[TWO] Chap.26: Di Inaasahang Bisita

4.7K 169 33
                                    

۩۞۩๑ Di Inaasahang Bisita ๑۩۞۩๑  




Maghapong naglinis ng bahay si Gino Ivan Lazaro. Walis dito, punas doon; buhat dito, lipat doon, plano yata ng Lola Esmeralda nya na mag-renovate ng bahay! Dapat sana ang kwarto lang ng kanyang Tita Dorina ang lilinisin pero naiisipan ng lola niya na mag-general cleaning! Hindi naman nagreklamo si Gino kasi alam niyang sobrang nananabik lang ang lola niya para sa bunsong anak.

Excited din si Gino. Napakabait ng Tita Dorina niya. Bukod kay Lola Esme, ang tita din niya ang nagsilbiling tagapagbantay niya noong mamatay ang kanyang mga magulang at siya na din ngayon ang nagpapaaral sa kanya sa Owkward Academy. Ang tuta niya ay parang nakakatanda niyang kapatid.

Umupo si Gino sa sofa at sandaling pinagmasdan ang ginawa niyang pag-floor wax ng sahig ng salas nila. Sa wakas ay natapos din ang lahat ng pinagawa ng lola niya. Nagpahinga si Gino.

"Pasensya na anak at di ka matulungan ng tatay." sabi ni Itim na tumabi sa pagkakaupo ni Gino.

"Okay lang yun, tatay." sagot ni Gino at nag-thumbs up pa. Napangiti siya. Kakaiba at di kapanipaniwala na tinatawag niya ang isang pusa na ama. Weird. Pero kahit ano pa, basta ang mahalaga ay kasama pa rin niya ang tatay niya!

Ngunit nawala saglit ang ngiti sa mga labi ni Gino. Naalala niya ang kanyang mahal na ina.

"Bakit anak?" tanong ni Itim. Mas naging alerto ito sa nararamdaman ni Gino. Hindi na siya muli magpapabaya. Ayaw na niyang maulit na maimpluwensyahan ni Gunaw ito. Hindi niya alam kung pano pero ginagamit ni Gunaw ang emosyon ng kanyang anak para ma-control ito.

"Si Nanay Cindy po... Okay na sana. Si Lola Esme, si Tita Dorina, tapos kayo po... si nanay na lang kulang."

Natahimik din si Itim. Miss na miss na niya ang asawa.

"Kailan po kaya babalik sa dati si nanay?" tanong ni Gino kahit alam niyang walang maisasagot ang ama.

"Hindi ko alam, Gino." malungkot na sagot ni Itim.

"Di ba po yung Supremo ang nagpabaliw sa kanya?! Tsk. Nakita ko sya dati, dun sa sementeryo ng San Nicolas... Sayang... Sana...!" nang-iinit na naman ang ulo ni Gino. Nabubuhay na naman ang galit sa kanyang kalooban.

"GINO!" saway ni Itim.

Napapikit si Gino. Huminga ng malalim.

"S-Sorry po, tatay." kinalma ni Gino ang sarili. Sabi ng kanyang ama, galit ang ginagamit ni Gunaw para mawala siya sa sarili. Napagtanto ni Gino na kahit napigilan ang ritwal na ginawa ng mangkukulam na si Romano at ng Supremo, nagtagumpay naman sila na isalin ang diwa ni Gunaw sa kanyang katawan. Alam niyang nasa kanya lang si Gunaw at kahit anong oras pwede nitong tuluyang maangkin ang kanyang pagkatao kung magpabaya siya at magpadala sa mga negatibong emosyon na nararamdaman niya.

"Basta positibo lang lagi, anak." paalala ni Itim. " At tsaka nabanggit naman ng Lola Esme mo na dadalawin ninyo si Cindy pagdating ni Dorina."

Tumango si Gino. Sabik na din niyng makita ang kanyang ina.

Maayos na ang pakiramdam ni Gino nang biglang sumakit ang ulo niya. "Aaarrrgghh!"

"Bakit, anak?"

"Masakit po ulo ko at nahihilo po ako."

"Si Gunaw ba anak?!" naalarmang tanong ni Itim.

"Ah... Hindi po. Wala naman. Siguro po napagod lang ako." sabi ni Gino.

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon