Chap.20: Ang Itim na Usok

13.3K 337 10
                                    

 ๑۩۞۩๑ Ang Itim na Usok ๑۩۞۩๑

 (Junior "Jun-Jun" Sta. Maria's POV)

Monday. A week after nang first periodical tests namin.

Naku, kinalumutan ko na ang aking mga test results, baka lalo akong ma-depressed kasi medyo di pa rin ako maka-get over sa ginawa sa akin ni Katherine nung sinabi niya kay Regina na di niya ako kilala. Anong mayroon ba itong si Regina na parang she needs to please her everytime?

Sa wakas na kita ko siya.

Naglalakad siya patungo sa highschool building from the canteen. Nakaupo ako sa isa sa mga upuan sa tapat ng gradeschool building. Alam kong dito siya dadaan kasi kailan niya munang dumaan sa gradeschool building bago makaputa sa highschool building.

Di ako napansin ni Katherine kasi mukhang malalim ang inisip. Teka, parang puyat ata siya.

Gusto ko na siyang lapitan pero baka paalisin niya ako. Baka din biglang sumulpot si Regina sa kung saan at ipagtabuyan nanaman ako ng crush ko. Saklap!

As usual naka-buntot pa rin sa kanya ang sundalong multo. 

Gustong-gusto ko nang tulungan si Katherine, mukhang di siya pinapatulog ng multong sumusunod sa kanya. Kahit ako man dati noong magpakita sa akin ang napakaraming multo, halos ma-trauma nga ako. Buti na lang medyo malakas na ang loob ko dati at di ako takot sa mga multo. Pero si Katherine, okay lang kaya siya? Sabi ko naman sa kanya handa ko siyang tulungan.

Sana mapansin naman niya ako.

Tinitigan ko ang sundalo. Sa tingin ko isang guwardiya sibil nga ang multo noong panahon ng mga kastilla. Bakit kaya sinusundan ng multo si Katherine? Ano ang Kailangan niya? Bakit di siya matahimik? Sino siya at ano ang istoriya ng kanyang buhay? 

Tumingala bigla ang guwardiya sibil. Tumingala din ako.

May kung ano na parang itim na usok sa may third floor ng gradeschool building. May mga libro na nakapatong sa balustre ng floor na ito. Lumutang ang usok na itim patungo doon at laking gulat ko nang biglang nahulog ang lahat ng libro na pawang mabibigat at eksaktong si Katherine ang matatamaan!

Naalarma ako, napatayo at tumakbo patungo kay Katherine pero biglang natigilan nang bilang nawala at sumulpot ang guwardiya sibil sa tabi ni Katherine. Sa kataka-takang pagkakatoon, di natamaan si Katherine ng mga librong nahulog. Lumihis ang pagkakahulog ng mga libro!

"Miss, sorry po. Okay lang po kayo?" tanong ng isang estudyante mula sa third floor.

Gulat na gulat si Katherine. Sa sobrang kaba, napahawak siya sa kanyang dibdib.

"O-Okay lang ako." sagot ni Katherine na nanginginig ang boses.

"Sorry po talaga."

Di na pinansin ni Katherine ang estudyante at binilisan na lang ang paglalakad niya.

Mali ako sa pag-aakalang ginugulo ng guwardiya sibil si Katherine. Napagtanto ko na he's actually protecting her. 

Sa totoo lang bigla akong nainggit. Gusto ko kasi ako ang magtatanggol at magproprotekta kay Katherine. Kaya siguro pinapaalis niya ako, di na niya ako siguro kailangan.

Nalungkot ako bigla.

"Jun-Jun?" biglang may tumawag sa akin. "Jun-Jun!"

Si Katherine?! Biglang lumakas ng tibok ng aking puso.

Naglalakad na siya papalapit sa akin. Iiwasan ko ba? Kunwari ba galit ko dahil tinanggi niya na magkakilala kami? Teka... pa hard to get?!  Of course not! This is an opportunity!

ELEMENTOWhere stories live. Discover now