[TWO] Chap.21: Nagsusumamo

4.6K 200 13
                                    

๑۩۞۩๑ Nagsusumamo ๑۩۞۩๑




"GINO?!" sigaw ni Junior Sta. Maria. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Inayos pa niya ang kanyang salamin baka malabo lang ito pero animo'y nag-iba ang itsura ng kanyang kaibigan na si Gino Lazaro. Naging mas matapang at puno ng galit at poot ang mga mata. At para bang naging mabangis na hayop ang dating niya na handang atakihin ang kanyang biktima, nang ngumiti ito at ipinakita ang kanyang di pangkaraniwang mga pangil na naging mas mahaba at matalas. "Gino, anong nagyayari sa'yo?!"

"GGGGRRRRRR! AKIN NA ANG IYONG KAPANGYARIHAN!" banta ni Gino. Ang kanyang sigaw ay dumagundong sa apat na sulok ng maliit na silid na kanilang kinaroroonan "APOY!" tawag niya at sa isang iglap may dalawang bolang apoy na siyang hawak-hawak. May mainit na singaw ng usok din ang nagmumula sa buong katawan niya.

"Jun-Jun!" mabilis na sinangga ng harpy na si Magayon ang mga bolang apoy na papalapit sa kanyang taong-kaisa gamit ang kanyang makakapal na pakpak.

"Salamat, Magayon." sambit ni Jun-Jun. Tumingin siya kay Gino, gulong-gulo. Hindi niya maintindihan kung bakit siya gustong saktan ng kaibigan.

"Anong nangyayari, Gino?" nagtatakang tanong ni Clarissa Gutang pero hindi na siya nagtangkang lumapit.

"Malaki ata ang problemo nyan." dagdag ni Ren Dela Rosa. "Pero kung ano man iyon, di ko papayagang saktan mo si Clarissa."

Lumingon si Clarissa, masama ang tingin. Kumindat si Ren.

"Kaya ko ang sarili ko." sambit ni Clarissa. Medyo hindi na siya natutuwa. Akala ba ni Ren na mahinang-mahina siya at di kaya dalhin ang sarili?

"Oh, galit ka na naman?" sumimangot si Ren. Hindi siya nito pinansin.

Di na alam ni Ren kung anong gagawin para maibalik ang pagtangi sa kanya ni Clarissa. Hindi na gumagana ang mga pagpapacute niya.

"Tama na ang LQ." sabat ng diwatang si Rosabilya. Nagpakita siya at pumagitna sa dalawa.

"Kikay, Anong nangyayari kay Gino?" tanong ni Clarissa sa kanyang elementong-kaisa para maiba na ang usapan.

Naging seryoso ang mukha ni Kikay at pinagmasdan si Gino na ngayon ay matindi ang pagkakatitig sa kanila at nag-iipon ng apoy sa kanyang mga palad.

"Ito na marahil ang kinakatakot ng lahat..." sagot ng diwata.

"Nararamdaman kong may kakaibang presensya sa kaibigan ninyo." nagpakita na din ang isang sentauro, si Kidlaon ang elementong-kaisa ni Ren. "Napupuno siya ng nakakapangilabot na enerhiya."

"Oo, kanina ko pa nga nararamdaman iyon, simula pa noong pagpupulong." pagsang-ayon ni Kikay. "Sa kanya pala nagmumula iyon."

"Ano ba ang nangyayari?" inis na sambit ni Jun-Jun. "Sabihin nyo?!"

"APOY!" tawag ni Gino at nagsimula nang umulan ng mga bolang apoy.

"Mag-ingat kayo mga bata!" babala ni Magayon. "Hangin, Hangin..."

"Magayon, anong plano mo?!" pagtigil ni Jun-Jun sa elementong-kaisa. "Sasaktan mo si Gino?"

"Di namin magagawang saktan ang isang kaibigan." dagdag ni Clarissa.

Hindi nila magawang tawagin ang kani-kanilang elemento dahil di nila lubos maisip na kalabanin si Gino.

Umiling si Magayon.

"Naiintindihan ko kayo. Kailangan lang naman natin siyang pigilan. Ako na ang bahala." sabi ni Kikay.

"Lupa, Lupa

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon