EL KANTADIA 1: ANG GABI NG PAG-ALIS

3.3K 108 6
                                    

Ngayon na ang gabi.

Tiningnan ni Gino Lazaro ang electric clock na nakapatong sa maliit na cabinet na katabi lang ng kanyang kama.

10:30 PM

Alas onse ang usapan. Kailangan na niyang umalis, marahil naghihintay na sa kanya ang kanyang dalawang kaibigan.

Handa na siya? Oo. He had been waiting for this night. He had been anxious ever since he and his friends saved Barangay Sta. Cruz and probably the whole town of San Nicolas mula sa masamang plano ng Supremo na buksan ang Purgatoryo sa mundo ng mga buhay na tao.

Nasaan na nga ba ang Supremo? Nawala na lang ito na parang bula. Gino knew that he'll see that man again any time soon.

But for now, first things first.

Sa totoo lang. Excited na siya. Hindi niya matago ang pananabik. It has been a long school year for him and the summer break came slow. He went back to a normal student life like nothing happened. Pero mahirap para sa kanya ang to act normal since in the first place, alam niyang iba siya sa mga kabataan. Hanga nga siya sa mga kaibigan niya na nagawang mag-survive through the school year. Clarissa became the top in the class, si Jun-Jun naman naging busy sa palihim na panliligaw kay Katherine, Regina was her usual 'drama queen' self but nicer at si Ren ay graduating na next school year and preparing for college. He got no news about Hero na prinsipe pala ng mga dalaketnong yelo.

And...si Abby.

Abby has been his main reason kaya nais na niyang umalis patungo sa El Kantadia the soonest. Ang sabi ng twin sister niya na si Jenny na pagkatapos ng kaguluhan ay di na tinapos ang school year at sumama kaagad sa Daddy Jethro niya pabalik sa America, kinuha daw ito ng isang dyosa.

Alam ni Gino ito ay ang diwa ng dyosang si Sibol.

Natigilan siya bigla. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Dahil isa na sila ni Gunaw, ramdam niya ang pagkamuhi nito sa dyosa. But he can suppress this hatred for now. He knew kung magpatalo na naman siya sa matinding emosyon ay baka magwala na naman ang katauhan ng datu. He won't allow that, of course! Madali lang namang pakalmahin ang galit ni Gunaw, since he got bits of his memories and everyday it gets clearer and clearer, he knew Gunaw loved Sibol sa much. Iyon ang laging inaalala niya para mawala ang galit at pagkamuhi.

His mission ay to get Abby back! No matter what!

He'll play along sa selfish desire ng School director na si Carlos Mendoza na makapunta sa tahanan ng mga dyos at dyosa. Ang pangunahin at ang tanging mahalaga para sa kanya ay makitang muli si Abby at iligtas ito.

"Sorry po, Nanay Cindy... Lola Esmeralda..." bulong ni Gino. He put a piece of paper sa ibabaw ng kanyang unan.

Siguro naman maiintindihan nila why he's leaving. Ang unang sinabihan niya tungkol dito ay ang kanyang Tita Dorina na bumalik na sa ibang bansa. Hindi naman siya pinigilan nito, instead ay supportive pa nga at excited marinig ang kanyang magiging paglalakbay once she gets back again next year.

Hindi siya nahirapang sabihin ito sa tita niya since she's like his older sister. Pero, sa kanyang ina... hindi niya kaya. Ilang taon din silang nawalay dahil sa pagkabaliw nito. She's just recovering from a weak mind and body, baka hindi siya payagan nitong umalis. Pero nakapagdesisyon na siya. Ayaw niyang saktan ang damdamin nito.

Gino closed his eyes and prayed sa kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay habang wala siya sa piling ng mga ito.

Finally, he walked outside his room and slowly went down the wooden stairs, avoiding those steps that creaks so loud.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now