[TWO] Chap.2: Second Chance

9.3K 268 46
                                    

๑۩۞۩๑ Second Chance ๑۩۞۩๑

       (Clarissa Gutang's POV)

"Clarissa, bilisan mo!" tawag sa akin ni Kikay na aking elementong-kaisa. Lumipad siya at nauna sa akin sa main gate ng Owkward Academy. Masayang nagpaikot-ikot siya sa ere, sumasayaw. Ang 'cute-cute' talaga tingnan ni Kikay. Para siyang isang batang mukhang manika! Ang sarap pisilin ang matataba niyang 'cheeks!' 

Bahagyang humangin at inayos ko ang aking napakahabang buhok na umabot na sa aking tuhod. Simula nang ganap na maging isa kami ni Kikay, ang buhok ko ay mabilis humaba at sa tuwing gugupitan ko, hahaba ito agad kinabukasan. Pero okay lang, bagay na bagay naman daw sa akin sabi ng Tay Jose ko. Tinerentasan naman ni Kikay yung kanang parte ng buhok ko para daw mas kita ang 'amethyst' na hikaw na bigay niya sa akin.

"Wow!"

"Ang ganda talaga niya!"

"Walang kupas!"

Di ko napansin pero ang lahat pala ng mga estudyante ay nakatingin sa akin.

"Ang ganda ng hair mo, napaka haba pero sobrang smooth tingan!"

"Nakakainggit!"

Pinalibutan ako ng mga babaeng estudyante, nagtatanong ng tips sa magandang kutis at buhok. Ang mga lalaki naman ay panay papuri sa akin.

Namula ako sa hiya. Hindi agad nakapagsalita.

Totoo ba talaga ito? Ang dating di pinapansin at nilalait simula noong gradeschool ay ginugusto na ngayon!

Sobrang laki talaga ng iniangat ng pagtingin sa akin ng mga guro at estudyante sa O.A. matapos ng pagkapanalo ko sa Miss Owkward Academy Student of the Year. Marami ang humanga at nais nang makipagkaibigan sa akin. Pero hindi pa rin ako sanay sa ganitong atensyon kahit buong first year ko, ang mga mata ay sa akin. Marahil ako mismo sa sarili ko ay di pa rin makapaniwala na makakamit ko ang ganitong estado sa school. 

"Clarissa, ano ka ba?!" saway ni Kikay, nakapawaywang.

Napangiti ako. Kung isa akong artista, si Kikay ang aking manager, beautician, coach... lahat! Sisiguraduhin niyang buo ang tiwala ko sa aking sarili. Siya naman talaga ang simula ng lahat ng pagbabago sa akin. Laking pasasalamat ko at nakilala ko siya.

Nginitian ko na ang mga nakapalibot sa akin at nakipagkaibigan. Sa totoo lang, ang sarap sa feeling. Nakataas talaga ng 'self-worth' kung may 'recognition.' Pero syempre, kailangan din na totoo ako sa aking sarili at laging mapagkumbaba. Iyan ang laging paalala sa akin ng aking Tay Jose. 

"Excuse me!" may nagsalita at dumaan sa harapan ko.

Si Regina Co.

"You are causing traffic here!" matararay niyang sabi. 

"Papansin talaga."

"KSP."

"Nagtatantrum na naman ang reyna!"

"Haha... Tantrum Queen!"

Malakas na bulungan ng ilang estudyante. 

Nagulat si Regina sa reaksyon nila. Siguro ang inaasahan niya ay susunod ang mga estudyante at matatakot sa kanya.  Napatunganga lang siya. 

"Sorry, Regina. Tama ka naman, nakakaharang kami sa daan." sabi ko 'to save her' at para hindi pa siya lalong mapahiya. Napapansin ko na ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Hmp!" taas noong sagot niya sa akin. "I know you're doing this just to make yourself look better!"

Natahimik naman ako sa sagot niya. Ang laki din ng 'pride' nito. Pero nasanay na ako sa di magandang pakikitungo niya sa akin. Kung dati masama na siya sa akin, 'after the contest' naging 'worst' pa siya. 'Big deal' talaga kay Regina ang pagkapanalo ko sa O.A. Student of the Year. Hindi daw ako dapat nanalo. Naawa lang daw ang mga judges sa akin kais mahirap lang daw ako. Nagpasimuno pa nga siya ng 'petition' na i-review ang 'scores' kasi siya daw ang dapat manalo. Pero dahil sa ginawa niya, pinagtawanan lang siya ng mga estudyante at ng mga 'teachers.' Nag-iba na ang pagtingin nila sa kanya at binansagan siyang, 'Tantrum Queen' sa school. Pero syempre, hindi ito pinansin ni Regina.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now