[TWO] Chap.1: Makatotohanang Panaginip

11.3K 280 40
                                    

๑۩۞۩๑ Makatotohanang Panaginip ๑۩۞۩๑

                (Gino Ivan Lazaro's POV)

Ako ay tahimik na nagmamasid sa kadiliman, nagtatago sa anino ng mga mayabong na halamanan. Nahaharangan ng makakapal na ulap ang maliwanag na buwan na siyang lalong nagpadilim sa kadiliman. Napangiti ako. Pabor ito sa akin.

Mabilis ang tibok ng aking puso. Basa na rin ng pawis ang manipis kong sando. Di naman malamig ang hangin pero konting dampi lang nito, ako ay nanginig na sa lamig. Ilang oras na rin akong nagmamasid. Nangangalay na ang aking mga hita at paa pero hindi ko ito pinansin. Kailangan ko itong simulan. Ito ay aking misyon. Oo kinakabahan ako pero desidido ako sa gagawin ko. Kailangan ko itong gawin. Wala nang atrasan!

At he'to na siya. 

Isang babae ang lumabas mula sa kanyang kusina papunta sa sampayan ng mga damit sa likod bahay nila. Pinapasok na niya ang kanyang natuyong mga sinampay para hindi mahamugan. Maganda ang 'mood' niya dahil may pagsipol pa siya ng kanyang paboritong awitin.

Tingnan natin kung makakasipol ka pa! natatawa kong inisip.

"PSSSSSSSSTTT!" pagkuha ko ng kanyang pansin.

Naging alisto ang babae.

Hmm... Malakas ang pandinig ni Ale.

"Sino yan?" tanong nito.

Hindi ako sumagot.

"Mikoy, huwag kang ganyan. Alam kong ikaw yan." siguradong sambit niya.

Sino si Mikoy? Hindi ako si Mikoy. Mukhang mag-'eenjoy' ako dito.

"Haha, alam ko na ang mga gawain mo. Hindi mo na ako magugulat. Tama na ang laro."

Umungol ang aso ng kapit-bahay. Lumakas ang hangin. May kung anong gumalaw sa mga halamanan. 

"Mikoy, anak. Tama na yan." sumimagot na ang babae. Hindi na natutuwa. "Pag hindi ka pa lumabas diyan sa tinataguan mo, hindi ka kakain ngayong gabi!" babala niya. "Anak, magsalita ka." 

Ngunit hindi pa rin ako sumasagot.

Lumiwanag ang kapaligiran. Nawala na ang mga makakapal na ulap na humaharang sa buwan. Nanlaki ang mga mata ng babae at tumingin sa aking direksyon. 

Nakita na yata niya ako. Ngumisi ako. Mabuti ito.

"Anak?" naging di sigurado ang tono ng boses ng babae. "Tama na yan. Lumabas ka na."

Pero walang mikoy ang lumabas. May dalawang mapupulang mata ang nakatitig sa kanya mula sa kadiliman.

"Si-Sino yan? Lumabas ka diyan. Hindi ako natatakot." pagsisinungaling niya kahit bakas na sa kanyang mga mukha ang namumuong takot.

Ginaya ko ang sinisipol niya kanina at mahinang tumawa. 

"Lumabas ka dito!" hamon ng babae. Hawak-hawak ang maliit na palanggana na handa niyang ihampas kung may aatake.

May isang maliit na lingas ng apoy ang biglang lumutang papalapit sa kanya. Maliit ito na para bang nagmumula sa isang kandila pero apoy lang ito, wala ang mismong kandila.

Magkahalong pagkagulat at pagkamangha ang nasa pagmumukha ng babae. Pero hindi ako nandito para mang-aliw. 

Gumalaw at nagpaikot-ikot ang lumulutang na liwanag. Pumarito, pumaroon. Gumagalaw ito na para bang nagwawala.  Biglang nasagi nito ang isa sa mga sinampay ng babae. Madali itong nagliyab.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now