EL KANTADIA 30: BAGONG SIMULA

4K 156 26
                                    


Bumalik sa dating kakayusan ang El Kantadia na parang walang nangyari. Salamat sa mga dyos at dyosang nagtulong-tulong para dito.

Nagbunyi naman ang mga engkanto at diwata. Lahat ngayon ay may mas malalim na paniniwala at pananalig kaya naman punong-puno muli ang templo ng mga ito.

Lubos naman ang pasasalamat nina Abby sa grupo nina Clarissa dahil sila ang tumulong nang masaktan sila ni Ha-Des.

Tuloy-tuloy na din ang kasiyahan dahil makalipas lang ng ilang linggo ay ginanap ang pag-iisang dibdib nina Mariella at Daniel. Si Father Gilbert ang pari sa kasal at ginanap ito mismo sa tahanan ng mga dyos at dyosa, sa Puso ng Kalikasan! Imbitado lahat at kumpleto mula sa mga miyembro ng SKKKS, ang tatay ni Clarissa na si Jose, ang mommy nina Ren at Katherine na si Violy, ang nanay ni Gino na si Cindy, ang tita niyang si Dorina, ang Lola Esmeralda niya at ang school nurse na si Ruby; kasama din ang daddy Jethro ni Abby at ang kanyang kapatid na si Jenny.

Ito na rin ang nagsilbing pamamaalam nina Gino at Abby sa kanilang mga mahal sa buhay dahil sila ay mga dyos at dyosa na ng El Kantadia, may tungkulin na silang mamalagi sa espirituwal na dimension ng mga engkanto at diwata.

Naging buo naman muli ang pamilya ni Abby dahil nagkita na sina Jethro at Perlasina. Nangako naman si Jenny na magbabago na.

Pagkatapos ng kasal, lahat naman ay dumalo sa opisyal na koronasyon ni Hero bilang Hari ng Kristal na Palasyo. Siya din ang kinilala ng lahat, di lang ng dalaketnong yelo, kasama na rin ang tubig, lupa, apoy, kidlat at hangin na mamuno upang hindi na maulit muli ang walang saysay na pag-aaklas laban sa mga dyos at dyosa. Ito'y dahil din sa mga kaibigan niya sina Gino na ngayon ay si Arao at si Abby na ngayon ay si Sibol.

Pagkatapos ng koronasyon ay dito na din inihayag ang engagment nina Hero at Regina.

Makalipas ng maraming taon ay parang isang pambihirang panaginip ang mga nangyari na hindi kailan man makakalimutan ng mga magkakaibigan.

Tahimik na nakadungaw si Gino sa binta ng kanyang silid sa Puso ng Kalikasan. Ito ang kanyang pabirito lugar dahil dito niya nakita ang malawak na kabuuan ng El Kantadia na napakapayapa at ubod ng ganda.

Pero siya ay biglang napabuntong-hininga.

Dali-daling pinikit ang mga mata at pinilit na ibahin ang kung ano mang matagal nang bumabagabag sa kanyang isipan.

Ang sumpa ni Anino...

Tsk.

Umiling si Gino.

Ibinaling niya sa iba ang iniisip at di rin nagtagal ay may namuong ngiti sa kanyang mga labi.

Naalala niya ang kanyang mga matatalik na kaibigan. Sila ay may kanya-kayang 'love life' na at may masayang pamumuhay.

Naunang nagpakasal sina Regina at si Hari Agbayani o si Hero. Natawa siya sa ideyang hindi ito maintindihan ng mga dalaketnon dahil sa pa'english-english nito.

Hindi rin nagpahuli sina Ren at Clarissa na nagpakasal din. Ang alam Gino ay na nasa Maynila ang mga ito dahil sa negosyo.

Masaya ding nagsama sina Jun-Jun at Katherine. Sinadyang pinahirapan muna ni Katherine si Jun-Jun bago ito sumagot ng oo sa pagpapakasal.

May usapan silang mag-reunion sa gaganaping kaarawan ng anak nina Mariella at Daniel. Hindi na siya makapaghintay na makita silang muli.

"Arao!" tawag ni Daloy, abot-langit ang ngiti sa labi. "Binabati kita! Nanganak na si Sibol!"

At sa isang iglap ay nawala lahat ng alalahanin ni Gino. Lumiwanag ang kanyang mukha at siya ay humalakhak ng malakas.

Tama na. Kailangang kalimutan na niya ang kung ano mang sinabi ni Anino. Hindi na ito mahalaga! Ngayon ay may mas mahalaga siyang dapat pagtuunan ng pansin! Isang biyaya na magsisilbing bagong simula!

ELEMENTOWhere stories live. Discover now