EL KANTADIA 24: ANG PAGPUPULONG NG MGA DALAKETNON

2.5K 106 15
                                    

Muling nagbalik ang magkakaibigan sa kasiyahan nang parang walang nangyari.

Taglay ni Clarissa ngayon ang anyo at itsura ni Lyllia Shyuel. Si Ren naman, kunwari ay still under the spell ng dalaketnon. Masaya naman silang dalawa dahil they can freely hold each other's hands at magpakita ng affection sa isa't-isa since Lyllia Shysuel already gave an impression na laruan lang niya si Ren.

Katherine took Paguita's face while nanatili bilang Tangkai si Jun-Jun.

Noong papasok na sila sa loob ng Kristal na Palasyo, a dalaketnon couple has decided to go out. Malas nila! The group took this opportunity para tambangan ang walang malay na mga dalaketnon. The two just realized na nakakulong na sila sa isang masikip at madilim na butas sa lupa with Paguita, Tangkai, isang maliit na diwata at tatlong tikbalang. Nakapagtataka ang isa sa mga tikbalang ay nakadamit ng kagaya kay Lyllia Shuel!

Ang anyo na ngayon ni Daniel ay ang sa lalaking dalaketnon na mula pala sa Bulkan ng Apoy. He now got a reddish skin at patayong buhok na nagliliyab sa dulo.

Nakita sila ni Regina. She hesitated for a moment kung lalapitan ba niya ang mga ito o hindi dahil hindi siya sure kung ito ang kanyang nagpapanggap na mga kaibigan bilang dalaketnon.

Clarissa nodded and smiled at her. Nag-thumbs up naman si Ren which gave Regina the message na balik na ito sa matinong pag-iisip. Nakahinga siya ng maluwag and pulled Hero para makipag-usap sa mga kaibigan. They can freely talk to each other dahil hindi naman kakaiba na makipag-socialize during parties para sa mga dalaketnon na sanay sa mga ganitong pasosyalan na mga events.

"Napakagaling ng timing ng pagdating nyo dito sa Kabundukan ng Yelo. Personal akong nagpapasalamat sa pagligtas nyo kay Regina." Hero began.

"Naku, di mo nang kailangan magpasalamat dahil ililigtas namin talaga si Regina dahil kaibigan namin siya." sagot ni Clarissa.

Regina was touched sa mga sinabi ni Clarissa. Hindi niya lubos maisip na ang kanyang binubully noon ay siya pang mas naging malapit sa kanya. She's so thankful.

"Big time na big time ka pala, Hero! Ikaw si Priinssipeee Aggbayyaniii!" Jun-Jun animatedly said with an awkward bowing of his head.

Natawa si Hero pero Katherine was not impressed at siniko niya ito.

"Huwag ka ngang masyadong O.A.!" saway niya which made everyone laughed.

Then they all greeted Hero a happy birthday.

"Salamat. Di nyo alam kung gaano ako kasaya na may mga ka-schoolmate akong bisita ngayon!" Hero confessed. "Syempre, masaya ako dahil nandito si Regina pero iba din kapag may iba pang kakilalang kasama. Sa totoo lang ayaw ko ng ganito. Si Amang hari lang naman ang may gusto nito. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko ng simple at kasama ang mga taong malalapit sa akin, katulad ngayon, kasama nyo – gusto ko na tayo-tayo lamang."

"Aww, my poor big and cuddly snow bear! Don't you worry, once we're back at the mortal world, I'll set a mini party! I'll bake you a cake!" Regina promised and squeezed Hero's arm.

"Gusto ko yan, Regina. Salamat." Nakangiting sagot nito.

Clarissa mentioned na kasama din nila si Sir Daniel Solis, ang kanilang P.E. teacher. Bigla namang nahiya si Hero dahil alam niyang pasaway siya sa klase nito dati pero the teacher said that he can forget about it since its his birthday.

Upon knowing Daniel's story, Hero said that he'll also help in finding and saving Mariella mula sa kanilang school director.

"Hero, nasabi na sa iyo ni Regina ang isa pang dahilan sa pagpunta namin dito sa Kabundukan ng Yelo bukod sa pagligtas kay Ms. Mariella, di ba?" tanong ni Clarissa.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now