Chap.28: Ang Madugong Piging

10.6K 318 20
                                    

 ๑۩۞۩๑ Ang Madugong Piging ๑۩۞۩๑

      (Junior "Jun-Jun" Sta. Maria's POV)

Nang binuksan ni Ibarra ang pintuan na iniukit mula sa puno ng narra, isang malawak na bulwagan ang bumungad sa amin. Napakaganda at engrandeng-engrande ang dating dahil sa dalawang detalyado at naglalakihang chandelier. Puno ng mga sosyal at mukhang kilalang tao. Puno din ng tawanan at musika.

Isang masayang piging.

Dahan-dahan kaming naglakad kasama si Ibarra. Nagmamasid at handa sa kung ano mang di inaasahang mangyayari. Mahigpit ang hawak ko sa aking espedang hangin, kagaya nina Gino Lazaro at Clarissa Gutang na hawak-hawak ang kani-kanilang elementog-armas.

May isang lalaking naka-coat at may fedora hat pa na biglang dumaan sa harapan namin. Nabigla ako at tumigil ng walang pasabi. Nabunggo si Gino sa likod ko at sa impact ay napa-move forward ako. Napahawak tuloy ang aking kaliwang kamay sa lalaki.

Nanginig ako sa sobrang lamig! Para bang sinawsaw ko ang aking kamay sa ice water! Dali-dali kong nilayo ang aking kamay. Tumingin lang saglit sa akin ang lalaki, blanko ang ekspresyon ng mukha at tumuloy na sa paglalakad patungo sa grupo ng mga babae sa di kalayuan.

"Ano ka ba, Gino!" inis kong sambit.

"Ikaw, eh. Bigla ka kasi tumitigil!" sagot ni Gino.

"Tama na nga yan. Mukhang di naman nila pinapansin na nandito tayo." nabanggit ni Clarissa.

Tumungo ako. Tama si Clarissa.

"Teka, si Ibarra?" tanong ni Gino.

Napansin ko nga na biglang nawala si Ibarra sa tabi ko. Nakita ko na lang siya na nauuna sa amin patungo sa isang pintuan.

"Ibarra, hintay!" sigaw ko. Hindi ko na pinansin ang mga taong nabubunggo ko. Gaya ng sinabi Clarissa, di naman nila ako pinansin. Lahat sila ay isa lang 'mirage,'hindi totoo.

Naabutan ko siya at hinawakan ang braso para pigilan sa paglalakad. "Nasaan na si Katherine?" tanong ko.

Nakaramdam bigla ako ng matinding kalungkutan at inggit. Binatawan ko si Ibarra. Para bang naramdaman ko ang emosyon ng multo.

"Nasaan na si Katherine?" 

Hindi siya sumagot at kagaya ng lalaking may sobrero kanina, blanko din ang ekspresyon ng kanyang mukha at nagpatuloy pa rin sa pagpasok sa pintuan. Susundan ko na sana siya nang bigla akong tinawag ni Clarissa.

"Jun-Jun, si Katherine!" sabi niya.

Napalingon ako. Nagpapalakpakan na ang mga tao at naghihiyawan sa tuwa. May bagong dating. 

Si Katherine!

Pero older version niya, mga nasa early twenties ata. Napakaganda niya talaga. Nakataas ang kanyang buhok na puno ng mga bulaklak. Nakapang-kasal siya, yung pangkasal na pangsinauna. 

May mas matandang lalaking naka-akbay sa kanya. Naka-suklay pataas ang kanyang buhok at may manipis na bigote. Ang lalaki ay ngiting-ngiti at halatang pinagyayabang na kasal na sila ni .... Katherine.

Alam kong hindi naman talaga iyon si Katherine, siya marahil si Maria Katerina, ang may ari ng brooch na paru-paru. Pero gaya ni Ibarra nakaramdam ako ng lungkot at matinding inggit. Bigla kong na-imagine what if kung magpapakasal kami ni Katherine? I bet napakaganda niya at marahil magiging super proud din ako.

"Binabati ka namin, Don Paquito La Quintanillas!"

"Napaka-swerte ko at asawa ko na ngayon ang pinakamagandang dalaga sa bayan." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kanyang asawa. "Siya na ngayon si Maria Katerina Dela Rosa Y La Quintanillas."

ELEMENTOWhere stories live. Discover now