Chap.10: Ang Engkantong Manliligaw

14.1K 383 14
                                    

 ๑۩۞۩๑ Ang Engkantong Manliligaw ๑۩۞۩๑

                 (Clarissa Gutang's POV)

Tahimik kong pinagmamasdan ang malawak na kalangitan na puno ng mga bituwin. Malamig ang dampi ng hangin at ang naririnig  ko lang ay ang ingay ng mga kuliglig. Pass 11 pm na pero di pa ako naaantok. Alam ko na kailangan ko nang matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas.

Nakahalumbaba ako sa may bintana, nakatitig sa kawalan. Nag-iisip ng kung ano-ano pero laging nasasagi sa aking isipan ang dalawang lalaki sa school ko, si Gino at... si Ren.

Marami akong itatanong kay Gino bukas, pagpasok ko.

At bigla ko na naman maiisip si Ren.. 

Haaaaayyyyy.... He's the reason for my sleepless nights! 

Grabe, super gusto ka talaga siya kahit masungit sa akin!

Di rin naman matagal ang pag-uusap nina tatay Jose at ginang Violy, kaya di rin ganun katagal ang pagpapantasya - este pagtitig ko sa naka-pikit na mukha ni Ren. Pero sa totoo lang, alam ko na ayaw niya makipag-usap sa akin kaya siya naka-earphones at nakikinig ng music.

Ouch.

Nakakalungkot talaga. Sa totoo lang, pinipilit ko ang sarili na isipin na okay lang ang lahat,  na di ako nasaktan noong putulin nina Ren at Katherine ang pagkakaibigan namin. Iniisip ko na di sila kawalan at magkakaroon din ako ng iba pang kaibigan. 

Pero wala na akong naging kaibigan na iba. 

Siguro dahil di ako palakaibigan at mas ginugusto ko na nasa isang tabi lang. Siguro nga ako din ang may kasalanan.

Tumayo na ako sa upuan. Isasara ko na sana ang bintana nang...

Psssssssssssssiitttttttttt!

Huh? Ano iyon? May nag-pssisit ba sa akin?

 Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagtaasan ang balahibo ko sa katawan.

May presensya?!

Sa pagkaka-alam ko kasi pag may nagpssit ng isang beses at di na naulit, isang engkanto iyon na nagpapapansin.

Di na bago sa akin ang mga multo at mga engkanto. Bata pa lang ako, nakakakita na ako. Alam ko din naman na may mga kaibigang engkanto ang tatay ko. Di lang sila malimit magpakita sa akin kasi pinaki-usapan sila ng tatay ko na huwag magpakita sa akin ng basta-basta kasi baka daw magulat o matakot ako. Iyon ang dahilan kaya pinapasuot ako ng tatay ko nang mga purselas at singsing na may dasal niya.

Papansinin ko ba o hindi?

Nagdadalawang isip ako. Suot ko naman ang mga alahas kong pangproteksyon, sigurado akong di ako magagawan ng masama ng kung sino mang engkanto.

Hindi ko pinansin at sinarado ko na ng tuluyan ang bintana.

 "Anak, bakit gising ka pa?" tanong ng tatay Jose ko nung lumabas ako sa kwarto ko.

Siya ay nasa may sala namin. Kapansin-pansin ang mga makakapal at naglulumaang aklat sa may lamesa.

"Maghihilamos lang po, tay." sagot ko. 

"Sige. Matulog ka na agad, ha?"

"Opo...Anong binabasa nyo? Parang may research work kayo."

"Ah, wala ito, iha. Huwag mo na akong pansinin."

"Basta, matulog na rin kayo, tay." paalala ko.

"Sandali na lang ito, matutulog na rin ako."

Bago ako naghilamos, hinubad ko muna ang mga bracelets at singsing na suot-suot ko.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now