'yon? Malayo ba 'yon dito sa Manila?" I asked. Baka mamaya, sa Mindanao pala 'yon edi boom iyak ako. Ang layo kaya. Saka paano na lang kung mapunta pa ako sa lugar ng mga Rebelde tapos bigla silang nagbarilan sa harapan ko?! Omygod! Paano na lang ang kagandahan ko na labing-walong taon kong iningatan?! Jusko naman!

"Matagal mo nang nadadaanan ang Yoso. Hindi mo nga lang nakikita," sabi ni Gale. Itong tutubi na 'to, namumuro na sa akin 'to. Nadadaanan ko na tapos hindi ko nakikita?! Ano 'yon? Mirmo lang?!

"Anak, basta, mag-iingat ka doon ha? Aalagaan mo ang sarili mo. Ito anak, baunin mo. Para alam mo na nandito lang ako. Hihintayin kita." Isinuot sa akin ni Mama 'yong kwintas niya na may picture naming dalawa. Bigla akong naiyak. Ano ba 'to? Ang weird ng mga nangyayari. Iniisip ko pa lang na wala nang gigising sa akin tuwing umaga ay parang ang hirap na. Feeling ko talaga ay hindi keribels ng pagkatao ko ang malayo kay Mama. Ano ba naman ito? Bakit hindi na lang kasi sumama si Mama sa amin para wala nang problema at hindi na ako mag-eemote ng ganito!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon