EL KANTADIA 14: ANG MUNTING ELEMENTONG HAYOP

2.3K 94 34
                                    


Ang lahat ng mga dyos at dyosa ay may kanya-kanyang espesyal na kakayahan na pinagkaloob ng Kalikasan bukod pa sa kanilang elementong kapangyarihan. Si Daloy na dyosa ng Karagatan at Tubig ay may kakayahang gayahin ang kahit ano mang elementong kapangyarihan ng kanyang kalaban. Si Sibol naman na dyosa ng Buhay at Pagkalinga ay may kakayahang magbigay lunas ng kahit anu mang karamdaman. Katulad ng lahat si Bulkano ay may kakayahan na siya lamang ang tanging nakagagawa, ito ay ang pagpalit ng anyo ng kahit ano mang nilalang na naisin niya, be it big or small. Kaya din niyang maging kasing liit ng isang duwende o kasing laki at taas ng isang higante.

Its been a while na hindi nakikita ng ibang dyos at dyosa si Bulkano. Akala nila, he has a lot of things to do ngunit hindi nila alam na may karamdaman ang dyos that greatly affected his mood and ability to shape-shift.

He's normally indifferent and stiff but it got worse kaya naman lalong lumayo ang loob ng ibang dyos at dyosa sa kanya. Huli na nang mapagtanto niya na he's sick. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang sakit na ito. Batid niya na ang karamdaman ay laganap din sa kanyang nasasakupan.

He's unsure kung may ganitong suliranin din ang iba pang elementong teritoryo, he haven't ask.

How could he?

Ngayon ay isa siyang munting elementong hayop na may katawan ng isang mabalahibong pusa with long rabbit ears. Hindi niya magawang bumalik sa kanyang orihinal na anyo. He even lost the ability to speak!

"Me-oooowww!" ang tanging lumalabas na kataga sa kanyang bibig.

He may not admit it pero malaki talaga ang epekto sa kanilang mga dyos at dyosa kapag kakaunti lang ang naniniwala sa kanilang presensya. Right now, hindi lubos ang kanyang kapangyarihan. Kasalanan naman niya ito. He went through years of being heart-broken dahil hindi masuklian ni Daloy ang kanyang pagtangi. Siya ay nagpabaya at hindi tumutulong sa kanyang mga nasasakupan. Pero eventually he realized he has to move on. At ngayon, he's suffering the consequences ng kanyang negligence.

Kahit papano, mayroon pa rin naman siyang mga taga-sunod. Pero may nag-iisa na bukod tangi sa lahat. He felt like he does not deserve ang wagas na debosyon nito sa kanya. Ang paniniwala nito exceeds a thousand devotees!

"Oh, nandyan ka pala." sambit ng isang boses na puno ng sigla.

Bulkano turned and the joyful face of Makiling ang bumungad sa kanya. The god can't help but smile as well. Sa anyo niya bilang elementong hayop, hindi niya alam kung paano ngumiti ang isang pusa pero sadyang nakakahawa ang ngiti ng diwata. Whenever she's around para bang lagi na lang masaya at nothing can go wrong.

"Masaya ako at nais mong mamalagi dito sa templo ni Bulkano." sambit ni Makiling.

Natagpuan niya ang munting elementong hayop sa may paanan ng estatwa ng dyos.

Noong una akala ni Makiling ay isang ligaw na hayop lang ito at agad niyang itinuro ang daan papalabas sa templo pero the creature kept on going back.

"Halika ka nga dito." Umupo siya sa kristal na sahig at ikinalong ang pusang may malalapad na teynga sa kanyang mga hita.

Hinaplos niya ang kulay tsokolateng balahibo nito and started to hum a familiar chant para sa dyos na sinasamba niya.

Wala naman reklamo si Bulkano, its not everyday he gets gentle caresses. Ang malambing na paghaplos ni Makiling sa kanyang balahibo, calms and relaxes him.

"Alam mo ba may mga Mensaherong napadaan dito, isang araw na ang nakalipas." Makiling began. "Marahil ay may mahalagang mensahe sila para sa mga dyos at dyosa... Ano kaya ito?"

ELEMENTOWhere stories live. Discover now