Chapter 26

36.2K 1.2K 99
                                    

Aria's POV

Don't ever call me Kuya, again.

Ilang beses pa akong pumikit at talagang pagtingin ko ay wala na 'yong nakasulat. Ay ang bongga! Mukhang naghahallucinate ka na naman, Aria!

"Aria, tara na?" asked by Thea. Si Kai ay inaayos lang sandali ang gamit niya at ngumiti sa akin. Si Fire naman ay kanina pa umalis. Masyado yata niyang dinibdib ang pagtawag ko sa kaniya ng Kuya kaya nag-iinarte siya at talagang nag-walk out agad-agad.

"Ano 'yang hawak mo?" Thea pointed the paper that I am holding. Hindi ka ba aware sa itsura ng papel, Thea? 'Yong totoo?

"Teka, it is the magical paper of Ka Kingdom." Hanudaw? Magical paper? Ka Kingdom? E 'di ba kingdom 'yon nina Fire?!

"Ano'ng magical paper, Thea?" Kai asked. Lumapit sa amin si Kai and when he saw the paper, kumunot ang noo niya. Ay ang taray! Bakit ang gwapo mo pa rin Kai kahit nakakunot na ang noo mo? Kahit yata magkapalit na ang mga parte ng mukha mo ay talagang gwapo ka pa rin.

"Thanks for the compliment, Aria." Bigla akong napanganga sa sinabi ni Kai. Aria naman, learn to control your thoughts nga! Hindi ko muna pinansin ang sinabi ni Kai dahil nagsalita na si Thea.

"Fire people lang ang pwedeng magkaroon ng ganyan. That is the magical paper that will automatically show what the owner wants to say to the one who's holding the magical paper. Ikaw lang ang makakakita ng mga nakasulat dyan, Aria," explained by Thea. Ay nakakaloka na talaga ito! Bakit may ganito? Kay Fire ba talaga galing 'to? Kung sa kaniya nga galing, bakit niya ko binigyan nito?

Aria, I miss you.

Bigla na lang sumulpot sa puro air particles kong utak out of nowhere 'yong una kong nabasa dito.

Namimiss ako ni Fire?!

"Ano ba ang nakasulat, Aria? Do you have any idea kung sinong fire person ang nagbigay sa'yo niyan?" tanong ni Kai. Jusko! Alangan naman sabihin ko kung ano 'yong nabasa ko 'di ba? Baka magulat sila na may nakakamiss sa akin na fire person to think na si Fire lang naman at Nuraya ang kaclose ko na kasama sa Ka Kingdom. Hanuba! Bakit ba nangyayari ang ganito sa'yo, Aria?!

"Wala naman. Tinatanong lang ako kung nakilala ko na raw ba personally si Harry Potter," I said. Ay langya! Talagang 'yon pa ang naisip mong palusot, Aria? Ang waley! Napatitig sa akin sina Kai and by just the look at their face ay alam na nilang nagpapalusot lang ako. Utang na loob lang, ayaw kong mag-explain!

"Ah, okay," sabay na sabi nina Kai at Thea. Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanila at nauna na akong lumabas sa classroom namin. Tiningnan ko ulit 'yong magical paper pero wala nang nakasulat dito. Ang bongga naman nito. Iisipin mo lang ang sasabihin mo ay talagang makikita na sa papel na 'to?

Pagtingin ko ulit sa papel, may nakasulat na naman.

Bakit ang tagal mong dumating? Bilisan mo ngang pumasok dito sa dorm para alam ko kung ano'ng gusto mong kainin.

Confirmed! Kay Fire nga galing ang magical paper na 'to! So talagang namimiss niya ako? Omygahd! Dapat na ba akong kiligin o dapat kong isaksak sa esophagus ko na kapatid lang ang turing niya sa akin? E bakit ayaw niya na tawagin ko siyang Kuya? Nakakabawas kaya 'yon sa pride niya? Sabagay, ilang oras lang ang tanda niya sa akin kaya ang weird naman kung Kuya pa ang itatawag ko sa kaniya. Ay bwisit! 'Wag mo na ngang isipin 'yon, Aria! Sakit lang sa bangs ang ganyan!

"Aria, bakit nandito ka pa?" It's Gale. Dapat ko ng iwasan si Fire. Kailangan ay hindi ko na bigyan ng ibang kahulugan ang lahat ng ginagawa niya. Tama 'yan, Aria. Para sa ikakabuti ng lahat ng lamang loob mo, tama 'yan na iwasan mo na si Fire!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon