EL KANTADIA 5: ANG PALASYONG BATO

2.7K 98 6
                                    

Ang Palasyong Bato ay napakalaki at napakalawak na halos animo'y walang hanggang pader sa unang tingin dahil matataas at malalayo ang agwat ng mga bintana sa isa't-isa. Patag lang ang pinakabubong nito, aside from occasional turrets and towers where tikbalangs were stationed to guard and to warn any anomalies or possible threats. It's more like a war fortress than a castle.

Nagulat sina Gino sa biglang paglabas nito sa harapan nila. Their eyes where tricked because it was well camouflaged with the giant plants.

"Halina kayo mga mabubuting engkanto at diwata. Saluhan nyo kami sa isang piging!" Paguita invited. "Isang munting salo-salo dahil sa pagligtas nyo sa aming magkapatid mula sa nagwawalang kapre."

"Naku, huwag na kayong mag-abala pa." Clarissa politely declined. Parehong tumango sina Gino at Jun-Jun, agreeing. They remembered Mariella's warning about being careful sa mga makakasalamuha kanila sa paglalakbay. Since they were Mensaheros, every friendly gesture with unknown fairy or elemental can be suspicious. They have to be careful.

Kahinahinala naman talaga!

When Clarissa rushed to help Paguita, hindi pa siya nakakalapit ay mabilis na tumakbo ang kapre. Itong sina Paguita at Tangkai naman ay panay ang pasasalamat na para bang nahirapan si Clarissa na iligtas sila.

What made their decision stronger to decline, nagpakilala kasi agad ang dalawa bilang mga Dalaketnon, mga prinsesa at prinsipe pa! Clarissa doubt that they have no power to protect themselves.

"Huwag na kayong mahiya!" Paguita insisted, trying to maintain her smile. Mabilis maubos ang kanyang pasensya and it's a big effort for her to still be smiling at this moment. Tumanggi na ang mga Mensahero but she can't afford to let her plan fail! She won't lose!

At walang silbi pa ang kanyang kapatid! Tulala ito at nakatitig lang sa diwatang tumulong sa kanila. Mukhang nabighani ito.

Napailing si Paguita. Mabilis mahulog ang loob ng kanyang kakambal na prinsipe.

Because of the special cloak of Mariella and because of their duty as Mensaheros, Paguita and Tangkai thought isang diwata si Clarissa at sina Gino naman ay mga engkanto. Hindi nila masyadong napasin sina Carlos at Mariella dahil wala silang maramdamag malakas na kapangyarihan sa dalawa. Their only threat were Gino, Clarissa and Jun-Jun. While Kikay and Magayon were just mere elementals in their perspective.

Kailangan makaisip si Paguita ng paraan upang di agad makaalis ang Mensahero!

"Nakakalungkot naman kung di ko masusuklian ang kabutihan ninyo." Nagkunwaring naluluha pa ang prinsesa. "Pero..." sabay ngiti agad. "Dahil nais ko talagang ipadama ang taos puso kong pasasalamat. Heto na ang piging!"

With the wave of her hand, biglang nanginig ang lupang kinatatayuan nina Clarissa. Mabilis na umiwas ang mga ito pero nagulat nang naghugis mahabang lamesa ang umangat na lupa. One by one, assorted fruits pop out of nowhere and some pure plant dishes with unknown ingredients. A vegetarian feast appeared infront of them.

"Kumuha na kayo ng kahit anong prutas o pagkaing nais ninyo." alok ni Paguita.

No one moved, still not trusting.

Alam nina Gino na di nila dapat tanggapin ang anumang pagkaing ihain ng isang engkanto o diwata dahil maaaring ginamitan ito ng mahika. Baka may lason ito o sumpang maari nilang kikamatay.

Pero may isang sakim na kamay ang biglang dumampot ng isang mansanas at kinagat ito.

Napanganga na lang sa gulat sina Clarissa.

Tsk. Naku naman! dismayado si Gino.

Si Mariella naman ay walang nagawa.

"Hmm. Masarap. Ngayon lang ako nakakain ng sobrang sarap at malinamnam na mansanas!" komento ni Carlos.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now