Chapter 52

22.9K 804 40
                                    

Aria's POV

Sanay akong makipaghalubilo sa matatalinong tao. Noong dito pa ako nag-aaral ay talagang madalas akong makipagkwentuhan sa mga kaklase ko na laging kasama sa top ten ng klase namin. Ang saya kasing makipagpalitan sa kanila ng kuro-kuro. Naisip ko kasi na isa iyong magandang gawain kung saan nagagamit ko ng maayos ang oras ko sa makabuluhang bagay kaysa naman ang makipag-chismisan ako ng wagas sa mga kaklase ko.

Pero 'yon nga, dahil isa akong echoserang nilalang ay ayaw akong kausapin ng mga matatalino kong kaklase. Mas feel yata nila ang makipagtitigan sa libro o kaya naman ay ang magsolve ng sandamukal na math problems hanggang sa ako na ang susuko at pupunta na ako kina Janna para pag-usapan kung ano ba ang naganap sa inaabangan naming teleseryse.

Pero itong si Thea ay kakaiba ang talinong taglay. Pakiramdam ko talaga ay kulang na lang magtalukbong ang neurons ko sa hiya dahil sa mga brilliant suggestions niyang madalas ay siya lang ang nakakaintindi. Tulad na lang ng sinabi niyang gagayahin ko si Ela. Wow! Ang ayos sana ng plano e. Pero paano naman namin 'yon gagawin?!

"Pero Eidothea, bihira lang ang may kakayahan na gawin ang bagay na 'yon. Nangangailangan din 'yon ng sapat na oras para pag-aralan at maisakatuparan nang maayos," sabi ng Firebabes ko na halatang nawindang din sa sinabi ni Thea. At aba! Eidothea na ang tawag niya kay Thea. Matindi! Full name na!

"Yes, Fire. Isa 'yon sa sasanayin natin habang nandito pa tayo. Kailangan nating magseryoso ngayon. Walang oras na dapat masayang. Sa bawat oras na lumilipas ay isipin nating lalong nanganganib ang Yoso Academy or worst, pati na rin ang Elemental Kingdoms," sabi ni Thea. Oha! Ang taray ni ateng! Masyadong obvious ang concern niya sa mga nagaganap sa Elemental World. Pero kung tutuusin ay tama naman siya. Dapat na talagang magseryoso. Hindi na isang biro ang nangyayari. Sa palagay ko ay kailangan ko munang isantabi ang mga pag-iinarte ko sa buhay at kailangan na naming magfocus sa pagliligtas sa Yoso Academy. Dapat ay maibalik ang balanse na sinira namin ni Fire. Kailangan na talaga naming bumalik sa Yoso para naman makapunta na kami ni Fire sa Black Forest at doon namin hahanapin si Trifosa.

"Sige, gawin natin ang plano mo, Thea," sabi naman ni Kai. Kung titingnan lang sana ay bagay na bagay itong sina Thea at Kai kaya lang ay parang wala naman silang nararamdaman na kakaiba para sa isa't-isa. Walang ma-feel ang feeler kong kaluluwa na something chuchu sa kanila. Sayang at hindi rin naman sila pwedeng maging item na dalawa. Wow Aria! Seryoso? Namomroblema na nga kayo at 'yan pa talaga ang iniisip mo? Nakakaloka ka!

"But in order for us to be able to do that, we need someone to teach us," sabi naman ng pinakagwapong nilalang na nakilala ko sa balat ng Elemental World. Sino pa ba? Edi ang present at future ko na walang iba kundi si Fire. Ang taray!

Biglang tumayo si Thea at pagkatapos ay ngumiti siya sa amin. Anong problema ng isang 'to? Then all of a sudden, she snapped her finger and in an instant ay nawala na si Thea.

Si Nuraya na ang kaharap namin. Ay hala! Nasaan na si Thea?!

"Thea?" tanong ni Fire. Ngumiti sa amin si Nuraya bago siya tumango. So si Thea pala ito?! Wow naman!

"This is the mimicry ability that we have. We can transform into different forms. I can transform completely into water. Aria can transform completely into air. You can transform completely into fire and Kai can transform completely into anything that's related to element of earth. Pwede rin nating gayahin ang itsura ng ibang tao. We can transform in any form that we want basta kaya na natin at alam na natin kung paano," Thea explained. Wow! Talaga?! Ang bongga naman ng ganito. Pwede ko na yatang gayahin ang mukha ni Anne Curtis at lalabas ako diyan sa sa subdivision namin at saka ako pagkakaguluhan ng mga kapitbahay namin. Talagang diyan mo pa balak gamitin ang mimicry ability mo, Aria? Ayos ka lang?

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon