Chap.38: Ang Dalaketnon

8.6K 262 48
                                    

๑۩۞۩๑ Ang Dalaketnon ๑۩۞۩๑

         (Clarissa Gutang's POV)

Hindi ako magpapaloko! Hindi siya si Ren Dela Rosa! Kahit gustuhin ko man hinding-hindi niya ako ngingitian ng ganito!

"Lumayo ka sa akin, Malanti-Aw!" sigaw ko at tinulak ko siya papalayo.

"Anong pinagsasabi mo, Clarissa? Ako si Ren." marahan niyang sagot.

"HINDI!" aking pagtutol. Ginamit ko ulit ang nag-iisang orasyong alam ko sa kanya. Pinatigil ko siya.

"ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO SA AKIN CLARISSA!" galit na sigaw ni Malanti-Aw at bumalik na siya sa kanyang tunay na anyo. "MGA TIYANAK!" tawag niya pero di na rin makagalaw ang mga halimaw sa kani-kanilang kinatatayuan!

Grabe, napaka-handy naman ng orasyong ito!

"Bye-Bye!" muli kong pagpapaalam.

"Clarissa..." tinawag ako ni Lily.

Lumingon ako sa kanyang kinauupuan. Nakaupo pa rin sa gintong upuan ang kanyang kalansay suot-suot ang magandang pulang gown.

"Tulungan mo kami..." pagmamakaawa nito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses niya. 

"Paano?" tanong ko. 

Biglang nagkalaman muli ang kalansay na katawan ni Lily. Bumalik ang kanyang magandang mukha at katawan. Iniabot niya ang kanyang kamay at humingi ng tulong na itayo siya. May pumipigil sa kanya para makaalis sa gintong upuan.

"HINDEEEEEEE!" pagprotesta ni Malanti-Aw, galit na galit at pinipilit paring makagalaw.

Nilapitan ko si Lily at hinila siya papatayo. Nakatayo naman siya pero ang kanyang mga paa ay hindi lumapat sa sahig. Siya ay isang kaluluwa na lamang na lumulutang. 

Gaano na katagal kaya siyang bihag ng engkanto?

"Salamat, Clarissa." ngumiti si Lily. 

"Paano ko kayo matutulungan?" 

"Sa kweba ni Malanti-Aw ay may kristal na hugis puso. Ito ang bumibihag sa amin sa kanilang mundo. Di pa rin kami makaalis dito kahit matagal nang namatay ang aming mortal na katawan." paliwanag ni Lily. "Kailangan mong mabasag ang pusong kristal na ito bago ka rin gawin nitong isang buhay na manika."

"Sige pero paano tayo makakapunta sa kweba ni Malanti-Aw?"

"Huwag kang mag-alala, ituturo ko sa'yo. Kailangan mo munang makaalis sa palasyong ito. Sundan mo ako." Lumutang siya papalabas at dali-dali ko namang sinundan.

"PIGILAN SILA!" sigaw ni Malanti-Aw nang sa wakas ay nawala na ang bisa ng orasyon. Ang mga tiyanak ay nagsitakbuhan at sumunod sa amin.

Binilisan ko ang takbo ko sa mahabang hall way ng palasyo pero mabilis din ang makalapit ang mga tiyanak na tumatalon na rin para lang maabutan ako.

"Lily?!" natataranta na ako. 

"Dito." sagot ng kaluluwa at tinuro ang isa na namang pintuan na naka-camouflage sa pader. Bago ako pumasok ay napalingon ako sa likod ko dahil biglang nagsigawan ang mga batang halimaw at nagkagulo. For some reason ay biglang nadulas sila sa sahig at nagkapatong-patong. Kahit si Malanti-Aw ay nadulas din. Sumigaw ito sa inis.

May tumulong kaya sa akin?

Bumaba ako sa isang pa-spiral na hagdanan. Nakakapagod pero kailangan kong bilisan bago pa ako maabutan ni Malanti-Aw.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now