[TWO] Chap.16: Gulo sa Party

7K 198 30
                                    

๑۩۞۩๑ Gulo sa Party ๑۩۞۩๑                

   

Nagkagulo ang mga tao. Lahat ay nagsitakbuham papalabas ng hallroom.

"Anong nangyayari! Anong kaguluhan ito?" dismayadong sigaw ni Mayor Benjur Landicho. Naka-suot siya ng baraong tagalog at sadyang kagalang-galang ang itsura nito. "Pigilan ang mga batang nanggugulo, NGAYON DIN!" galit na utos nito.

"O-Opo." natarantang sagot ng mga guards ng mansion. Alam nila na sila ang mananagot sa kaguluhan sa party. Hindi nila malaman kung paano nakapasok ang mga batang hindi imbitado sa party. 

Ang lahat ng guards ay sinugod ang mga kabataan. Ayaw nila gumamit ng dahas at akala nila masisindak nila ang mga ito ngunit nagkakamali sila! 

"Tigilan nyo ito kung ayaw ninyo masaktan!" pagbabanta ng isang guard. 

Mayabang na tumawa ang leader ng grupo. Nakakapangilabot sa pangit ang maskara nito. "Hahaha! Baka kayo ang masaktan! Hindi ninyo kami kaya!" inilahad ng leader ang kanyang palad. "Fuego!" sambit nito. Sa isang iglap, nabalutan ng apoy ang kanyang mga kamay. 

Sandaling namangha ang mga guards pero di nila inaasahan na bigla na lang inihagis ng leader ang apoy papunta sa kanila. Natamaan ang isa at sumigaw sa init. Nasunog ang kanyang uniporme. 

"Pasaway na bata! Huwag mong paglaruan ang apoy!"

Hindi ito pinansin ng leader at inihagis niya ang pangalawang bolang apoy sa mukha mismo ng nagsalitang guard. Napaso ang mukha nito. "Arrggghhh! Walang hiya kang bata ka! Wala na akong pakialam kung minor de edad ka pa lang! Patay ka sa akin!" walang pagdadalawang-isip na inilabas ng guard ang kanyang baril at itinutok sa leader ng kabataan.

Nginitian lang siya nito na lalong ikinagalit ng guard.

"Agua!" madaling sambit ng isa sa mga bata na nagju-juggle ng tubig. Bago pa makalabit ng guard ang baril, isang malakas na buhos ng tubig ang gumulat sa kanya!

"Hahahah! Akala mo hah!" pagmamayabang ng leader.  "Fuego!" muling tawag nito. Plano niyang bugahan ng apoy ang kawawang guard.

"Boss, tama na." pagpigil ng isa pa nilang kasamahan na kumokontrol ng kuryente. "Voltacio!" sambit nito. Saglit na kuryente ang guard at nahimatay.

"Masyado kang pakilamero!" naiiritang sagot ng leader. 

"Mga alagad ng kasamaan!" sambit ng isa sa mga guard na natitira. May ibang tumakbo, may iba namang ginawa ang lahat para mahuli at mabigilan ang mga bata. 

Patuloy pa rin ang pananakot at panggugulo ng mga engkantong lumabas mula sa butas sa lupa na isa pa lang lagusan. 

"Clarissa..." tawag ni Kikay sa isipan ni Clarissa Gutang. 

"Kikay, anong nangyayari?!" nag-aalalang tanong nito sa kanyang elementong-kaisa. Sumilip siya mula sa pinagtataguan nila ni Ren Dela Rosa sa likod ng matatas na display cabinet ni Mayor Benjur na puno ng mga mamahaling figurine.  

"Gusto ng mga batang ito ng kaguluhan! Isa itong malaking eskandalo sa paggitan ng mga tao at mga espritong pangkalikasan! Kailangan mapigilan sila!"

"Pero maraming taong makakakita, hindi pwede na basta-basta na lang na tawagin ko ang elemento mo, Kikay."

"Kausap mo ang elementong-kaisa mo?" tanong ni Ren na napansin na bumubulong si Clarissa. Tumango ito. "Tanda ko dati Clarissa na may orasyon si Mang Jose na nakakapagtanggal ng alaala. Baka pwede nating gamitin iyon?"

ELEMENTOWhere stories live. Discover now