EL KANTADIA 29: ANG SUMPA NI ANINO

3.2K 91 5
                                    

"Kahanga-kahanga! Malaki na ang pinagbago mo!" sambit ng Supremo.

"Ako si Arao, ang dyos ng Init at Apoy!" sagot ni Gino.

Ang bagong dyos ay nakalutang sa ere, suot ang damit na kapareho ng sa unang Arao na gawa sa maputing tela na may mga disenyo sa dulo at laylayan na pinaghalong mga pulang dyamante at purong gintong hibla . Mayroon din siyang korona na patusok-tusok na mga hiyas ng Ruby. Matikas at matipuno ang katawan at ang mga mata nito ay animo'y nagbabaga sa bagsik at determinasyon. Malayong-malayo sa dating Gino. At kapansin-pansin din na wala na siyang mga tattoo ni Datu Gunaw.

Natawa lang ang Supremo.

"Hindi ko alam kung paano ka nakawala sa impluwesya ni Gunaw o paano ka naging isang dyos ngunit HINDI MO AKO MASISINDAK, BATA HA HA HA!"

"Supremo, tigilan mo na ang kahibangang ito!" sigaw ni Gino.

Siya ay huminga ng malalim at walang hirap na bumuga ng ubod sa lakas na apoy na may nakakapasong singaw!

Sa isang iglap ay nagbaga at masunog ang tiyan ng tambuhalang halimaw na si Carlos at nakabuo ng isang perpektong bilog na butas! Nakakasulasok ang matinding amoy na nasunog na bulok na karne na sumingaw mula dito.

Ngunit patuloy lang sa pagtawa ang Supremo.

"Ayan na ba ang pinagmamalaking kapangyarihan ng isang dyos? HA HA HA!"

Kataka-taka at pambihirang unti-unting napuno muli ng mga pinaghalong lamang loob ng tao at hayop ang nabutas na tiyan ni Carlos. At di rin nagtagal ay nawala ang bakas na nasunog ito!

"GGRRRRAAAAOOOOORRRRRRR!" mayabang na hiyaw ng halimaw at katulad ng isang gorillang nagwagi mula sa isang labanan ng teritoryo, ay malakas na pinaghahampas ng mga kamay ang kanyang dibdib habang patuloy na sumisigaw.

Bigla namang lumindol at nahati sa dalawa ang lupa at mula sa butas ay sumingaw ang itim na usok! Isa-isa nagsilabasan ang mga kakaibang itim na nilalang na kahawig sa isang gagamba. Malalaki ang mga ito at halos kasing taas ng isang anim na talampakang tao. Ang kanilang pulang mga mata ay animo'y dyamante na kumikinang pero walang ganda kundi takot ang dala!

"Ano ang mga iyan?!" gulat na sambit ni Ren.

"Eww!" dirin-diring sabi ni Regina.

Nang nagsimulang sumugod ang mga ito gamit ang kanilang walong mga paa na may matatalas na dulo, napilitan sina Clarissa na lumaban.

"Dumarami sila! Patuloy ang paglabas nila mula sa butas sa lupa!" hayag ni Daniel.

"Huwag kang mag-alala, mahal ko, nandito na kami!" sagot ng isang pamilyar na boses.

"Mariella!" masayang salubong ni Daniel sa kanyang fiancée.

"Nandito din kami!" sabi ng dyos ng Kulog at Kidlat na si Lakan-Langit.

Kasama niya si Simoy, ang dyosa ng Katahimikan at Hangin.

Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon at nagsimula nang makipaglaban.

Bukod sa pagtawag ng kidlat na syang kumukuryente sa nagtatankang sumugod ay ginamit na din ni Lakan-Langit ang kanyang espesyal na kakayahan!

Lahat ng mga dyos at dyosa ay may kanya-kanyang kakaibang kakayahan. Kung si Abby, bilang dyosa ng Buhay at Pagkalinga ay nakapagpapagaling; si Mariella, ang dyosa ng Buwan at mga Bituwin ay nagbibigay katuparan ng hiling sa tuwing bilog ang buwan; ang dyosa ng Karagatan at Tubig na si Daloy ay may kakayahang gumaya ng anumang kapangyarihan o elemento; at si Gino, bilang dyos ng Init at Apoy na may kakayahang kunin ang ano mang elementong kapangyarihan; si Lakan-Langit naman ay may kakayahang magmanipula ng kalaban na parang mga laruan.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now