Chap.7: Santelmo (Part 1)

17.3K 497 21
                                    

 ๑۩۞۩๑ Santelmo  ๑۩۞۩๑

Wala ako sa sarili na tumatakbo at sumusunod sa isang pusa na may sakay na duwende.

Pero kakaiba ang pakiramdam ko. Natatakot, kinakabahan at na-eexcite. Halo-halo. Malakas ang aking kutob na sa wakas malalaman ko na rin ang lahat. Ang mga katanungan ko sa mga di pangkaraniwan na pangyayari sa mga nakaraang araw.

Sa totoo lang di ako nagdalawang-isip na sumunod dahil may tiwala ako kay itim, sa pusa pero pag kay Dahongo lang, syempre di no! Duwende, eh.  

Napangiti ako nang di oras.  Adik. nagtitiwala sa pusa? baliw na ata ako! Pero no choice, hinahabol kasi ng dalawng aswang at mga ewan na anino. Tsk. Tsk.

Dumaan kami sa may likuran ng basketball court, isang malawak na bakanteng lote na may malalagong damo.

"Wala tayong dadaanan dito." sabi ko. Alam ko na itong lote ay napapalibutan ng samentong pader ng katabing bahay.

"Huwag mag-alala, bata. Di dapat minamaliit is Dahongo." pagmamayabang ng duwende.

"Lupa, Lupa...

Ako ay iyong alagad, iyong sugo.

Ako ay sumasamo,

Buksan ang lagusan kung saan kami tutungo!" 

Nagkaroon ng mahinang lindol at laking gulat  ko nang biglang tumaas ang lupa sa harapan namin, yung tagpong bumubukol at naging maliit na burol. May kaunting yanig pa at may lagusan na lumabas sa burol. 

Pumasok sa loob sina Itim at Dahongo.

Ayaw kong pumasok. Nagdalawang-isip na ako. 

Sino ba naman ang papasok na lang bigla-bigla sa isang lagusan na lupa na pinalabas ng isang duwende? Malay ko ba, baka patibong din ito. Baka pagpumasok ako ay bigla akong lamunin ng lupa! Baka dalhin pa ako sa mundo nila at di na ako makabalik sa totoong mundo!

"Gino, wala na tayong oras!" tawag ni Itim. "Huwag kang matakot. Magtiwala ka lang." mahinahon niyang sinabi.

Sabi ko nga may tiwala ako kay Itim. Di ko rin alam kung bakit pamilyar ang presensya niya sa akin.

Pumasok ako sa loob kasi susugod na ang dalawang aswang para kunin ako.

"Wala kang takas sa amin!" sigaw ng isa sa mga aswang.

Lumipad sila ng mabilis patungo sa lagusan pero sa kamalasan ng dalawa, sumarado na ito at natabunan ang mga ulo nila. Di na sila makakaalis doon hanggang mag-umaga. Magiging abo na lang ang sila dahil sa sikat ng araw.

May sandaling amoy ng lupa pero bumungad agad ang sariwang hangin at ingay ng mga kuliglig. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko na unti-unting nawala na ang lagusan hanggang sa naging patag na muli ang lupa, na para bang walang nangyari.

"Astig yun, ha. Parang teleport lang." sabi ko na manghang-mangha.

"Syempre, si Dahongo ang gumawa nun!" pagmamayabang ng duwende.

"Nasaan na tayo?" tanong ko. Pinabalibutan kami ng  mga naglalakihan at nagtataasang mga puno, sa isang kagubatan.

"Di mo ito naaalala, bata?" tanong ni Dahongo.

"May mga mata at teynga ang mga puno at mga hayop dito, di rin magtatagal malalaman din ng mga kampon ni Gunaw na nandito tayo." sabi ni Itim.

"Sino si Gunaw?" 

"Naku. bata! Wag na wag mo ngang sambitin ang nakakakilabot na pangalan ng halimaw na yun!" saway ni Dahongo na halatang tatakot.

"Di ko maintindihan."

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon