Chapter 56

20.5K 712 26
                                    

Aria's POV

Halos mawalan kami ng hininga noong halos hindi kami papasukin dito sa Yoso. Ang daming tanong. Bakit daw nasa labas kami? Paano daw kami nakalabas nang hindi nila nalalaman? Nakakaloka! Paano naman nagkaroon ng sandamukal na guard na sinaniban ng espiritu ng isang nag-iinterview ang buong Yoso? Anong meron?!

"Kailangan nating pumunta kina Laydon," sabi ni Thea kaya naman agad-agad kaming dumeretso sa dorm house nina Ty. Kaya lang ay may isang problema. Habang naglalakad kami ay nasalubong namin si Zephyrus.

"Tyrone? Anong ginagawa mo dito? Kakaalis mo lang sa cafeteria, 'di ba? Bakit nandito ka na at kasama mo pa sina Nuraya?" sabi ni Zep na nakatitig pa talaga ng bongga kay Tyrone este kay Fire pala. Nako, patay! Bakit nga ba hindi namin naisip na baka nasa labas pa ng dorm house sina Tyrone at malaki ang chance na mabuko kami?!

"Nagteleport ako, Zep. Pinag-uusapan kasi namin ang tungkol sa projects na ipapasa e," sabi naman ni Fire. Nako, sana ay lumusot! Kahit na mukha siyang mas seryosong magsalita kaysa kay Tyrone ay sana 'wag nang mahalata pa ni Zep. Utang na loob naman!

"Projects? Anong sinasabi mong projects e matagal nang kanselado ang klase dito sa Yoso? Noong isang linggo pa kinansela dahil sa away na naganap sa pagitan ng Elemental Heads at Elemental Ministry," sagot naman ni Zep. Halos magplanking ako sa harapan niya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Konti na lang ang estudyante dito sa labas. Kung noon, sa mga oras na 'to ay maraming estudyante ang nag-eensayo, ngayon ay wala akong makita. Talagang ang tahimik na ng Yoso kapag ganitong oras.

Biglang nabaling kay Zep ang atensyon ko noong naramdaman ko na para bang tinititigan niya ako. Jusko! Kakapasok pa lang namin ay mukhang mahuhuli na kaagad ang binabalak namin.

"Tell me, hindi kayo sina Tyrone, tama ba?" Hindi ko man lang naisip na isa palang matalinong nilalang itong si Zep. Nakakakulot naman ng bangs ito oh!

"Aria, ikaw ba 'yan?" sabi niya sa akin kaya naman bigla kong tinakpan ang bibig ni Zep. Ay hala! Paano niya nalaman na ako nga si Aria?! Inialis niya ang kamay ko sa bibig niya at saka siya ngumiti sa akin.

"Sabi na e. Bakit ngayon lang kayo bumalik?" Wow naman! Feel na feel niya talaga na dito kami mag-usap sa labas e 'no? Baka mamaya niyan ay mahuli na kami nang tuluyan.

"Ssshh! H'wag ka ngang maingay diyan, Zep!" I hissed. Sinigurado ko na halata sa mukha ko ang kagustuhan ko na manahimik siya.

"H'wag tayo dito mag-usap. Pumasok na muna tayo sa loob," dagdag ko pa. Nag-umpisa na akong maglakad papunta sa dorm house nina Tyrone kaya lang ay bigla akong naestatwa noong muling nagsalita si Zep.

"Hindi kayo makakapasok sa loob. Mayroon nang gwardiya ang nagbabantay sa apat na dorm house at paniguradong mabubuko kayo dahil may inilagay na harang ang Elemental Ministry doon at nilagyan nila ng spell na kapag anak ng Dyos at Dyosa ang papasok ay agad na mamamatay," sagot ni Zep. Anoraw?! Bigla akong nilapitan ni Fire at saka niya hinawakan ang kamay ko. Jusme! Mabuti na lang pala at nakita namin si Zep dahil kung hindi ay baka pinaglalamayan na kami ngayon!

"Paano mo nalaman na si Aria ako?" tanong ko. Ngumiti muna si Zep sa akin bago siya sumagot.

"Dahil ikaw lang ang kilala ko na kapag kinakabahan ay kinakagat mo ang dulo ng index finger mo," he said. Ay talaga?! May gano'n? Edi ikaw na Zep! Ang galing mo. Pero teka, kung lahat ng dorm house ay may harang, paano kami makakapasok sa loob?! Try mo gumapang, Aria. Nakakaloka! Natural hindi kayo makakapasok! May harang nga, 'di ba? Nag-iisip ka ba?

"Pwede ba kaming magteleport para makapasok lang sa loob ng dorm house?" tanong ni Fire. Naks naman ang Firebabes ko! Talagang napaka-brilliant! Ano kaya ang iniinom nitong gatas no'ng baby pa lang siya? Bonakid? Batang may laban? Sige Aria, ipush mo lang 'yang pag-iisip mo ng kung ano-ano! Nakakatulong ka ng bongga!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon