Chap.7: Santelmo (Part 2)

16.8K 495 31
                                    

 ๑۩۞۩๑ Santelmo  ๑۩۞۩๑

"Huwag kang mag-alala. Mga engkantong puti sila." sabi ni Itim. "Gusto mo silang makita?"

"Ako? H-Hindi ko alam." Ang totoo, natatakot ako. Alam ko kung gaanong kamiserable ang buhay ng mga taong nakakakita ng mga bagay-bagay na di nakikita ng iba. Malimit walang naniniwala at pag-iisipan pang baliw. Hindi ako handa sa mga makikita ko kung pumayag ako. Ang alam ko puro mga pangit ang itsura nila. Nangilabot ako, naisip ko tuloy ang 'vampire-zombie' sa panaginip ko. Pero ubod din naman ng pangit ang mga aswang at aninong-ligaw na nakita ko na. Di ko naman masasabing pangit si Dahongo, mukha lang talaga siyang duwende ni Snow White, eh.

"Gino, anong elemento ka ba?" tanong ni Itim.

"Hindi ko alam. Paano ba malalaman?"

"Isipin mong maigi."

Mainit. Mahapdi sa balat at nakakasunog...

Bigla kong naalala ang away namin ni Ren. Gamit lang ang kamay ko, napaso ko siya. Tiningnan ko ang aking mga kamay, wala namang kakaiba. Pero may init akong nararamdaman sa loob ko. Galit na di ko alam kung saan nagmumula pero ito ang nagsisilbing siga sa isang...

"Apoy!" ang sambit ko.

"Tama. apoy ang elemento mo, Gino. At sa tingin ko di tayo mahihirapan sa paghanap ng engkanto mo. Halika dito." naglakad si Itim papalapit sa kalansay ng tatay Alberto ko. Di pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko ang buto ng kinilala kong ama. "Kita mo ang daliri ng ama mo?"

Tiningnan ko ang mga butong daliri ng kanang kamay ng tatay ko, may isang metal akong nakikita, isang singsing! Gawa sa totoong silver at may isang maliit na dyamanteng kulay pula sa gitna, isang ruby.

"Kunin mo ang singsing at suotin mo." sabi ni Itim.

Nagulat ako. "Naku, ayaw ko. H-Hindi ko masusuot ang singsing ng tatay Alberto ko. Lalo pa na galing sa kalansay niya!"

"Sigurado ako na gusto ng tatay mo na mapasaiyo ang singsing na yan. Hindi iyan ordinaryong singisng, Gino. Isa iyang agimat."

"Agimat?"

"Oo. Hindi basta-bastang magagamit ng isang tao ang kapangyarihan ng isang engkanto. Kailangan may isang bagay muna na ibigay ang engkanto sa tao. Itong bagay na ito ang magsisilbi nilang ugnayan. Tatawagin ng tao ang engkanto gamit ang bagay na iyon at pahihiramin naman ng engkanto ang kapangyarihan nitong elemento."

"Hmmm... Okay." pilit kong inintindi.

"Ang singsing na iyan ay galing sa engkanto ng tatay Alberto mo. Galing sa isang Santelmo."

"Talaga!!? May Engkanto din ang tatay ko! Astig!" napaisip bigla ako. "Teka? Santelmo?" 

"Ang Santelmo ay isang engkanto sa hanay ng elemento ng apoy. Isa itong bolang apoy na malimit na kikita sa mga dalampasigan. Sila ang nagsisisilbing gabay sa mga mangingisda para makadaong ng ligtas. Pwede silang maging kasing liit ng apoy ng kandila o kasing laki at liwanag ng isang araw."

"Ah.. parang may nakita akong Santelmo kanina sa may basketball court." sabi ko.

"Oo at nandito siya ngayon."

"Saan?" nilibot ko ang aking paningin sa aking paligid. Wala akong makita kahit si Dahongo ay tuluyang di na nagpakita.

"Suotin mo na ang singsing."

Nagdadalawang-isip ko. Pero dahil sa excitement na pwede akong magkaroon ng kapangyarihan at ang tatay Alberto ko mismo ay may sariling engkanto, hinubad ko ang singsing sa may butong daliri. Syempre dahan-dahan lang kasi daliri pa rin ito ng tatay ko. Di na ako nandiri at sinuot agad-agad ang singsing.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now