[TWO] Chap.23: Pangitain

5.1K 197 16
                                    

۩۞۩๑ Pangitain ๑۩۞۩๑  




Kakaiba ang katahimikan sa bayan ng San Nicolas. Malalim na ang gabi at tanging mga huni ng mga kuliglig ang maririnig. Tila mahihimbing ang tulog ng mga taong-bayan dahil patay ang kani-kanilang ilaw. Ngunit ang totoo, halos lahat ay tuliro, di makatulog at ang mga diwa ay gising.

Silang lahat ay kinakabahan at may kinakatakutan. Pero ang nakakapagtaka, hindi nila masabi kung ano o sino. Bigla na lang may takot na nakatatak sa kani-kanilang isipan. Isang alaala na nagbibigay kilabot sa kanilang katawan pero malabo ito, parang isang kupas na larawan na hindi maaninag ang itsura.

Alam nila sa kani-kanilang sarili na may mga pangyayaring di maipaliwanag, mga aksidenteng pambihira ang dahilan subalit hindi nila ito masabi o maikwento man lang. Parang nangyari ito pero sa isang iglap, hindi rin nangyari. Marami ang naguguluhan. Ito ang usapan sa inuman o tsimisan sa bayan kaya lahat ay balisa at takot sa di malamang dahilan.

"Tay, bakit hindi permanenteng mabura sa isipan ng mga tao ang panggugulo ng mga kabataang nakamaskara sa bayan at sa party na naganap sa bahay ni Mayor Benjur Landicho?" tanong ni Clarissa Gutang sa kanyang ama.

Nagbuntong-hininga si Mang Jose at tiningnan ang kanyang anak. Nakaupo sila sa sala ng kanilang kawayan na bahay. Tinuturuan niya si Clarissa sa paggamit ng 'Aklat ng mga Dasal'

"Gustuhin ko man na tuluyan nang burahin ang mga naganap sa kanilang isipan, hindi ito maaari. Clarissa, maselan ang utak ng mga tao, kailangang mag-ingat ang mga albularyo sa mga orasyong may kinalaman sa isip dahil maaaring magdulot ito ng kabaliwan at pagkawala ng pagkatao. Ang orasyong ginamit ko sa buong bayan, kagaya sa mga dumalo sa party ni mayor at gaya na rin noong inatake ng mga tyanak ang grand ball nyo, ay orasyong nagpapalabo lang ng aktual na pangyayari at ginagawa itong animo'y panaginip o isang imahinasyon lamang pero nasa isipan pa rin nila ito at kahit anong oras maaari maalalang muli."

"Kaya po ba, kahit hindi nila masabi o parang wala silang patunay sa nangyari, nadoon pa rin ang alaalang magpapatunay na totoo ang kanilang haka-haka?

"Tama ka anak. Magulo siya kung iisipin." pagsang-ayon ni Mang Jose. "ang dasal ko lang, manatili ng matagal ang orasyon ko sa buong bayan.

"Bakit po, tay?"nag-aalalang sambit ni Clarissa. "Pwede pa rin itong mawala? Paano po?"

"Maaari itong mawala kung may isa pang albularyo o mangkukaulam na magtatanggal ng bisa nito. Babaliktarin lang nila ang parehong orasyong ginamit ko."

"Pero syempre po, impossible iyon dahil kayo lang ang nakakaalam ng orasyong ginamit nyo."

Tumango si Mang Jose. "Lahat ng orasyon ay indibidwal at nag-iisa lamang. Kaya nga marami ang nagnanais na makuha ang Aklat ng mga Dasal..." dumako ang kanyang tingin sa munting librong nakapatong sa harapan nila. "... dahil maraming mga orasyon dito na kakaiba at lubhang makapangyarihan." tiningnan niya ang kanyang mahal na anak. "Kaya Clarissa, isang malaking responsibilidad ang pangangalaga sa aklat na ito."

Hindi maitago ni Clarissa ang pagkabalisa sa kanyang mukha.

"Oh, bakit anak?" tanong ng kanyang ama.

"Di ba po sabi nyo baka ihabilin na ninyo sa akin ang aklat? Di ko po alam... Parang hindi pa po ako handa..."

"Kung hindi ngayon, kailan? Anak, sa tingin ko handa ka na, ngayon pang naging ganap na kaisa mo na ang iyong elementong-kaisa." sambit ni Mang Jose at tumango kay Kikay na tahimik lang na nagmamasid sa kanila.

ELEMENTOΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα