[TWO] Chap.24: Nagkatotoong Pangitain

4.8K 171 15
                                    

۩۞۩๑ Nagkatotong Pangitain ๑۩۞۩๑




Mataas ang sikat ng araw at maaliwalas ang kalangitan. Isang magandang araw. Isang magandang simula, magandang simula para ibuhos ang sama ng loob sa walang kalaban-labang 'punching dummy' na halos ma-deformed na ang rubber na mukha sa sunod-sunod na suntok ng kamao ni Ren Dela Rosa.

"NAKAKAINIS!" sabi niya sabay suntok. "NAASAR AKO!" nagpatuloy siya hanggang mapagod.

Umupo siya sa kanyang kama na malapit lang sa 'punching dummy' na kakabili lang noong isang linggo pero mukhang gamit na gamit na at maaaring di rin magtatagal ay kailangan nang palitan ng bago.

Nang makapagpahinga ng ilang saglit ay tumayo siya at ginamit ang 'treadmil.' Pinagpatuloy niya ang paglabas ng inis sa pamamagitan ng pagtakbo.

"NAKAKAINIS TALAGA! HAAAAAYYYYY NAKUUUU!" reklamo niya.

Halos magmukha ng fitness gym ang kwarto ni Ren dahil sa dami ng gym equipments niya. Ginagamit niya ang pagwo-work out para mailabas ang kanyang pagkainip at pagkadismaya. Hindi niya pinapahalata kay Clarissa Gutanh pero sobrang natatagalan na siya sa desisyon nito. Gusto na niyang malaman kung may pag-asa pa ba siya sa puso nito.

"Kidlaon, bakit ganun?" tanong ni Ren sa kanyang elementong-kaisa na binabantayan siya sa kanyang pagwo-workout. Si Kidlaon mismo ang nag-udyok kay Ren na magpalaki at magpalakas ng katawan. Isa daw itong pag-eensayo para sa hinaharap kung magkaroon man ng malaking kaguluhan. Malakas ang kutob niya na malapit na ito. "Hindi ko maintindihan si Clarissa. Ano pa ba ang gusto niya? Hindi pa ba sapat ang mga efforts ko? Hindi pa ba sapat?!"

"Susuko ka na?" tanong ng sentuaro.

"Hindi." umiling si Ren pero halata sa kanyang mukha ang di kasiguraduhan."Pero.. Bakit ba ganun?" pinatay niya ang treadmil at umupo muli sa kanyang kama. Hinanap niya ang kanyang tuwalya pero di niya makita ito sa nagkalat niyang mga damit. Kinuha na lang niya ang damit na sinuot kahapon at pinunas sa katawang basang-basa ng pawis.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan?"

Nagbuntong-hininga si Ren "Di ba sabi mo magpakatotoo ako sa nararamdaman ko sa kanya? Di ba sabi mo sabihin at ipakita ang totoong nararamdaman ng aking puso? Pero bakit kulang pa rin? Hindi ko na maintindihan si Clarissa."

"Aking napagtanto na sadyang mahirap intindihin ang damdamin ninyong mga tao. Maraming pwedeng maging dahilan, pwedeng makaapekto sa kung ano ang iniisip ninyo. Napakagulo, napakakumplikado."

"So ano na?" naiinip na sambit ni Ren.

Umiling si Kidlaon pero di niya maitago ang naaaliw siya sa itsura ni Ren na problemadong-problemado.

"Susuko ka na?" muling tanong nito.

"KIDLAON NAMAN, EH!" galit na sagot ni Ren. Naubos na kanyang pasensya. Tumayo siya at malakas na sinuntok ang punching dummy.

Ngumiti si Kidlaon. "Huminahon ka. Sagutin mo ang aking mga katanungan. Ren, sino ba ang magpapasaya sa'yo?"

"Tinatanong pa ba yan, syempre si Clarissa." sagot ni Ren.

"Mahal mo na ba?"

"Oo, mahal na mahal ko na siya." walang pag-aalinlangang sagot nito.

"Kung siya ang nagpapasaya sa'yo at mahal na mahal mo siya, ano ba ang nagpapagulo ng isipan mo?

Natigilan si Ren. "Kasi... Ang tagal kasi... Naiinip ako sa kanya..."

"Babalik tayo sa una kong tanong, susuko ka na?"

ELEMENTOWhere stories live. Discover now