Chap.31: ANG PAGIGING ISA SA KADILIMAN

3.2K 112 6
                                    


Let's go back sa Point-of-view. Now, POV tayo ni Gino! 

Wah! Sino kaya ang naging isa sa kadiliman? Basahin at alamin!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑ANG PAGIGING ISA SA KADILIMAN๑۩۞۩

++++GINO LAZARO'S POV++++++++++++++++++++++


Madilim.

Malamig.

Sobrang tahimik. Wala akong ibang marinig kundi ang nakakabinging bilis na pagtibok ng aking puso at ang aking hirap na paghinga.

Hindi ko alam kung nasaan ako.

Nakamulat ako pero wala akong makita. Kadiliman lamang.

'klikk'... 'Klikk'

Tunog ng nagkiskisang kadena.

Pinilit kong tumayo.

'Klikk'... 'Klikk'

Teka! Di ako makagalaw!

May mga kadenang pumipigil sa aking mga kamay at paa!

Sumigaw ako. Humingi ng tulong pero tanging boses ko lang ang aking narinig na nag-echo ng paulit-ulit.

Sa tingin ko ay nasa isa akong silid na may mababang kisame kasi malakas ang boses ko.

"TULONG! KUNG SINO MAN ANG NAKAKARINIG SA AKIN, TULUNGAN NYO AKO!" sigaw ko.

Pinilit kong gumalaw muli pero sobrang higpit ng pagkakakadena sa akin. Hindi ako makaalis sa aking magaspang na kinahihigahan.

Humingi ako ng tulong hanggang sa mapagod na ako at sumakit ang aking lalamunan ngunit wala man lang sumaklolo.

Pagkatapos ng ilang saglit ay may tumawa.

"Ang ingay mo" reklamo nito.

Kilala ko ang boses, kay Ryan Jacinto!

"Ryan? RYAN! Ikaw ba yan? Tulungan mo ako!" tawag ko sa kanya.

Tumahimik siya bigla.

"Ryan? Nasaan ka? Rya-" natigilan ako.

Walang duda, siya ang nagdala sa akin sa kung saan man ang kinaroroonan ko ngayon. Natandaan ko na ang ginawa niyang paglinlang sa akin. Di ko akalain na may masama pa ring siyang balak kahit humingi na ako ng sorry sa kanya.

"RYAN, SAAN MO AKO DINALA?! ANO ANG KAILANGAN MO SA AKIN!" galit kong sigaw. Nakakawala din kasi ng pasensya ang matitigas ang ulo!

"FUEGO!" sambit ni Ryan.

Saglit akong nasilaw sa liwanag ng bolang apoy na nagmula sa kanyang kanang palad.

Tsk.

Nakita ko na tuloy ang mukha niya. Nakangiti siya, ang ngiting nang-aasar. Puno ng pagmamaliit at pagmamalaki.

Sa totoo lang, matagal nang ganyan ang ugali ng kaibigan ko. Ayaw niyang malamangan. Ayaw niyang matalo.

Pero.

Alam ko din naman na tapat siya at isa siyang mabuting kaibigan. Kaya siguro nagkimkim siya ng galit sa akin at hindi niya ako mapatawad. Sa tingin niya hindi ko pinahalagahan ang pagkakaibigan namin.

Haaaay. Oo na. Kasalanan ko.

"Ryan. Sorry." sambit ko.

Saglit siyang nagulat. Kita ko sa mabilis na pagpalit ng ekspresyon sa kanyang mukha.

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon