[TWO] Chap.29: OSPITAL DE SERRA ULOO

4K 158 13
                                    

Hi Guys, thank you for waiting.

Akala nyo siguro One month na naman kayo maghihintay ng update, noh? Well, sorry to disappoint may update na ulit!

ENJOY!

۩۞۩๑ Ospital De Serra Uloo ๑۩۞۩๑



Isang binatilyo ang bumaba mula sa isang tricycle na animo'y galing sa isang napakalayong byahe dahil sa malaki nitong backpack. Tumingin-tingin siya kanyang kapaligiran, hindi siya pamilyar sa barangay na pinuntahan niya.

"Dito na kaya iyon?" sambit ng binata sa sarili. Tumango ito na para bang may sumagot sa kanyang katanungan. "Okay. Saan naman kaya dito ang bahay ng mayabang na yun?" natahimik siya saglit at muling nagsalita. "Oo nga, Kidlaon pero... asar lang talaga ako dun kay Gino, eh. May atraso pa sya sa akin! Naiinis ako dahil sa peklat sa aking braso dahil sa kanya!" inis na sambit ni Ren Dela Rosa.

"Isang tabi mo muna ang di pagkakaintindihan nyo. Wala kang mapapala kung puro galit lang ang ipapairal mo. Tandaan mong may kailangan kang malaman mula sa kanyang pusa. Di ba mahalagang malaman mo kung nasaan ang elementong-kaisa ng tatay ni Clarissa na si Buhano?" saad ng kanyang elemenyong-kaisa sa kanyang isipan.

Hindi sumagot si Ren. "Bahala na!" iritableng niyang sabi.

Tinuon ni Ren ang kanyang paningin sa mga house numbers na nakadikit sa mga gate ng mga bahay. Number 019 ang numero ng bahay ni Gino. Naglakad pa siya hanggang nakita na nga niya ang bahay na hinahanap. Isa itong lumang bahay na gawa sa kahoy at semento na ginawa pa sa panahong nasa ilalim pa ng mga kastilla ang Pilipinas.

Hindi na nagdalawang isip si Ren at pumasok sa gate na hindi sarado. Kumatok siya sa mabigat na pintuan na gawa sa puno ng Narra.

"Tao po?... Tao po?" naka-ilang tawag si Ren pero walang sumasagot.

"Walang tao!" sumimangot si Ren. "Kung kailan kailangan!"

"May pinuntahan siguro sina Gino at ang lola niya." mahinahong sambit ni Kidlaon sa isip ni Ren.

"So ano? Hihintayin ko pa sila dito?"

"Sa kasawiang palad, oo. Wala kang ibang magagawa."

"Haaayyyy, naku!" reklamo ni Ren pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan talaga niya ang tulong ng nagsasalitang pusa ni Gino. Nagbuntong-hininga si Ren. Kailangan niyang gawin ito para mapatunayan kay Clarissa Gutang na wala siyang kasalanan, hindi niya tinulak si Mang Jose!

Binuksan niya ang backpack na dadala at inilabas ang isang plastic bottle ng tubig. Uminom siya. Kung iisipin, para siyang naglayas. Nagdala siya ng mga damit na pampalit para sa ilang araw. Kinuha din niya ang ipon niya para panggastos. Hindi niya lubos akalain na gagawin niya ito para sa isang babae.

Seryoso talaga siya kay Clarissa. Lahat ay gagawin niya para dito. Sana nga lang mapansin ang lahat ng efforts niya.

Di pa nagtatanghalian si Ren, papalubog na din ang araw. Proproblemahin na naman niya kung saan siya matutulog mamayang gabi. Noong mga nakaraang gabi, pasekreto siyang tumutuloy sa rest house ng kanyang kaklase sa Owkward Academy. Buti na lang mabait ang kaklase niyang ito. Sa tingin niya, makikituloy muli siya doon. Syempre nahihiya na din siya dito. Sana talaga, mahanap at makausap na niya si Buhano.

May nagtitinda ng fish ball sa di kalayuan. Gutom na gutom na si Ren kaya naglakad siya patungo dito.

Habang kumakain ng fish ball, napansin ni Ren ang grupo ng mga kabataan sa may basketball court. Animo'y may isang pagpupulong, pero hindi sila maingay, mga nagbubulungan lamang. Malakas ang kutob ni Ren na di maganda ang pinag-uusapan ng mga ito.

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon