Chap.41: Isang Patibong

9.2K 254 23
                                    

๑۩۞۩๑ Isang Patibong ๑۩۞۩๑

      (Gino Ivan Lazaro's POV)

Tumakbo ako bago pa man sumarado ang lagusang binuksan ng halimaw na kumuha kay Clarissa Gutang. 

"Gino!" tawag ni Jun-Jun Sta. Maria. Lumingon ako sa kanya at tumungo. Sumunod siya sa akin.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay biglang sumarado ang lagusan. Naging sobrang dilim. Buti na lang hawak-hawak ko ang aking apoy na baril na nagsilbing liwanag.

"Jun-Jun?" sabi ko. Tinaas ko ang aking baril para mas maliwanagan pa ang buong kapaligiran. "Jun-Jun? Nasaan ka na?" 

Pero wala siya.

Tinawag ko pa siya habang nagmamasid. Nasa isa akong makipot na 'tunnel.' Hindi ko makita ang dulo nito at purong kadiliman lang ang nasa harapan ko.

"Jun-Jun!" sumigaw na ako. Nag-echo ng aking boses. Hindi pa rin siya samagot.

Nasaan na siya?

"Gino, marahil lumabas siya sa ibang lugar. May pagkakataon kasi na kahit sabay kayong pumasok sa isang lagusan, magkaiba ang lalabasan ninyo. Ngunit bihiran lang iyon.. maliban na lang kung... " nagsalita sa aking isipan ang aking elementong-kaisa.

"Maliban na lang kung?"

"Kung isa itong patibong at sinadya. Maging alisto ko, Gino." babala ni Popoy.

Natahimik ako at biglang kinabahan. Oo nga pala may gusto ding kumuha sa akin.

Si Gunaw.

May inutusan na naman kaya siya para kumidnap sa akin? Tsk.  Medyo matagal-tagal na din nung huling may nagtangkang kumuha sa akin. Kala ko naman okay na at mamumuhay na ako ng tahimik.

Hinawakan ko ng dalawang kamay ang aking baril at dahan-dahang naglakad. Kung may makakakita sa akin, para akong isang pulis na nagmamasid papasok sa isang hide-out ng mga kriminal.

Handa ako, handa sa kung anong bigla na lang sumugod o sumalakay sa akin.

 May bigla akong narinig na mga boses, mga boses na umuungol at animo'y nagdurusa. Dali-dali akong lumingon sa likuran ko.

"Sino yan!" tanong ko at nag-expect na may sasalakay bigla. Tinapat ko ang aking baril sa direksyon kung saan nagmumula ang mga boses. Pero wala akong nakikita.

"Lumabas na kaya. Hindi ako natatakot sa inyo!" hamon ko. At para ma-sampulan binaril ko ang kadiliman. Dahil sa maliwanag na bala, saglit na nagliwanag at nakita ko kung ano ang gumagawa ng ingay.

Mga Aninong-ligaw!

Sila ang mga nilalang na unang umatake sa akin dati. Nag-blend sila ng mabuti sa kadiliman dahil sila ay para bang mga anino ng mga taong walang mukha. Gumagapang sila sa ere. At alam ko na humihigop sila ng lakas.

Binaril ko sila. Lumiwanag sagilit. Pero ang apoy na bala ay lumampas lang sa kanila dahil wala naman silang 'solid' nakatawan, parang mga anino nga lang talaga sila!

Unti-unti na silang nakakalapit. Nararamdam ko na ang bigat ng pakiramdam at bigla na lang akong inaantok at nanghihina. 

Wait. Bakit ako naaapektuhan? May agimat ako laban sa mga gaya nila. Ang kwintas ng aking Nanay Cindy! Kinapa ko ang aking dibdib, hinahanap ang 'cross-pendant.'

Wala ito!

Napaisip ako saglit at na dismaya nang matandaan ko. 

Tsk. Kasalanan ni Jenny Roque!

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon