EL KANTADIA 20: SI ANINO, ANG DYOS NG POOT AT DILIM

2.3K 110 11
                                    


"Gino... Gino! GINO! GINO!" paulit-ulit na tawag ni Abby habang yakap-yakap niya ito. 

Tinago niya ang kanyang pananabik na makita ang lalaking may espesyal na lugar sa kanyang puso. Habang nakasakay siya sa tambuhalang taong-bato na pinahiram ng dyos ng Gubat at Lupa na si BUhano, ang kanyang mata ay nakatuon sa iisang tao lang at iyon ay si Gino!

Laking tuwa niya nang sabihin ni Kikay na nasa El Kantadia sina Jun-Jun. Si Gino agad naisip niya at kinilig when the flower fairy told her that Gino was anxious to see her. 

She imagined his reaction when he sees her as a goddess at hindi naman siya nabigo dahil halos matunaw siya sa titig nito na puno ng paghanga!

Kunwari hindi niya ito napansin at unang sinalubong sina Jun-Jun at Clarissa. Syempre, she excited to finally see in person ang kapatid ni Sibol na si Luna, ang dyosa ng Buwan at mga Bituwin. Bilang siya na ngayon ang dyosa ng Buhay at Pagkalinga, ito ay kanyang nakakatandang kapatid. 

Hindi din niya lubos akalain na si Ms Mariella pala mismo ang kapatid niya. Kaya pala kung minsan na nakakasalubong niya ang secretary ng school director sa Owkward Academy, there was a feeling of familiarity.

Ayon sa huling alaala ni Sibol, dyosa pa ang kanyang kapatid. Marahil may nangyari dito noong mga panahong namatay na si Sibol kaya nawala ang pagkadyosa nito at namalagi na lang sa mundo ng mga tao. Nais din niya malaman ang nangyari dito but her responsibility as a goddess must come first kaya she has to heal and save all the elementals na apektado ng misteryosong sakit.

Pero sa ngayon, all of it means nothing! Hindi niya kayang mawala si Gino. Ang totoo, mahal na mahal niya ito gaya ng lubos na pagmamahal ni Sibol kay Gunaw. Hindi niya nais na maging isang trahedya din ang kanilang magiging istorya. She won't let it! When she saw na bigla na lang natumba si Gino, she hastily ran for him.

"GINO! PLEASE, BUKSAN MO ANG IYONG MGA MATA! HINDI PWEDE NA MAMAMATAY KA! HINDI PWEDE!" pleaded Abby.

Ginamit na ni Abby ang kanyang buong kakayahan sa pagpapagaling. She held Gino into her arms tightly, wala siyang pakialam kung mabasa man siya ng dugo na patuloy na lumalabas sa likod nito kung saan siya sinaksak. She closed her eyes at mataimtim na ninais ang paghilom at paggaling ng sugat ni Gino. Lumiwanag ang buong katawan ni Abby, sparkling like gold and diamonds. In an instant, naging berde sa malusog na damo ang dating tigang na lupa na nakapalibot sa kanila. Flowers started to grow and bloom in full beauty. Isang kapirasong paraiso sa pagitan ng terirotyo ng Kidlat at Apoy!

Lahat ng saksi ay namangha and realized the extent of Abby's power. Indeed, she's a goddess that brings life!

Pero wala pa rin itong bisa! The wound at Gino's back still oozed with blood at parang lalong lumalalim at lumalaki pa ito!

"Bakit?! Paanong hindi pa gumagaling ang sugat?" nagtatakang tanong ni Abby sa sarili. 

Then she remembered at napasigaw sa hinagpis. "HINDEEEE!" tuluyan nang nanghina si Abby at nawalan ng pag-asa when she saw the deadly knife na isinaksak kay Gino. Alam niya na ito din ang eksaktong punyal na pumatay sa orihinal na Sibol, na kahit ang dyosa mismo ay hindi magawang iligtas ang sarili!

"Wala na! Wala na akong magagawa! Ang ginamit kay Gino ay ang pumatay sa naunang Sibol..." Abby told everyone, crying hard.

"Hindi maaari!" dismayadong sambit ni Clarissa na kanina pa ding umiiyak dahil sa pag-aalala kay Gino.

"IKAW!" sinugod ni Jun-Jun si Buhano, "ANONG GINAWA MO!" he was about to use his samurai sword pero Clarissa was in time to stop him.

"Hindi pwedeng mamatay si Gino! Hindi pwede!" nagwala si Jun-Jun at pinagtataga ng isang kalapit na bato dahil hindi niyang magawang saktan ang duwende.

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon